Chapter 1

704 3 0
                                    

Jin's Point of View

Nakatayo ako sa harap Xerox Machine at sinexerox ang mga papers para sa presentation ng boss naming si Sir Shade. Napatingin ako sa salamin at nakita ang itsura ko.

I'm messed up. Haggarded.

"Jin, pa-xerox nga nito.."iniabot ni Lloyd ang papers.

"Ilan?"tanong ko.

"Apat daw, pinapatawag ka rin ni Ms.Sef."tumango nalang ako.

Pagkatapos nun pumunta na ako sa ikalimang palapag ng building.

"Ms. Sef? Pinapatawag niyo daw ako?"tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ahmm? Yes, may iniutos si Sir sakin.."sabi niya. Maybe ako ang uutusan niya.

"Kaya kung okay lang dito ka muna at hintayin yung mga tawag ng clients. Okay lang ba?"sabi niya sabay taas kilay. Tumango ako. Wow.

"Ayusin mo nga 'yang sarili mo.."sabi niya sakin sabay talikod. Malditang sekritarya. Tss.

"Sef!!"halos lalapat palang yung pwet ko sa upuan ng biglang may sumigaw sa may likod ko.

Napatayo ako ulit.

Bumukas ang pinto.

"Sef?!! Kanina pa ako tumataw- sino ka?!"sigaw nitong lalaki. Siya siguro si Sir Shade.Ang gwapo nga katulad ng sinasabi nila.

"Ahmm.. Sir, may iniutos ka daw po kay Ms. Seffany kaya.. Ako muna pinaupo niya dito.."sabi ko nangangatog ako sa takot. Sabi nila terror si Sir. Kahit mukha daw anghel ang mukha.

"Aist.. Oo nga pala.."napakamot siya sa ulo sabay tingim sakin.

"Ano nga pangalan mo?"

"Jin sir.."sabi ko sabay yuko.

"Anong posisyon mo?"

"Ahmm.. Empliyado lang ako sir na TAGA.."

"TAGA?"

"TAGA-xerox, TAGA-timpla ng kape.."

"Jin na TAGA? Never heard you before, whatever.. Parating ang mga barkada ko ngayon.. Dahil TAGA ka, taga-abang ka ngayon. Hintayin mo silang dumating tapos papasukin mo nalang.. Dala ka na din ng maiinom.."tumango lang ako.

"Kapag nagawa mo yung simpleng gawain na 'to.. Hindi ka na magiging TAGA.."sabi niya.

Tumango ako. Ayos, magkakaroon na din ako ng maayos na posisyon at maayos na sweldo.

Nakaupo lang ako at tinitignan ang mga papel sa mesa.

Schedules, paper works.. Ang pangit ng hand writing pweh. Maganda pa yung akin.

Biglang may nag-buzz sa gilid ko. Yung telepono pala yun. Pinindot ko yung red button.

"Yes,?"feel na feel ko ang pagsagot. HAHA

"Andito na po sina sir Kenneth.."

Siguro sila na yun.

"Okay, papasukin niyo na po sila.."tumayo ako at bumaba na.

May tatlong lalaking naka-polo at slacks ang nakasalubong ko.

"Sir Kenneth?"hindi ko kasi sila kilala kaya nagsalita na lang akong bigla bago pa sila makalagpas.

"Yes?"lumapit yung lalaking naka black and white ang neck tie. Pinakatitigan niya ako.

"This way po.."itinuro ko ang office ni Sir Shade.

Sumunod naman sila.

Pinagbuksan ko sila ng pinto.

Nagbatian sila ni Sir Shade.

Sexmate [S.P.G]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon