"Mels, eto na to! Siguradong destiny na ito. Itinulak siya ng tadhana na pumarito sa Pilipinas para makilala ako, at pagkatapos ay mahalin!Promise, isto-stalk ko talaga yun dun sa resto kagabi para magkabanggaan kami. Tapos magkakatitigan. Tapos magkakakilala. Tapos magmamahalan!"
Tawang tawa si Melissa sa mga winika ni Mancy. Maging ang ibang kasamahan nila ay natatawa na lang sa pag-iilusyon ng kanyang kaibigan. Kasalukuyan kasi silang naghihintay sa may reception area upang batiin ang Gerard contingent sa kanilang pagdating.
"Friend, sorry ha, alam kong crush mo rin siya, pero dama ko talagang kami ang magkakatuluyan eh." Alam na rin kasi talaga ni Mancy na may crush nga rin si Melissa sa lalaking nakikita lang niya noon sa CCTV.
"Hahaha! Hay, naku, Mans. Magtigil ka na nga. Baka mamaya, serial killer pa pala yun. Iyong-iyo na pag ganun."
"OMG, that can't be. Nakita mo naman kung gaano siya kabait sa mga homeless people na malapit sa apartment niya. Girl, I'm telling you. Feeling ko sobrang sweet nun sa akin pag nagkakilala na kami."
"Hoy, beks, tama na ang pagiging ilusiyonada. Kahit guwapong bading ka pa,hindi sa yo magkakagusto yun dahil baliw ka," wika naman ng isa pang kasamahan nila.
Nag tahanan na naman ang grupo. Ngunit agad din silang nagpormal nung sabihin sa radyo ng kanilang guard na nasa lobby na ang kanilang mga bagong amo. Agad na nag-ayos ng damit at buhok ang mga sasalubong at ngumiti upang maipadama ang mainit nilang pagtanggap. Ilang minuto lang ang nakaraan ay dumating na nga ang Gerard contingent. Nanguna ang isang lalaking nasa mga 50-anyos na siguro ang anyo. Agad itong nilapitan ni Ms. Zeny. Siniko naman ni Mancy ang katabing si Melissa at nagsabing, "Mels, yan na siguro yung Mr. Gerard. Mukhang CEO eh.Yan na yung assigned sa iyo."
Pagkatapos batiin ni Ms. Zeny ang mga bisita ay agad din silang pinalapit upang maipakilala sila sa mga magiging temporaryong boss.
"Guys, these are our new bosses, and as briefed, you will be acting as their temporary personal assistants during their stay here. This is Mr. Siegfred Wallace, he is the VP for Marketing. Sir, this is Mancy Campusora, he works here as a senior traffic monitoring agent, and he'll be your temporary secretary," pakilala ni Ms. Zeny. Ikinagulat ni Mancy na yung may katandaang binati ni Ms. Zeny ay hindi pala si Mr. Gerard. Ngunit wala na rin siyang oras upang usisain pa kung sino sa mga kasama si Mr. Gerard. Agad siyang nakipagkamay at magiliw na kinausap si Mr. Wallace.
Pagkatapos ay agad ring ipinakilala ang iba pang mga boss sa kanilang magiging personal na sekretarya. Ngunit wala pa si Mr. Collin James Gerard. Wala pa ang magiging boss ni Melissa.
"Jim's on his way up. He just had to make a phone call when we were coming up and he told us to go ahead and meet you guys," sagot ni Ms. Appleby sa tanong ni Ms. Zeny kung nasaan ang CEO. "Oh, here he is now."
Dahil nakatalikod si Melissa sa gawi ng pinto ng opisina ay kinailangan nitong lingunin ang paparating na boss. Biglang nanlaki ang mata nilang dalawa ni Mancy ng pumasok ang isang lalaking kilalang-kilala na nila ang mukha at tindig. Si Mr. Bait-na-hot ang pumasok sa opisina nila.
"Hi, Zeny. I'm sorry for being late. Hi, everyone, my name's Collin James Gerard."
Napanganga si Mancy at Melissa. Napaisip ang huli ng "Siya? Siya ang magiging boss ko? Si crush?!"
"That's ok, Sir. These are our staff who will be working with you as your personal assistants during your stay here. And, this here is Melissa Romero. She's your assistant."
"Please, Zeny, call me Jim. It's nice to meet you, Ms. Romero. What's your nickname?"
"It's Mel, sir."
BINABASA MO ANG
The Love I See
RomanceMelissa is a beautiful woman whose looks are only complemented by her down-to-earth attitude. She only has simple dreams for herself and her mother. When she got her job as an agent tasked to monitor CCTVs from far away places, she feels as if she w...