Chapter 7

14 0 0
                                    

Nilingon ni Melissa kung sino ang nagsalita. Nang makita niya ay nagulat siya sapagkat kasama ng sinasabing "aparisyon" ni Mancy ay ang kanilang boss na si Collin.

"Collin! Mancy and I were just about to leave for the office. I hope you don't mind that we had coffee. Ms. Zeny didn't want us to work on our stations, and instead ordered us to just wait for you and your brother," pagpapaliwanag ni Melissa.

"It's fine. Speaking of my brother, meet Reagan. Bro, this is Melissa and Mancy. Mancy will be your assistant. Melissa, on the other hand, is mine. Err... my assistant that is," biglang pagklaro ni Collin ng mapataas ang isang kilay ng kapatid pagkatapos sabihin ni Collin na kanya raw si Melissa.

Bumaling si Reagan kay Melissa. "Hi, so you're Ms. Liar. My brother has gushed about you non-stop since last night. He seems pretty taken with you... Aw!", biglang reaksyon ni Reagan nung sikuhin siya ni Collin. Pagkatapos ay bumulong ito sa kapatid, "maganda nga, bro. Oh right, no Tagalog, sorry." Pinandilatan kasi ni Collin ang kapatid.

Parang naulinigan ni Melissa ang pananagalog ni Reagan ngunit di siya sigurado.

"So, Mancy, since Melissa here belongs to Jim," na ikinaikot ng mata ng binata, "I guess you're mine," sabi ni Reagan.

"Sure, I do", sagot naman ni Mancy na tila nananaginip. Napatikhim si Melissa sa sinabi ni Mancy, na parang nagsilbing panggising sa kanya. "I mean, yes. Yes, I'll be your assistant."

Napangisi si Collin sa naging reaksyon ni Mancy sa kapatid niya. Halatang halata kasi na may gusto si Mancy kay Reagan. "Oh this is gonna be fun," naisip ni Collin.

Si Reagan naman ay napakunot ng noo sa reaksyon ni Mancy sa kanya.

"Anyway, since you've obviously had your coffee already, would you like to have another drink, or maybe some cheesecake while we get our coffee? Let's stay here in the meantime so that Mancy and Reagan can be more acquainted," sabi ni Collin. Namula at napatungo si Mancy, habang lalong kumunot ang noo at napatingin si Reagan sa kapatid.

Si Melissa nama'y bahagyang napatawa sa reaksyon ng kanilang kasama sa isa't isa. "Sure, cheesecake sounds nice. Would you like me to order for you?"

"No, Reagan and I will go to the counter. I'm not sure yet what kind of coffee I'm going to get. Come on, bro. After we order, you and Mancy can get to know each other better. Who knows, maybe you can become boy-- I mean, bestfriends." Natawa na lamang ito ng nagngalit ang panga ni Reagan sa kanyang sinabi.

"Oh my God, girl. Nakakahiya. Para akong tangang nawala sa sarili. Alaskado tuloy ako kay Collin mo," sabi ni Mancy sabay takip ng mukhang lalong namula sa mga huling salita ni Collin.

"Hoy, hindi ko Collin yun no. Collin lang. Walang pag-ari. Pero, oo nga, Mans. Medyo engot ang dating mo kanina. Sure," paggaya ni Melissa sa sagot kanina ni Mancy,"I do. Parang kasal ang tinanong sa yo ah. Actually wala ngang tinanong eh, sumagot ka lang. Hahahaha!"

"Ano beh! Paano ako makakabawi nito? Friend, baka ma-fire akong bigla dahil sa paglandi! Nooo!", angal ni Mancy.

Tawa ng tawa si Melissa sa paghihirap ni Mancy. "Hay naku, basta maging professional ka na lang sa pakikitungo sa kanya mula ngayon. Less landi, more professional, ganoon," payo nito sa kaibigan.

Mayamaya lang ay bumalik na sina Collin at Reagan. Totoo nga, biglang dumiretso ng upo si Mancy at naging propesyunal sa pakikitungo kay Reagan. Pakiwari nga ni Melissa ay sumobra naman yata ang ipinakikita ni Mancy dahil para na itong doktor na nakikipag-usap sa pamilya ng pasiyenteng nalalapit na ang oras sa pagiging klinikal nito. Pagbalik ng dalawa ay napunta sa usaping trabaho ang paksa kung kaya't naging mas maaliwalas ang diskusyon.

The Love I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon