Chapter 5

1 0 0
                                    

Buong araw silang nagtrabaho. Bawat dibisyon ng kanilang opisina ay kinausap ng grupo nina Collin. Mataas man o mababa ang posisyon ng empleyado ay pinakitunguhan ng binata ng pantay at puno ng respeto. Pinahalagahan niya ang mga ibinigay na opinyon ng mga tauhan gaano man ito kalalim o kababaw. Labis naman itong ikinatuwa ng mga manggagawa. Hindi nga naman karaniwan ang mabigyang-pansin ng mga pinakatataas na pinuno ang mga simpleng empleyado lamang. Kadalasan ay wala silang boses sa kung paano pinalalakad ang isang kumpanya. Dahil dito, lubos na naging maamo ang turing ng lahat kay Collin at sa mga kasamahan nito.

Maging si Melissa ay napahanga sa pagtrato ni Collin sa mga tao. Hindi niya inasahang ganito ang magiging pakikitungo ng binata. Bagamat alam naman niyang likas na may kabaitan ito dahil nga ilang beses na rin niyang nakita sa monitor ang pagtulong ni Collin sa mga walang tirahang nananatili sa may Park Ave., iba pa rin pala talaga ang makita ito ng kanyang mga mata mismo. Tila parang nawala ang inis niya sa panunukso sa kanya ni Collin kagabi at kanina. Napalitan itong kakaibang damdamin. Magaan ang pakiramdam niya ngayon sa boss niya.

Dahil sa bigat ng naging trabaho, halos walang pahinga ang buong grupo ng management at ang kanilang mga assistant. Maging sa kanilang tanghalian ay nagtatrabaho sila. Nang umabot na ng oras ng uwian, isang malaking pasasalamat ang ibinulong ng halos bawat isa. Lahat ay nagnanais nang makauwi at makapahinga.

"Friend, dinner muna tayo. Dun na lang kina Manang Fely, sa carinderia. Di ko na bet magluto pa pag-uwi, at wala na ring masyadong budget dahil two days pa bago ang sweldo. Haay! Hulas na ang ganda ko. Super haggard na!" sabi ni Mancy.

Bagamat pagod na rin talaga si Melissa, nagpasya siyang samahan muna si Mancy. "Sige, para makabili na rin ako ng maaaring ipasalubong kay nanay."

"Hey, Mel, you going home already?", tanong ni Collin nung mapansing nagligpit ng gamit ang dalaga.

"Uhm, not yet. Mancy asked me to dinner," sagot naman ni Melissa.

"Oh. You guys dating?" muling tanong ni Collin.

"Oh God, no! Eww! I can't date her. I'm more beautiful than her. And I'm reserving my beauty for that one prince who has yet to make his way to me," reaksiyon naman ni Mancy sa tanong ni Collin. "Aray!"ang nasabi rin nito makatapos kurutin ni Melissa ang gilid ng kaibigan.

"Hoy, ano ka ba? Boss natin yan," paalala ni Mel. Agad namang namula si Mancy at nahiya sa mga tinuring niya.

"Oh, Jim, I'm sorry. I didn't mean to have an outburst like that," paghingi ni Mancy ng patawad.

"Hahaha! That's ok. I like you, Mancy. You're very energetic and fun. So you guys won't mind if I tag along with you for dinner? I'm pretty famished myself," tanong ni Collin.

"Uhm, I..." ngunit di pa man nakasagot si Melissa ay nagsalita na agad si Mancy.

"No, problem, Jim. Come with us. But, we'll be eating Filipino food at a local place. You up for that?" tanong naman ni Mancy.

"Uhm, Collin, I'm not sure if you'll like it. It's a really informal place and the food..." pagpapaliwanag ni Melissa.

"Hey, it's fine. As long as there's food, I'm in. I'm not that kind of foreigner who's pernickety when it comes to food. Plus, I actually love Filipino food. I eat in the States. I hope there's sinigang. Is there sinigang?" balik naman ni Collin.

Medyo napamaang ang dalawang magkaibigan sa tanong ni Collin. Sinigang? Alam niya yung sinigang? Yun ang naisip ni Melissa.

"Well, maybe, maybe not. Who knows? Let's just go and find out. I'm super hungry already," deklara ni Mancy.

The Love I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon