Chapter 4: "Cindy."

10 0 0
                                    

CINDY'S POV:

"Sigurado ka na ba talaga?" Tanong sakin ni Matt, "You can back out anytime. Ako bahala sayo."

"Matt.." Napatingin lang ako sa lapag.

Kasalukuyan kaming nasa kotse ni Matt, sa labas ng coffee shop. May usapan kasi kami ni Leo na magkita dito, I wanna talk to him, but Matt won't let me.

"Babe. You don't have to. Wala ka nang obligasyon sakanya, either sya sayo." reassurance saakin ni Matt.

"Matt... I have to. Kaylangan talaga, I just cannot find.. courage."

"Kaya mo yan. Pinsan ko lang yan for earth's sake."

Lumabas si Matt sa kotse at pinagbuksan ako.

"Kahit na anong pilit sayo ng pinsan ko, sakin ka parin ha. I love you." Yinakap nya ako.

"Sige, you may leave."

Umalis na siya. At pumasok na ako sa loob ng cafe.

Tinignan ko sa kamay ko ang singsing na bigay saakin ni Leo. Bakit ko nga ba to suot suot pa. Maybe... NO! Cindy, naka-move on ka na. Wait, you don't need to move on, you did not even-no! that's not true.

*Sigh*

Hindi ko na dapat kinakausap sarili ko eh. It's all my fault anyways.

♪ If you ask me, how I'm doin, I would say I'm doin' just fine, I would lie and say that you're not on my mind... ♪

"Hello.. Leo?"  

"Okay then. Happy birthday leo.... mga anong oras ba?" 

"Okay bye."

So ayun, pretty much how our conversation went. Kinuha ko mula sa bag ko ang regalo na dapat sanang ibibigay ko sakanya. Si hangyeong, ang teddy bear, along with a letter, ang some stuff. I guess I'll give it to him later nalang. Tinawagan ko si Matt, at nagpasundo na.

"How did your conversation went?" Tanong nga habang nagii-stretch, heavy traffic kasi sa kahabaan kaya may time kami mag-usap. Di kami nag-uusap pag nagd-drive siya, baka daw mabungo kami eh.

"Uhm... wala." I answered, nagda-dalawang isip. Baka kasi magalit siya pag nalaman nyang ang pinunta ko lang dun ay wala.

"Bakit? He didn't come?"

"Yeah... pero he called. Pinostpone nya. Mamayang 7pm."

"I'll come with you, okay?" Hinawakan nya ang aking kaliwang kamay at hinaplos.

"Matt, no..." mahina kong sagot sakanya.

"Bakit? Why won't you let me come?"

Hindi ko masabi sakaniya. Ayoko marinig niya ang mga pag-uusapan namin ni Leo. Ayaw nya kasi akong dumidikit kay Leo. Ayaw nyang kinakausap ko. I'm worried he might find out na may regalo ako kay Leo, ang alam nya lang ay kakausapin ko si Leo para tigilan na ako dahil... engaged na kami ni Matt.

By the way, how rude of me. I'm Cindy Alessandra Mercado, Cindy for short. 1 year girlfriend ako ni Leo. We broke up last month. Wrong decision. Dapat hindi ko na siya sinagot, I gave him a huge burden these past few months. Hindi na sana siya na-fall, kasi ang nangyari one-sided love. Si Matt never kong sinulatan, hindi kasi ako expressive sa mahal ko. Ever noticed na madalas akong mag-send ng letters kay Leo? I was forcing myself to like him. I fed myself with thoughts about Him, yes, he was in my mind, but Matt was in my heart. One year kaming magkasama yet hindi ako na-in love. How.. how.. how cruel of me to do this to Leo. Ang plastic ko pala sa feelings ko.

"Oh bakit nakatulala ka? Wanna eat? May malapit na resto dyan, sabihin mo lang."

"Nope, I'm okay."

Stuck parin kami sa traffic. After one hour, naka-usad nadin. FINALLYYYYYY

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Table for?" tinanong ako nung waitress.

"Uhmm.. may kasama ako. May pumasok na bang lalaki dito? He's alone.. I think." Tanong ko habang tinatanaw ko si Leo.

"Wala pa po eh. Lahat po ng pumasok ay couples."

"Ah, ganon ba? Sige, a table for two."

Umupo ulit ako sa inupuan ko kanina, sa tabi ng bintana. Tinignan ko ang aking engagement ring, naalala ko tuloy ang sinabi saakin ni Leo.

"What if mag-propose ako ngayon sayo? Tatanggapin mo ba?" tanong ni Leo.

"Uhh.. ang bata pa natin! Maybe.. probably.. baka.. next ten years." ngisi ko.

"Ehhh, ang tagal!" inakap niya ako ng sobrang higpit.

"Besides, baka.. hindi pala tayo ang meant to be." 

"What do you mean? Are you planning to break up with me?" napatingin siya sakin.

"Hindi naman sa ganon! Baka nga iwan mo ko eh." Pagdadahilan ko. Ayaw kong malaman niya na hindi siya ang taong gusto kong makasama for the rest of my life.

"I will never leave you. Forever and always."

Forever and always. Hinding hindi ko makakalimutan yun.

"C-Cindy?" May narinig akong pamilyar na boses sa aking likuran, lumingon ako, and just as I expected.

"Leo, it's you." Napa-smile nalang ako. I don't know what to do. I'm still reprehensible about what happened a month ago.

Umupo siya sa harap ko, at nalingon sa labas. After a moment of awkward silence, he spoke.

"Bakit mo nga pala ako.. gusto kausapin?" He's still hesitant to speak, I can feel it.

"I just want to greet you a happy birthday." I falsely smiled.

"It's not happy. Just so you know." 

"I'm sorry."

"Is that all, cindy?"

"L-Leo..." nahihirapan na ako. I can't find the right words to say to a person whose wounds have not yet healed. Most especially I was to blame for his pain.

"Yun lang ba? Can I leave? I have more important things to do than to talk to you."

Harsh. Very harsh. 

"I ha-"

"Ano pa sasabihin mo? Yung engagement niyo? Eh di congratulations! But even if you invite me, I will not attend. Yun na ba? Okay na? Can I leave this damned room? If yes, thank you." Akmang tatayo siya pero pinigilan ko.

"I have something to give you, and I'm really sorry. Sorry kung wala akong masabi, sa letters lang talaga ako expressive eh. I hope you forgive me."

Nilabas ko ang regalo at nilapag, then I quickly stormed off the place. I hate myself. I shouldn't have blinded myself over love. Nandamay pa ako ng ibang tao. And here I am, walking nowhere. Bahala na nga, I'll just get lost. I deserve to.

[[[[[End of chapter four]]]]]

(A/N: WAAAAAH, ang bitter ni Leo. HAHAHAHA. Well, mas madali sa computer talaga. Sorry sa maikling chapter, sadyang mas expressive ako pag POV ni Leo eh. hehehe. comment lang peeps!)

▶ Instructions & Guide ◀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon