AISHZEL'S P.O.V
"Hey! Plano mo ba talagang wag akong kausapin?" Tanong ko sakanya.
Lunch time namin kaya agad akong pumunta sa Secret Paradise/Garden dito sa likod ng school . Syempre gumawa muna ko ng palusot kina Margaux . Alam ko kaseng nandito ang masungit na si Zaine Althier Ellisse Sandoval . Even his name is so perfectly beautiful . Nakaka insecure ha! Tsk.
Nung alam ko ng wala talaga siyang balak magsalita , binuksan ko yung lunch box na dala ko . I know its so childish -_- isang teenager nagdadala parin ng lunch box? I prefer Moms cooking ability than buying foods in the cafeteria.
Nga pala yung "cafeteria" incident nung isang araw usap usapan pa din ng iba . Kung baket daw ganun kabilis naming naging kaibigan ang grupo nila Zaine . Saka yung "your not my friend" na sinabi saken ni Zaine kinalimutan ko nalang kahet nasaktan ako . Itutuloy ko parin ang plano kong kaibiganin siya :)
Ilang minuto ang lumipas natapos akong kumaen na wala man lang naririnig na boses nitong katabi ko ngayon -_- Since may oras pa naman bago magtime dadaldalin ko nalang siya :D
"Dahil ayaw mong magsalita , maglilitanya nalang ako. Alam mo. Ansungit mo!" Panimula ko . Para naman kahet sa ganito matauhan ang isang to at mabawasan ang kasungitan -_- . Nanatili syang nakasandal sa puno at nakayuko na parang natutulog .
"Pero alam mo dahil din dyan sa ugali mo. Yang cold , masungit at snobber mong side ang nag encourage saken na kaibiganin ka. Haha. Nakakatawa no? Imbis matakot ako sayo , nachallenge pa kong baguhin yang ugali mo. Baket ka nga ba naging ganyan? Dahil ba iniwan ka ng taong ma--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kase bigla nyang inangat ang ulo niya at diretsong tiningnan ako sa mata .
Yung walang emosyon nyang mata napalitan ng galit . Yun parang may nasabi akong mali . Alam kong sa ugali ko ang masamang tingin e hindi uubra saken . Pero ngayon nakadama ko ng takot . Sh*t!
"Wala kang alam. Saka sino kaba para pakialaman ako?! Baguhan ka lang dito pero kung umasta ka parang kilala mo na lahat ng tao dito! Umalis kana. Your just one of the girls here. B*TCH" puno ng galit ang mga mata niya nang sinabi saken yan .
Matutuwa na sana ko dahil narinig ko na syang magsalita . Pero yung mga sinabi nya . Ang sakit sobra . Ganon nya ba ko ka ayaw? Natauhan lang ako ng marinig ko na ang bell ng school hudyat na magsisimula na ang klase . Nakatitig pa din sya saken . Ngumiti lang ako ng pilit .
"T-time n-na p-pala. S-sige una na ko. S-sunod kana lang ha?" I managed to say that even if I've been hurt by his words . Umiwas sya ng tingin I even heard him cursed .
Tumayo ako mula sa pagkakaupo habang bitbit ang lunch box . Tumalikod ako at lumabas na ng Secret Paradise/Garden .
For the second time around . Nasaktan na naman ako sa sinabi niya . I took a deep breath . Siguro ito yung kapalit ng kagustuhan kong maging kaibigan siya . Kailangan kong lakasan ang loob ko .
You can survive this Jax. Just have faith.
Wala ako sa sariling pumasok sa room . At dahil medyo malelate ata si Maam ng dating kaya pinuntahan ako nila Chrizle na parang nag aalala.
"What's the problem Jax? You looked hurt? San ka galing kanina?" Sunod sunod na tanong ni Chrizle saken . I just give them a smile . A fake one .
"Nothing. Hurt? No ba kayo! Feel ko lang mag emote! :D Bawal na ba? Lumayas na nga kayo baka makita pa tayo ni teacher!" Liar Jax! Such a liar . Ayoko lang mag alala sila .
Ilang minuto lang pumasok na yung teacher namin sa english at kasabay nyang pumasok si Zaine . Tumingin nalang ako sa sahig para hindi sya makita . I'll still remember the words that he told me a while ago .
BINABASA MO ANG
A Cold Prince Do Fall Inlove
Novela JuvenilGIRL - Bipolar. Minsan masungit, tahimik, at seryoso pero nangingibabaw ang kakulitan. BOY - Masungit, hindi masalita, antukin, at womanhater pero pag nagmahal ibinibigay ang lahat. Pano kung magtagpo ang landas nila? Magbabangayan nalang ba sila f...