Chapter 1

19 0 0
                                    

"Anak, gising na,baka mahuli ka na sa pagpasok."

Unti-unting dumilat ang mga mata ni Melissa. Habang nag-iinat, napangiti ang dalawampu't apat na taong dalaga. Bagong umaga na naman. Isang panibagong pagkakataon upang mabuhay. Bagamat di gaanong maalwal ang kanilang pamumuhay mag-ina, di rin naman masasabing sila'y talagang naghihirap.Kungbaga, sapat lang ang kanilang kabuhayan sa kung anong kailangan upang makakain ng tatlong beses sa isang araw, makapasyal paminsan-minsan, at makapag-ipon para sa kinabukasan.

Nitong mga nakaraang araway nagpasya si Melissa na maghanap ng bagong trabaho upang lalong makatulong sa ina. Dalawa na lamang kasi sila sa buhay mula nung pumanaw ang kanyang ama nuong siya'y kinse anyos pa lang. Mag-isa siyang itinaguyod ng ina sa pag-aaral sa high school at sa kolehiyo sa pamamagitan ng pananahi. Hindi ito pumayag na magtrabaho ang anak habang nag-aaral ng kursong Management sa unibersidad. Sa paniniwalakasi ni Aling Joy, dapat nakatuon lamang ang pansin ni Melissa sapag-aaral upang mapagbuti nito ang kanyang marka. Di naman binigo ni Melissa ang ina at ito ay nagtapos bilang cum laude. Ngunit, dahil narin sa hirap ng paghanap, ang unang naging trabaho ni Melissa ay bilang isang sekretarya sa isang maliit na kumpanya. Di rin siya gaanong tumagal sa posisyong iyon dahil sa baba na rin ng sweldo at kawalan ng pagkakataon upang mapag-unlad ang sarili. Kung kaya't siya'y naging call center agent.

Halos dalawang taon din ang inilagi nya sa call center. Kaya lamang, nitong mga nakaraang araw ay naisip nyang dapat nang mas higit pa sa benepisyong natatanggap ang kailangan niya. Gusto na rin kasi niyang magbawas ang ina ng mga tanggap na tahi. Panahon na upang masuklian niya ang mga sakripisyong ibinigay ng kanyang ina para sa kanya. Nagkataon naman na nalaman niya mula sa isang kaibigan na may bakanteng posisyon sa kanilang kumpanya. Parang call center din ito, ngunit may higit na responsibilidad na magbantay ng CCTV monitors sa iba't-ibang lugar. Kapalit nito ay halos doble ng kanyang sweldo bilang agent. Kaya't agad siyang nag-apply at sa swerte ay natanggap naman. Pagkatapos ay nag-resign na siya sa dating kumpanya at sumailalim sa training ng bago. Ngayon ang kanyang unang araw bilang isang ganap na traffic monitoring agent.

Matapos ang maigsing panalangin ay agad na tumayo si Melissa dala ang kanyang tuwalya. Bumaba ito sa unang palapag at dumiretso sa kusina kung saan nagluluto ng sinangag si Aling Joy.

"Good morning, Nay!", wika ni Melissa sa ina.

Agad namang lumingon si Aling Joy at ngumiti rin sa anak. "Good morning rin. Anong gusto mong baunin ngayon? Mayroon tayong hotdog, ham, at de latang tuna dyan. Pwede kong igisa yun para maulam mo sa tanghalian."

"Nay, wag na kayong mag-abala. Naihanda ko na po kagabi pa yung babaunin ko ngayon.Nakatabi lang po sa ref. Iinitin na lang sa microwave sa opisina kung pananghalian na. Sige, Nay, ligo po muna ako." Pumunta na siya sa banyo upang makaligo't makapagbihis na ng susuotin para sa trabaho. Nang makatapos ay muling bumalik si Melissa sa kusina upang samahan ang inang mag-almusal.

"Anak, unang araw mo ngayon bilang traffic agent, ano?"

"Nay, traffic monitoring agent po. Para naman po akong MMDA nyan sa traffic agent."

"Hahaha! Ay, oo nga. Sa ganda mong iyan, baka lalong mag-traffic ang daan kapag ikaw ang nasa kalsada para magbigay ng ticket."

"Nay, talaga, gandang-ganda na naman sa anak niya."

"Aba'y oo naman.Kahit hindi pa kita anak ay masasabi kong maganda ka naman talaga."

Talaga naman kasing may angking ganda si Melissa. Mahaba at makintab ang kanyang itim nabuhok. Ang kanyang kutis ay mala-porselana sa kinis at puti. Matangos ang ilong niyang bagay na bagay naman sa mapupulang labi. Ngunit ang talagang nakaaakit sa kanyang mukha ay ang kanyang mga mata. Kulay tsokolate ang mga ito, na may mumunting bahaging kulay ginto. Napalilibutan pa ito ng pilikmatang mahahaba at itim na itim. Marami nga ang nagsasabing hindi na kailangan ni Melissa ang gumamit ng mascara kung mag-make up man dahil parang natural na ang ganito sa kanyang mga mata. Ang ganda ng kanyang mukha ay binagayan lamang ng kanyang may katangkarang pigura. Maganda ang tindig ni Melissa at tamang-tama lamang ang kanyang mga kurba sa katawan.

The Love I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon