Chapter 8

9 0 0
                                    

"Hey, Jim. I'm nearing the venue now. Can you meet me at the lobby? Got those things you asked for. Yeah. Driver's about to pull up. Ok. See you in a bit," sabi ni Reagan habang kausap ang kapatid sa cellphone.

Tahimik ang naging biyahe ng tatlo. Si Reagan ay may binabasang dokumento. Tila gulong gulo naman ang utak ni Mancy kung kaya't sa labas ito nakatingin. Ngunit napansin ni Melissa ang madalas na pagsulyap, at pagtitig pa nga minsan, ng kaibigan sa kanilang boss. Pero kapag nag-angat naman ng tingin ang binata ay agad na ililihis ni Mancy ang kanyang mata para tumingin muli sa labas. At dahil wala namang kumakausap sa kanya, wala ring imik si Melissa.

Pagdating ng kanilang kotse sa hotel, napansin agad ni Melissa si Colin. Naghihintay ang binata sa kanilang pagdating.

"Hey, Mel, I'll get off first, ok? I wanna see my brother's face when he sees you. Mancy, you follow me, ok?"

Tumango naman ang dalaga sa habilin ng boss nila. Maging si Mancy ay tumango rin ngunit di niya matingnan sa mata si Reagan. Nang tumigil na nang tuluyan ang sasakyan ay pinagbuksan sila ng isang valet ng hotel. Agad na bumaba si Reagan at tinawag ang atensyon ni Collin.

"Jim," at agad namang lumingon si Collin at nilapitan ang kapatid, "I've the papers with me. We can go over them backstage before you present them later."

Habang nagsasalita ay napansin ni Collin na bumaba ng sasakyan si Mancy. "Ooh, you fetched your boyfie, I mean your assistant, huh? I wonder why..."

Ngumiti naman ng pasarkastiko si Reagan dahil sa pang-aasar, ngunit ng nilingon niya ang kabababa lang na si Mancy ay naging tunay ang maluwag nitong ngiti. Si Mancy naman ay parang kamatis na sa pamumula sa hiya, pagkagulo, at kilig na rin.

"You should've brought Melissa as well. I need her for... woah!", naputol ang pagsasalita ni Collin ng sumunod na bumaba mula sa kotse si Melissa. Inalalayan pa siya ni Reagan sa paglabas mula sa pinto ng limousine. Hiyang napatingin naman ang dalaga kay Collin, at pagkatwa'y ngumiti ng ubod hinhin sa binata.

"Bro, close your mouth. You look like an idiot with your mouth hanging agape like that," ngiting-ngiting pang-aasar ni Reagan sa kapatid.

"You need me for something? What can I do for you?", tanong ni Melissa kay Collin. Narinig niya kasi ang huling tinuran nito bago siya bumaba.

"I, uhm, yeah, uhm. Huh? Ah, I... ", ang nabanggit ni Collin sa tanong ni Melissa. Napahagalpak naman ng tawa si Reagan sa tila lutang na kapatid. Nagising naman ata ang diwa ni Collin at tinitigan nang matalas si Reagan.

"Yeah, I need you to fix my..."

"Broken heart?", singit na pambubuwisit ni Reagan.

"Shut up, " saway ni Collin. Muli itong bumaling kay Melissa. "I need you to fix my credentials that will be used by Zeny when she introduces me. I've seen the copy of her speech and I think she plans to tell everyone of my accomplishments since I was born, including when I first walked. Haha! Just streamline it for me, and determine what you think is relevant."

"Ok, no problem. I'll just look for Ms. Zeny. Excuse me," sabay talima ni Melissa sa utos ni Collin. Ngunit bago pa man siya tuluyang makaalis ay hinawakan ni Collin ang kanyang kamay upang pansamantalang pigilan siya. Nang tingnan niya ito upang malaman kung may dagdag pang iuutos ay napamaang na lang si Melissa, di makapaniwala sa sinabi ng binatang nakatingin sa kanya ng mata sa mata at nagsalita ng halos pabulong...

"Hey, Mel, I think you're the most beautiful girl in the world tonight."

***

Halos di makapokus si Melissa buong gabi dahil sa tinuran ni Collin. Di niya alam kung anong mararamdaman. Oo, nandun ang kilig. Pero may nilalabanan siyang damdamin. Ayaw niya itong bigyang pansin dahil alam niyang masasaktan lang siya kung sakali. Paalis na si Collin. Sa Linggo ay uuwi na siya ng Amerika. Kaya hindi niya dapat pang maramdaman ito.

The Love I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon