Sinusundan ko parin si David pa punta siya sa parking lot. Para akong tanga dito nag tatago sa pader habang sinisilip siya, tapos bigla siyang huminto.
" Lumabas kana jang babae ka, alam ko nandiyan ka. "
" Meow, meow, hindi to si babae, pusa ako, pusa meow meow "
Hahaha, natatawa ako sa mga ginagawa ko ngayon para akong baliw, may pusa bang nag sasalita? Hahaha. Tumingin ako kay David, nag lakad siya ulit tapos tumatawa, hahah iba yata trip ko ngayon ha! Sumakay si David sa kotse niya, tumakbo ako agad para ma abutan siya.
" Woh, David paki lakasan yung aircon " sabi ko, grabe na hingal ako saka tatatakbo kanina.
" Sine swerte ka ring pusa ka no! Bakit ka ba nandito? " sabi niya at nag simulang mag drive.
" HAHAHA, wala lang, nakaka tamad sa bahay, teka diba na tanong mo kanina kung gusto ko bang mag aral? Oo bakit? " sabi ko.
" Tss, ipapa enroll sana kita, pero tinatamad na ako. " - napaka tamad talaga ng David na to, bahala siya.
" Ikaw bahala, saan tayo pupunta? "
" Sa mall, nagugutom ako, walang pagkain sa condo mo." - tumango lang ako. Yes, pupunta namn kami sa mall, mag papa sama nalang din ako sa kanyang mag grocery.
Ilang minuto lang naka dating na kami sa mall. Sinusundan ko lang si David, papunta siyang starbucks tapos Nag order siyaa ng makakain namin. Habang kumakain kami tumingin sa David sakin, tapos inabutan niya ako ng tissue.
" Aanhin ko to? "
" Try mong ilagay sa ilong mo, tanga ipahid mo sa baba mo, napaka burara mo talagang kumaing pusa ka! "- sabi niya. Pinahid ko namn yung baba ko. Tapos tumingin ulit sakin si David.
" Tsss " - sabi niya, tapos kumaha siya ng tissue at lumapit sakin, pinahiran niya baba ko. Ang gwapo pala ni David pag malapitan, ang ganda ng mga mata niya, parang ma hypnotize ka. May narinig akong usap-usapan sa kabilang table.
" Sana ganyan din yung boyfriend ko no? Gwapo na sweet pa! "
" Tingnan mo girl, bagay sila no? "
Parang ang awkward ng atmosphere namin ni David.
" Ahh, ehh, David samahan mo ako mamaya sa grocery ha? " - sabi ko
"Sa isang condition, kailangan manglilibre ka ng cotton candy! "- sabi niya, Hahaha akalain mo yun parehas pala kami ni David ng gusto. Gustong gusto ko talaga ang cotton candy simula pa nung bata pa ako.
" Sige ba, Ano tara? " - Tapos umalis na kami ni David at pumunta sa grocery.
>> Grocery <<
" Ano ba David, baka gusto mong ilagay na lahat lahat tong mga pagkain dito sa cart ha? "
Grrr, Alam niyo ba anong ginagawa ni David? Sa twing makaka kita siya ng mga masasarap na pagkain, nilalagay niya sa cart namin, promise ang dami dami talagang pagkain dito sa cart. Katulad ng mga junk food, at madaming madaming chocolates.
" Tss, nakaka gutom sa condo mo. Tingnan mo nga yang nilalagay mo sa cart puro gulay, ew "
" Bakit ba? atleast diba healthy lagi, Di katulad sayo, sana ma UTI ka! " - sabi ko at iniwan si David na kumukuha parin ng mga junkfood. Tsaka kanina pala binigay na ni David sakin yung sahod ko.
Kuha ng kuha parin ako ng mga kina kailang ko sa condo. Pagkatapos naming mag grocery pumunta na kami sa pabilihan ng cotton candy. Pina una ko na si David. Pagkatapos kong bumili pinuntahan ko na siya.
" Ito oh " - sabay abot kay David ng cotton candy niya. Nandito kami ni David sa may park.
Kumakain lang kami ni David, walang imikan.
" Ang sarap talaga ng cotton candy / Ang sarap talaga ng cotton candy " - sabay sabi namin ni David.
=====================================================
A/N : Alam ko pong pangit ang update ngayon pasensya. Babawi ako sa next update ko.Tataasan ko alaga promise po. Salamat po pala sa nag babasa at sa nag vote ng story.
- VOTE
~ REXCEY~
BINABASA MO ANG
ang Magandang Pulubi [Slow Update]
HumorKwento ng isang pulubi na pakalat kalat sa kalye. Hindi niya alam kung saan pupunta. Wala siyang magagawa kaya palakad lakad na lang. Isang araw, nag-hahalungkat siya sa basuran. Nang bigla siyang kinuha ng dalawang YAYA. Pinaliguan, binihisan . no...
![ang Magandang Pulubi [Slow Update]](https://img.wattpad.com/cover/5002961-64-k717617.jpg)