Chapter 2

537 2 0
                                    

Nakatayo ako ngayon ulit sa pwesto ko. Nagse-xerox.

"Jin, kape nga.."sabi ni Lloyd.

"Sige, wait lang."nagtimpla ako kaagad.

"Heto."iniabot ko sa kanya ang isang tasa ng kape.

"Salamat.. Nga pala.. Natanggal na daw si Seffany?"sabi niya.

"Hmmm? Bakit daw?"tanong ko naman.

Kibit-balikat siya sabay higop sa kape.

"Eeeyyth.. Ang init.."bulong niya sabay talikod.

Dumating naman si Sir Shade.

"Jin, to my office.. Now!"bulyaw niya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nakatingin naman ang lahat sakin.

"Oh, mukhang wala na tayong TAGA dito.."sabi ni Lila.

Napayuko nalang ako. 'Pag nagmaldita pa ako lalo akong matatanggal sa trabaho.

Ano bang nagawa ko? Shit. Sana wag akong matanggal.

Sumunod lang ako kay Sir Shade.

Nasa loob kami ng elevator.

"Tinanggal ko na si Sef sa trabaho bilang secretary ko. At ikaw ang papalit sa pwesto niya dahil kasalanan mo kaya natanggal siya.. Pero, bilang pagtupad ko sa pangako kong hindi kana magiging.. Ahmm.. Whatever.. Kaya ko rin yun nagawa."sabi niya.

Napayuko lang ako. Is that even a good news or a bad news?

"Kung di ka mag-aayos katulad niya at magtatanga-tanga ka.. Ngayon palang sabihin mo na.."

"Ahmm.. Sir, kaya ko po.."kailangan ko ng trabaho. This is a big opportunity. I should grab it.

"Good."bumukas na ang elevator.

"Bukas, dito ka na mauupo.. Kung may gamit ka man sa baba, ilipat mo na dito.. Alam mo ba ang trabaho ng isang sekretarya?"

Tumango-tango ako.

Hindi porket mukhang losyang ako e mukha na akong walang alam. Mataas ang pinag-aralan ko. Salutatorian kaya ako nung high school at magnacumlaude lang naman nung college.

"Ayusin mo ang trabaho mo Joy.."sabi niya sabay sara ng pinto.

"Jin po.."bulong ko. Mahirap ba siyang makatanda ng pangalan?

"Jin!!!"napatayo akong bigla. Pumasok ako sa office niya.

"Sir? May kailangan kayo?"tanong ko.

"Patingin ng schedule na iniwan ni Sef jan!"sigaw niya.

"Yes sir.."

Kinuha ko naman yung schedule tapos agad kong ibinigay sa kanya.

"Good.. May appointment ako ngayon sa Lazardo Corazon Company mamayang 3:00 pm with Ms. Solidad. Ilagay mo yan jan.."ibinato niya ang schedule sakin, pinulot ko naman..

"Ipaalala mo ha.. At mag-ayos ka nga Jes.. Isasama pa naman kita doon sa meeting.."sabi niya.

"Yes sir.."nakatayo lang ako sa harap niya.

"Oh? Bakit?"tanong niya.

"Jin po.."sabi ko paano kanina pa niya ako tinatawag sa ibang pangalan..

"Whatever.."umirap siya sabay sign ng labas.

Naupo na ako. Tinitignan ko ang mga schedule. Grabe pala, ang dami niyang pinupuntahan at ginagawa nung nakaraang buwan.

Ilang linggo na din simula nung maging sekretarya niya ako. Mukha nga akong alila sa mga pinagagawa niya. Utos dito, utos diyan. Punta dito, punta diyan. Nakakahilo nga siya minsan eh. Minsan gusto ko ng sumuko pero paano naman yung mga kapatid ko. Haist.

Sexmate [S.P.G]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon