"Listen, everyone. As you have probably heard, our mother company, Green Light, has been bought by Gerard Enterprise and will soon become part of the Gerard Group of Companies."
Kasalukuyang nasa meeting ang lahat ng pang-umagang empleyado ng Green Light, ang kumpanyang pinagtrabahuhan ni Melissa sa nakaraang isang tao't dalawang buwan. Sa nakalipas na panahong ito, naging bali-balita nga ang pagbili ng Gerard Enterprise sa inang kumpanyang nakabase sa USA. Nuong isang linggo lamang ay pormal nang sumailalim sa Gerard Group ang kanilang opisina. Marami sa mga empleyado ang kinabahan dahil hindi nila alam kung ano ang magiging epekto ng pangyayari sa kanilang mga trabaho. May ilan na ring umalis dahil sa pangambang baka mawalan sila ng posisyon sa kumpanya dahil maugong rin ang balitang iibahin ng Gerard Enterprise ang pamamalakad ng Green Light.
Bagamat may kaba kahit papaano, panatag pa rin si Melissa na magiging maayos ang kanyang katayuan sa Green Light. Isa kasi siya sa mga hinirang na ulirang empleyado kahit pa bago lamang siya sa kumpanya. Talagang naging magiliw siya sa kanyang mga gawain at maging sa kanyang mga kasamahan kung kaya't agad din siyang naging malapit sa kanila. Maliban na kasi sa inspirasyon ng kanyang pamilya, naging interesante rin ang mismong responsibilidad niya. Sa tingin niya ay para na rin siyang nangibang-bansa sa pagbantay sa iba't ibang CCTV na sakop ng kanyang dibisyon. Idagdag pa yung lalaking naikuwento ni Mancy sa kanya nuong nagsisimula pa lamang siya. Inamin na niya sa sarili na crush na nga nya ang lalaki.
"Because of this merger, some representatives from Gerard Enterprise will be arriving here in the Philippines to observe as well as consult the employees and the business processes of Green Light. As I understand from the reports that were sent to me about our new mother company, they are very hands on in their approach to business. This is a great time for us to be heard as regards our local needs and even perhaps our grievances, especially so because the head of Gerard will be coming here to personally oversee the turnover. His name is Collin James Gerard, and he is the CEO of Gerard Enterprise. When he comes here with the rest of his group, please give him our warmest welcome and be as honest as you can should you be given a chance to speak with him. Are we clear?"
Agad namang nagtanguan ang mga nasa pagtitipon. Iniisip na agad ng bawat isa kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanilang kumpanya sa kamay ng mga bagong may-ari. Maging si Melissa ay agad na nag-isip kung paano higit na mapabubuti ang kalagayan ng kumpanya, hindi lamang ng kanyang pangsariling pangangailangan. Naniniwala kasi siya na kung mapabubuti ang kumpanya, higit na benepisyo rin ang matatanggap ng bawat manggagawa.
"Please expect the Gerard contingent to be here the day after next. In line with this,we will be implementing a buddy system. Some of you will be assigned as temporary personal assistants of the members of the contingent that will be arriving. These people have already been selected by our IT department through random computerized selection. If I call your name, please stay put, otherwise you may be free to go."
Makatapos sabihin ito ay binanggit na ni Ms. Zeny ang mga pangalan ng mga magiging assistant ng paparating na may-ari ng kumpanya. Kasama sa pangalang nabanggit ay sina Melissa at Mancy. Dahil dito, halong pagkasabik at kaba angnaramdaman ni Melissa. Alam niyang napakahalaga ng ganitong oportunidad, lalo na sa tulad niyang baguhan. Isa itong pagkakataon upang mapag-aralan ang business side ng kumpanya, at hindi lamang ang responsibilidad na nakaatang sa kanya. Pagkakataon rin ito upang makapagbigay ng tunay na kontribusyon sa pag-unlad ng Green Light. Gayunpaman, kabado rin siya dahil kung tutuusin ay baguhan pa rin naman siya sa kumpanya.
Nang maiwan na lamang silang mga magsisilbing alalay ng paparating na mga pinuno ng Green Light, tinipon sila ni Ms. Zeny sa isang mas maliit na silid. Doon ay binigyan sila ng briefing kung sino-sino ang mga parating at kung ano ang kanilang posisyon sa kumpanya. Talaga naman palang matataas ang posisyon ng mga parating dahil maliban sa CEO ay parating rin ang iba't ibang bise presidente ng kumpanya.
"Ngayong alam niyo na kung sino ang mga parating," wika ni Ms. Zeny, "ay malalaman niyo naman ngayon kung kanino kayo naka-assign. Upang maging patas ang pagpili, magbubunutan na lamang tayo. Sige, Ricky, mauna ka nang bumunot ng pangalan mula dito sa fishbowl."
Isa-isa na ngang bumunot ng papel ang mga napiling maging assistant. Nang si Melissa na ang bumunot ay hindi muna niya tiningnan kung sino ang kanyang nabunot dahil nag-usap sila ni Mancy na sabay nilang bubuksan ang papel. Huling bumunot si Mancy at agad siyang lumapit kay Melissa.
"Ano, friend, game na? Buksan na natin ito."
"Oo ba," sagot naman ni Melissa.
"Ok, 1...2...3! Ay, nakuha ko si Mr. Wallace, yung VP for Marketing."
Di agad nakasagot si Melissa dahil patuloy niyang tinitingnan ang nakasulat sa papel na nabunot niya. Bigla siyang binalot ng kaba dahil ang nabunot niya ay ang mismong CEO na si Collin James Gerard.
"OMG! Siya ang nakatoka sa yo?! Ang stressful naman niyan!" Ito ang nasabi ni Mancy ng silipin niya ang papel na nabunot ni Melissa. "Naku, friend, sure naman na kaya mo iyan. Ang mahirap lang naman sa mga CEO na yan ay matanda na sila't kadalasan ay demanding. Pero, I'm sure, sisiw lang yan sa yo."
Sa wakas ay nalampasan narin ni Melissa ang pagkagulat. Tanggap na niya ang magiging tungkulin niya. Inisip na rin niyang isa itong napakagandang pagkakataon. Kailangan lang niyang maging positibo sa kanyang pananaw.
Makatapos ng meeting ay bumalik na siya sa kanyang puwesto. Nang buksan niya ang kanyang computer ay napansin niyang malapit na palang magtapos ang kanyang shift. Tiningnan niya ang CCTV na nakatapat sa apartment ni Mr.Bait-na-hot, ngunit mukhang di niya ito makikita. Nitong nakaraang mga araw ay hindi niya nakikita ang crush. Iniisip niya kung may sakit kaya ito kaya't hindi naglalalabas. O baka naman kaya lumipat na ito ng tahanan. Ang isiping ito ay biglang nagbigay ng lungkot sa kanya. Kinausap na lamang niya ang sarili, "Hay naku, Melissa, ano ka ba naman? Hindi mo nga kilala yung tao eh. Nakikita mo lang. Tumigil ka nga sa pantasya mo."
Sakto namang habang nagliligpit siya ng gamit ay dumating ang ibang mga kasamahan niya sa pagiging assistant ng Gerard contingent. "Mels, lalabas daw tayo tonight, treat ni Ms. Zeny kasi alam niyang stressed tayo sa mga susunod na araw. Tara, naghihintay na si Ma'am sa lobby," wika ni Ricky.
"Ganun ba, sige, tatawagan ko lang si Inay para di naman siya mag-alala." Agad na ngang tinawagan ang kanyang ina at tumalima nang sumama kina Ricky. Nang makarating sila sa restaurant ay umorder agad si Ms. Zeny. Habang nagkukwentuhan, ay biglang natahimik ang madaldal na si Mancy sa gitna ng pagsasalita.
"Mans, anong nangyari sa yo?", tanong ni Melissa sa katabing kaibigan.
"Mels! Mels! Si Mr.Bait-na-hot ba yun?", sabay turo sa may pinto. Tiningnan ni Melissa ang itinurong lalaki na papalabas na sa pinto ng restaurant. Agad ding tumigil ang puso niya, at sa isip niya'y nasabing, "Siya nga!"

BINABASA MO ANG
The Love I See
RomanceMelissa is a beautiful woman whose looks are only complemented by her down-to-earth attitude. She only has simple dreams for herself and her mother. When she got her job as an agent tasked to monitor CCTVs from far away places, she feels as if she w...