LEO'S POV:
Asan na kaya yun? Napatulala ako sa kakaisip, at sa sobrang tulala ko, napaupo ako. Sudden instinct.
"Sir, okay ka lang ba?" Tanong sakin ni manang.
"Oo, okay lang ako. Ano ho breakfast?" Tanong ko habang tumatayo. Bakit ganon, parang ang bigat bigat ng katawan ko? Parang gusto kong humilata buong araw sa kama. Kung di ko lang birthday gagawin ko talaga yun eh.
"Wala ho eh. Agad agad ho kasing umalis si mam at sir at hindi sila nagbilin na magluto ng agahan. Atsaka sir, anong oras na ho. Tanghalian na dapat niluluto ko ngayon. Pasensya na ho."
"Kakain na nga lang ako sa labas."
Nawala sa isip ko si Alli. Ang weird weird nya kasi. Bakit ba kasi kelangan ako pa? Tss.
Bumalik ako sa kwarto ko at nakita ko si Alli nakaupo ng maayos sa beanie couch ko at nagbabasa ng libro.
"Andito ka pala. Akala ko kasama kita pababa."
"Kasama mo nga ako. Bumalik lang ako agad, gusto ko kasi tignan ang mga librong binabasa mo eh."
"Ano naman yan?"
"Book of... Art? Walang storya eh, puro pictures lang ng painting. Sobrang hilig mo talaga sa painting no."
"Pano mo nala- ah, oo." Nag-sink in na talaga sakin yung fact na kilala nya talaga ako.
"Buti naman nag-sink in na sayo yung fact na kilala talaga kita."
"HA? Pano mo- grabe ha. Walang patawad."
"Pupunta ka ba mamaya?" pag-iiba nya ng topic.
"San?"
"Kay Cindy."
Napatulala ako ng isang minuto dun ah.
"Hindi ko na tatanungin kung pano mo alam, ang tatanungin ko nalang ay kung ano alam mo samin ni Cindy."
"LAHAT."
"Ay. Oo nga pala. Ano satingin mo, pupunta ba ako o hindi?"
"Job well done. Marunong ka na mag-seek ng advice."
"Ano na nga. Hangover lang to. Mamaya-maya mawawala na sa isip ko na nage-exist ka. For a while sasakyan ko muna tong trip na to."
"Ikaw bahala. Hindi ko na cover yung part na kung pano ka mag-isip. Eto lang sasabihin ko sayo, malaki ka na. Marunong ka na mag-discern. Follow your heart. Kung satingin mo may feelings ka pa sakanya, talk to her. Kung wala na, still talk to her. Pero kung bitter ka, eh di wag. Wala namang mawawala sayo kung kakausapin mo sya or hindi eh."
"Mahal ko parin siya. Mahal na mahal. Kung hindi lang sa pinsan kong bwisit eh."
"Si Matt? Ah. Bayaan mo nalang. nangyari na eh. Go, talk to her."
"Sasama ka ba?"
"Yes."
"Wag ka na sumama! Baka isipin nila pag kinausap kita may sayad ako eh."
"Hindi naman ako maga-anyong ganito eh, marunong naman ako magmukhang tao gaya mo."
"So sasama ka?"
"Malamang. Mayamo kung ano gawin mo dun eh."
"Like you said, hindi na ako bata, marunong na ako mag-discern."
"Pero para saan pa kaya ang page-exist ko? You still don't get it, do you?"
"Oo na, oo na, naiintindihan ko na." Binuksan ko ang aparador ko, at naghanap ng susuotin hanggang sa may maalala ako.
BINABASA MO ANG
▶ Instructions & Guide ◀
Teen FictionMinsan sa buhay ng isang tao, may nangyayaring hindi mo inaasahan, at hinding hindi mo paniniwalaan. Ako nga pala si Leo Cortez. Mayaman, kaya siguro ako nagkaron ng babaeng katulong? HAHAHAHA joke lang. Eh? Ewan ko ba at anong klaseng tao ako at na...