LEO'S POV:
Nagising ako tanghali na, pagtingin ko sa kwarto ko, ang ayos ng paligid. Parang hindi ako sanay kasi tuwing gumigising ako, magulo kwarto ko. ano nga pala ulit nangyari kahapon?
"Leo! Nakadating ka, himala ata!" bati ni earl.
"Tss, ayoko naman kasi talaga." saad ko.
"O sya, birthday mo nga pala ngayon. Bakit wala ka atang party?"
"Eh ayoko eh. Kayo lang naman pupunta. Aaksayahin nyo pa panahon ko."
"Sus! Parang di mo naman kami kaibigan!"
Naglakad na kami papasok ng club, ang ingay ng tugtog, ang daming taong nagsasayawan, madaming nag-.. alam mo na, sa paligid, madami ding umiinom, at merong mga lasing na kung ano ano ginagawa.
bakit nga ba ako andito sa lugar na to? Pag ako nagc-clubbing gusto ko ako lang at mga kaibigan ko ang nasa lugar, tong lugar na to madaming tao eh! Nakakairita.
"Hi~" may babaeng lumapit sakin at inakbayan ako.
"Sino ka?"
"Joyce. Joyce ang pangalan ko. Drink tayo? treat ko." pa-seductive niyang sinabi.
"Ayoko. Layuan mo ko." Tinulak ko siya, nahulog sya sa lapag, baka lasing na?
Umupo na ako sa table finally ng mga kaibigan ko.
"Ayun naman pala! Makakarating naman pala, ang dami pang kuskos balungos." Hirit ni Joan, ang dakilang lasinggera sa mga magbabarkada, mabait naman sya, problemado lang parati kaya nahilig maglasing. At sa ngayon, halatang halata na lasing siya.
"Totoo naman eh, ayoko dito. Ang daming tao." napatingin ako sa paligid. ang dami talagang tao.
"Ikaw lang ata yung lalaking ubod ng yaman pero hindi mahilig sa mga ganito." nagsalita si emman, ang pangalawang heavy drinker sa magbabarkada. mayaman din to, kaya halos lahat ng alcoholic drinks sa buong mundo, natikman niya na.
"Parang hindi nyo naman ako kilala." Sa sobrang stress ko sa lugar na to, kinuha ko yung maliit na bote na may laman na rhum ata yun, tapos ininom ko straight.
"Happy birthday to youuuu!!!!!" may narinig ako bigla na kumanta, sintunado pa. tss. si matt lang pala.
"Bakit andito ka?" tanong ko sakaniya.
"Masama? Eh nagce-celebrate lang naman ako ng birthday mo, insan." halatang lasing na siya.
nakakastress mga kasama ko. ayun tuloy, napainom nanaman ako. this time, gin naman.
bakit kasi ako napabarkada sa mga lasinggero eh? nakakabanas naman oh.
Hindi ko na namalayan ang oras, at dere-derecho na ang aking pag-inom. lahat ng mga kasama ko, sobrang lasing na at wala na sa katinuan.
nahihilo na ako, lasing na lasing na ako. tumingin ako sa phone ko at nakita ko ang oras, 12:42 na pala. Birthday ko nang talaga.
"Umuwi ka na. lasing na lasing ka na." may narinig akong boses ng babae sa utak ko.
hinanap ko ang boses, pero wala sa paligid.
lumabas nalang ako sa club. Grabe, nahihilo na talaga ako.. hindi ko na kaya....
BINABASA MO ANG
▶ Instructions & Guide ◀
Teen FictionMinsan sa buhay ng isang tao, may nangyayaring hindi mo inaasahan, at hinding hindi mo paniniwalaan. Ako nga pala si Leo Cortez. Mayaman, kaya siguro ako nagkaron ng babaeng katulong? HAHAHAHA joke lang. Eh? Ewan ko ba at anong klaseng tao ako at na...