Chapter 4

3 0 0
                                    

"Ah, I, uhm. I just noticed you because I was given a heads up by Mancy. He's the guy who's assigned to Mr. Wallace. He, uh, he said that there's a guy who always helps the homeless on Park Ave. So, uhm, that's why, I mean, uhm, how I saw you." Pautal-utal ang pagsagot ni Melissa sa hiya at kabang nararamdaman. Gusto na niyang utusan ang puso niyang magbagal naman. Nakahihiya na kay Collin.

"You didn't answer my question, Mel. I asked if you had a crush on me." Bahagyang lumapit pa si Collin kay Melissa. Itinukod niya ang kanyang mga siko sa mesa at pinagsalikop ang dalawang kamay habang patuloy pa rin ang pagtitig at pagngisi.

Napapikit na lang si Melissa, pagkatwa'y inilipat ang tingin sa kung saan. Hindi niya matingnan nang diretso si Collin. Hiyang-hiya na siya. "Ah, I, uh, no. No, sir, I uh don't. Of course not. You're my boss. But I admire what you do." Ito na lamang ang naisip na palusot niMelissa.

Ang pagngisi ni Collin ay natuloy na sa buong ngiti. Napasandal na itong muli sa kanyang upuan, at napailing na lang habang nakatingin sa baba. Pagkatapos ay tinuloy na nito ang pagkain. Si Melissa naman ay tumuloy na rin sa pagkain. Ilang minuto rin silang naging tahimik. At di na nawala ang pamumula ni Mel sa hiya. Pagkaraan ng ilan pang sandali ay muling nagtanong si Collin, tungkol naman ngayon sa mga katrabaho ng dalaga. Dahil sa pag-iba ng paksa ng kanilang pag-uusap, nakahinga nang maluwag si Melissa at nakapagsalita nang muli.

Makatapos ang halos isang oras ay natapos na rin silang kumain at nagdesisyon nang umuwi. Nagsabi si Collin na ihahatid na niya si Melissa sa kanila dahil medyo gabi na rin, ngunit tumanggi ang huli dahil sa malapit lang din naman ang kanilang tirahan sa opisina. Sinabi na rin ni Melissa na mas maigi pang makapahinga na lang din si Collin agad dahil maaga pa ang meeting nilang lahat bukas upang kausapin naman ang lahat ng tauhan ng kumpanya. Di na nagpumilit pa si Collin. Pinasakay na lamang ng binata si Mel sa isang kotse ng kumpanya upang maihatid ito sa kanilang bahay.

"Goodnight, Collin. I hope you have a pleasant rest. See you tomorrow," paalam ni Melissa sa kanyang boss.

"Goodnight to you too, Mel. Have a good sleep. You'll be needing the energy tomorrow for the amount of work we'll be facing." Bati naman pabalik ni Collin.

Ngumiti na lang si Melissa sa pagpapaalam ni Collin. Nang nakasakay na ito at sinabi na ni Mel kung saan ang bahay niya sa tsuper, kumatok sa bintana si Collin. Binuksan ni Melissa ang bintana, inisip na may ihahabilin pa ang kanyang boss para bukas.

"Hey, Mel, you seem to be really good at your job, and your input is invaluable for the company." Napangiti naman si Mel sa sinabi ni Collin. Ngunit agad ding nawala ito nung narinig niya ang mga kasunod na kataga ng binata.

"But you're a really bad liar. I know you've got a crush on me." Sabay kindat ni Collin at agad nang naglakad palayo. Napanganga na lang si Melissa.

***

"You're a really bad liar."

"I know you've got a crush on me."

Paulit-ulit na naririnig ni Melissa ang mga huling salita ni Collin. Dahil dito, kahit mahigit dalawang oras nang nakahiga sa kama ang dalaga, di ito makatulog. Naka-ilang biling na ito sa higaan ngunit wala pa ring epekto. Gising ang kanyang diwa.

"You're a really bad liar."

"I know you've got a crush on me."

Napaupo na lang muli si Melissa sa bandang ulunan ng kanyang higaan. Bumuntong hininga at niyakap ang kanyang unan. Di siya mapalagay. Hindi niya malaman kung paano niya haharapin ang boss niya bukas.

Lumiban na lang kaya siya? Ngunit di naman niya maatim ang maturingang di propesyunal dahil alam niyang kailangan siya bukas ni Collin. At hindi naman siya dapat magpa-apekto nang gaano dahil kung tutuusin ay mababaw lang naman yung pinagkakaisipan niya.

The Love I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon