Chapter 6

6 0 0
                                    

Friend, maganda ka raw! #beautiful_liar #kiligmuch

Paggising ni Melissa ay ito ang text na bumati sa kanya. Napansin niyang kagabi pa ito natanggap ng kanyang cellphone, ngunit ngayon lang niya ito nabasa dahil pagkarating sa bahay ay naghilamos at toothbrush lamang siya at pagkatapos ay natulog na. Pagod na pagod na rin kasi siya dahil nga sa trabaho kahapon at dahil kulang din siya ng tulog noong isang gabi. Pagkabasa ng mensahe ni Mancy ay bumalik sa alaala niya ang text ni Collin kagabi. "Ano na naman ba itong text ni Collin? Nang-aasar na naman yata talaga. Ok na eh!"

Pagkatapos ay tiningnan pa niya muli ang cellphone kung may ibang mensaheng natanggap, at mayroon nga. Mula na naman kay Collin.

Hey, Ms. Liar, good morning. My brother and I will be arriving late today at the office. Probably around 10AM. We just have to do some stuff before we go there. Try not to miss me too much, ok? ;-)

"Ang kapal! Grabe talaga! Miss? Miss mo mukha mo!" ito ang naging reaksyon ni Melissa sa text ni Collin. Pero sa katotohanan, hindi na siya talagang sobrang naiinis sa pagbibiro ng binata. Kung magiging tapat nga siya sa sarili, medyo may kilig na siyang nararamdaman sa mga birong ito. Pero alam naman niya sa sarili niyang biro nga lang ito.

Alam naman kasi niya na hindi siya magugustuhan talaga ni Collin. Kahit pa sabihing maganda siya, sa dami ng nakakasalamuha ng boss niya, pihadong marami pang mas maganda sa kanya ang nakilala na nito. Sa US na lang, siguradong maraming magagandang babae ang nakilala ni Collin. Kaya sigurado siyang biro lang ito. Malamang upang di maging pormal masyado ang kanilang turingan. Pansin kasi niya ay ang gustong environment ni Collin sa opisina ay yung parang magkakaibigan ang lahat. Yun nga lang, ang biro ng binata, di maiwasang magdala ng kaunting kilig kay Melissa.

Nagpasya siyang sagutin ang text ng binata. Ok, boss, see you at the office later. Will try not to miss you too much, crushie.

Pagkatwa'y bumangon na siya sa kama. Maglalakad na sana siya papuntang banyo nang tumunog ang kanyang cellphone.

Woah, somebody's being totally honest today. Seems like I can't call you Ms. Liar anymore. Can't help but admit what you feel for me, huh? No worries, I like you too. Ü

"Hala! Ano daw? I like you too? Lakas talaga makapang-asar nitong si Collin. Boss, huwag ganyan, baka kiligin na ako talaga." Kausap ni Melissa ang sarili. "Hay, naku, Mel. Tama na nga yan. Magsimula ka nang kumilos."

***

"Good morning, anak. Mukhang maganda ang gising mo ah. Di mawala ang ngiti mo sa labi," bati ni Aling Joy kay Melissa.

"Good morning din po, Nay," bati namang pabalik ni Melissa sa ina.

"Naku, mukhang may nagpapangiti na sa anak ko ah. Sino ba yan?"

"Nanay naman. Wala po. Ano, ah, nalaman ko lang pong, kuwan, malelate daw po yung Boss ko kaya magiging magaan ang umaga ko," sagot ni Melissa kahit bahagyang namula ang pisngi.

"Ganun ba? Siyanga pala, kumusta naman yung mga bago niyong boss. Wala ka naman bang dapat ipangamba sa magiging pagbabago sa kumpanya niyo?" tanong ni Aling Joy habang nag-aayos ng kakainin nilang mag-ina para sa almusal.

"Naku, wala ho, Nay. Sa katunayan, maganda ang magiging kalagayan namin kapag naiayos na ang mga bagong patakaran sa opisina. Mas magiging maganda at bago rin ho ang mga equipment namin. At higit ho sa lahat, madadagdagan ang pasweldo. Kung tutuusin, buti na lang ho talaga na nabili nina Collin ang kumpanya at hindi ako naganyak na umalis nung nangyari ito. Kung hindi, laking panghihinayang ko siguro."

"Collin? Sino yang Collin? Yan ba yung nagpapangiti sa yo anak? Uyy!" panunukso ng ina kay Melissa.

"Haha! Kayo, Nay, ha. Lakas niyong makapambuyo. Si Collin ho ang boss namin. Siya po ang CEO ng Gerard."

The Love I SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon