Bumalik ako ng ospital. At nandun sina Roji.
"Ate!"yumakap sakin si Junie.
"Hmm.."ngumiti naman ako.
"Kamusta na Reine?"tanong ko.
"Okay naman Ate.. Saan ka Ate nanggaling?"tanong ni Roji.
"S-Sa opisina.."sabi ko.
"Ahh.."ngumiti naman sila sakin.
Napayakap nalang ako.
I'm doing these for them. I shouldn't be guilty.
"Bakit Ate?"tanong ni Reine.
Umiling ako.
Dumating naman yung doktor.
"Salazar, bukas pwede ka ng lumabas.."sabi nito.
"T-Talaga po?"tuwang-tuwa naman si Reine.
"Pero, paano yung babayaran ni Ate na mga bills?"tanong ni Roji.
Sana tumupad si Sir Shade.
"Wala na mana kayong bayaran.. Sa katunayan niyan, bago pa kayo pumasok dito, binayaran na Mr. Dominguez lahat."sabi ng doktor.
"G-Ganun po ba?"garalgal na sabi ko.
Tumango naman yung doktor sabay alis.
"Ate?"tawag ni Roji.
"Boyfiend niyo po ba yung Mr. Dominguez?"tanong ni Reine.
"B-Boyfriend?"
~~~~~~
Lumabas ako ng ospital dahil sabi ni Sir Shade pupuntahan niya daw ako.
Naisip ko tuloy yung sinabi ni Reine. Kung boyfriend ko nga ba si Sir Shade. Hindi ko masagot..
"Hi baby.."lumapit siya at humalik sakin.
Napaatras ako sa gulat.
"Oh bakit?"taka niya.
"Tara, samahan mo akong mamili sa mall.."sabi niya at akmang isasakay ako sa kotse niya.
"Sa mall? Bakit naman?"tanong ko tapos bumitaw siya.
"Mag-shopping tayo.. Ayoko na ng mga suot mo.. Kaya ka nagmumukhang ewan dahil sa kabaduyan mo.."umakbay siya.
Aray ha? Hindi naman talaga ako baduy eh. Sadyang wala na akong masuot na damit. Wala rin akong oras para magpaganda.
"Pero.. Paano ang mga kapatid ko?"
Napalingon naman siya.
"Edi, pasalubungan nalang natin sila."sabi niya.
"Walang magbabantay sa kanila. Hindi ba pwedeng bukas nalang?"tanong ko sabay talikod.
I felt awkward. Naalala ko yung kanina. Nakakahiya ako. Lumalabas ang kalandian ko.
"Wag kang mag-alala Jin.. Masasanay ka na rin sakin.."sabi niya sabay akbay at hinatak na ako papasok ng ospital.
"T-Teka, S-Sir? Saan ka pupunta?"tanong ko. Malapit na kami sa room ng kapatid ko.
"Lalabas?"biro niya.
Napakagat-labi ako. Pinipigilan ko ang tawa ko. Paano hindi sa kanya bagay magbiro. Mukha kasi siyang seryoso.
"Biro lang.. Gusto kong maging magaan ang pagtingin mo sakin.. Wag mo na rin akong tawaging Sir.."sabi niya sabay halik sakin. Mariin ang mga halik niya nun.
Kumalas na siya.
"By the way, may ipapakita ako sayo.."
May inilabas siyang paper.
BINABASA MO ANG
Sexmate [S.P.G]
RomanceNaging masaklap ang buhay ni Jin simula ng umalis ang mga magulang niya at iniwan ang mga kapatid niya at ang mga utang nila. Kinailangan niya ng trabaho. Nagtrabaho siya sa isang kompanya kung saan nandoon ang masungit nilang boss-Shade Dominguez...