Chapter 15

1.5K 42 38
                                    

Kent's POV

Hindi kami maka paniwala na naging girlfriend ni Sd ang pulubi. Ilang araw lang kaming hindi nagkita, ito agad ang bumungad saming apat. Napaka allergic ni Sd sa babae pati nga barkada ni Riza hindi niya nilalapitan eh, tapos ngayon? Napa buntong hininga nalang ako.

" Kent, sino siya? "

" Naalala mo pa yung bet natin Carl? Yung pulubi? Diba nanalo ako nun? So ito na nga, siya na yun Carl, siya na yung pulubi. Na naging girlfriend ni Sd ngayon. "

Pagka sabi ko nun, parang na bigla si Carl sa na dinig niya pero agad naman niya itong binawi.

" Girlfriend agad pre? Iba ka na talaga. Tinataasan mo na si Renz eh. " - sabi ni Mark

" Oo nga pre! Anong masasabi mo Renz ha? " - Carl

" Ano ba dapat sasabihin ko? Psh! " - sabi ni Renz.

Anong problema nun?

"Ang OA mo Renz! Anyare? " - sabi ni Mica sa kanya.

" Alam ko bakit nagka ganyan yan! Nung isang araw diba Sd, Kent pumunta tayo sa condo niya ( sabay turo kay Xyza ). At eto namang si Renz akala niya eepekto yung charm niya sa kanya ( turo na namn ) tapos---

" Ano bayan puro kana lang turo ng turo. Hindi mo pa ba siya kilala? " - sabi ni Mica

" Hindi pa NAMIN kilala! " - sabi ko namn.

" OW! Renz, Kent, Mark and Carl this is Xyza, Xyza meet the 4 idiots isama mo na dun si Sd " - sabi ni Risah tapos tumabi kay Xyza.

" Hello " - iyan ang sabi ni Xyza. Oh kilala ko na siya ha!

Isa isa kaming lumapit kay Xyza, except Renz. Nag pasalamat pa nga siya sakin eh kasi daw pinatuloy ko siya sa condo namin. Ibang iba na siya ngayon, kasi noon hindi siya nakikipag halubilo, pero ngayon ngumingiti na siya tapos napaka daldal niya pa.

Ano bang nangyari kay Renz? Parang ayaw niya kay Xyza ha!

" Xyza, nagka problema ba kayo ni Renz? " - tanong ko

" Oo nga Xyza, siya lang yung hindi lumapit sayo " - dagdag naman ni Shannen.

" Sinong Renz? "

" Yun oh, yung nasa tabi ni Carl " - sabi namn ni Nice

Tumingin naman si Xyza sa gawi nila, tapos tumango tanga siya.

" Oh, anong plano mo? " tanong ko sa kanya.

______________

Xyza's POV

Na aalala ko na kung bakit naging cold si Renz sakin. Alam ko pangalan niya dahil sinabi ni Kent. Iniwan ko muna saglit si David at pumunta kay Renz.

" Hi! " - sabi ko sa kanya. Naalala ko pa ang binigay niyang ngiti sakin, kaya ginaya ko ngayon ang ngiti niya.

Ay! Snob niya lang ako. Hindi niya ako pinansin. Na feel ko na ang na fe'feel niya nung snob ko lang siya. Ang saklap!

" Wag ka ngang mag inarte dyan Renz, porket di lang niya pinansin ang ngiti mo ganyan ka na. Ang OA mo! " - sabi ni Shannen.

" Sorry nung snob kita. Wala pa kasi ako nun sa katinuan. Kaya sorry! " - sabi ko sa kanya, pinaharap ko siya sakin kasi nga nakatalikod siya kanina, gusto kong makita expression niya habang humihingi ako ng pasensya.

Hindi niya parin ako pinansin, at tumalikod ulit siya. Ganun ba talaga ka hirap patawarin ako?

" Huy! Uyy papansinin niya na ako! Papansinin mo na ako diba? Uy sorry na! " - sabi ko sa kanya.

ang Magandang Pulubi [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon