Chapter 8

2K 35 9
                                    

Xyza's POV

Woohh. This is it. Papasok na kami sa kanilang bahay, makikita muna yung malaking bahay nila, tapos may pool din. Kung i kokompara to sa bahay namin mas malaki pa kila David.

" Mamaya, pag may tanong sila sayo sagutin mo lang sila " - sabi niya. Ano to? May question and answer portion? Hahaha.

" Paano kung hindi ko kayang sagutin? " - sabi ko namn

" Tss, ako bahala " - sabi namn niya.

Pag pasok namin sa kanilang pintuan sinalubong agad kami ng mga katulong at nag bow.

" Asan sila? "- sabi ni David sa yaya nila.

" Nasa garden po, dun daw po kayo mag didinner, kanina pa po kayo nila hinihintay. " -Ang social ha sa garden mag didinner, gabi na kaya. Pumunta kami ni David sa likod ng bahay nila.... 

" WOW " - yan ang una unang lumabas sa bibig ko nung nakita ko ang garden nila. Grabe pinag handaan talaga ha? Kasi ang dami daming bulaklak, at ang mga bulaklak na yun eh gusto ko  lahat. Pagka tapos yung mga puno may nakasabit na mga ilaw na nasa hugis itlog na lalagyan . Alam niyo yun? Grabe ang ganda ganda talaga.

--------------------------------------------------------------------->>>> Picture ung ilaw.

" Tss, nag handa pa talaga sila "- iyan namn ang sabi ni  David. Di ba niya nagustuhan? Ang ganda ganda kaya.

" Ang ganda kaya. " - sabi ko sa kanya.

" Whatever " - Pshh kung maka whatever namn tong David na to parang bakla. Hahhaha.

Naka hawak kamay parin kami ngayon. Habang hawak hawak  niya kamay ko parang unti unting nawawala yung kaba. Anyare? 

Papalapit na kami sa mesa ng pamilya niya, hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya.

 " Mom, Dad nandito na sila " - sabi ng babae. 

ang Magandang Pulubi [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon