3RD PERSON POV:
May dalawang batang naglalaro sa bakuran ng isang malaking bahay. Isa ay batang maputi na may brown na buhok, at naglalaro siya ng Abacus at nagso-solve ng math problems, habang ang isang bata ay nagsusulat ng essay. Hindi sila tulad ng mga normal na bata na ang nilalaro ay kotse, robot, lego at sasakyan, kundi bagay na pang-matalino. Ganyan sila pinalaki ng mga magulang nila. Serioso silang mga bata, ni ang natural na pag-uugali ng bata ay di nila inugali. Matatalino silang mga bata, at wala silang pakialam sa mga laruan. Sila yung mga tipong bata na parating matataas ang mga marka sa iskwelahan.
"Leo! Matt! Kainan na." tawag ng yaya nila sa dalawang bata.
Isang tawag lang ng kanilang kasambahay ay agad agad nilang pinasok ang kanilang laruan sa loob at dumerecho na sa dining room para kumain. Nung nagpunta sila dun, ang tanging tao lang dun ay ang kanilang lolo at tatay ni Matt.
"Anong ginawa ninyo kanina?" Tanong ng lolo nila sakanila.
"Lolo, I did an essay! It's about the economy of the Philippines. What do you think about it?" Kinuha ni Matt ang essay sa tabi niya at ibinigay sa kaniyang Lolo.
"Wow, mahaba ito, apo. Ang tali-talino mo talaga." Ika ng lolo habang binabasa ito.
"Aba syempre. Anak ko 'yan eh." Pagmamayabang ni Rodolfo sa kaniyang ama.
"Lolo, where's dad?" yun lamang ang nasabi ni Leo.
"Apo, yung daddy mo nasa opisina. Siya kasi ang pumalit saakin bilang president ng kumpanya natin." pag-eexplain ng lolo nila.
"How about mom?"
"She's the one preparing the food. Oh, there she comes." turo ng lolo nila sa direksyon ng mama niya.
"Dad, you know, ako ang panganay, I should be the one handling the company. S-so that may time si Leonardo sa k-kaniyang anak." Singit naman ni Rodolfo.
"Binigyan na kita ng posisyon na maganda sa kumpanya, at ang binigay ko sayo ay isang trabaho kung saan ka magaling, kung saan mag-eenjoy ka talaga. Ayoko ka ilagay sa posisyon na hindi mo naman kayang i-handle. Atsaka isa pa, bata pa si Leonardo kaya't may lakas pa siya para i-handle ang kumpanya."
Napatungo nalang si Rodulfo sa sinabi ng kaniyang ama. Wala siyang maisumbat dahil alam niya sa sarili niyang mas magaling at matalino ang kapatid niya kaysa sakaniya.
"Babawi nalang ako sa anak ko. Si Matt ang magiging susunod na presidente ng kumpanya at hindi 'yong anak niya. I will do my best para maging talo naman kami ng kapatid ko. Don't you worry, Matt. Mas maganda ang future mo kaysa kay Leo." Isip ni Rodulfo.
~
"Son, nakapag-isip ka na ba kung anong gusto mong course sa college?" Tanong ni Rodulfo sakaniyang anak na busy sa pagsusulat.
"Yes dad, ang gusto ko pong course ay law." sagot ng masayahing si Matt.
"Bakit naman law? You should consider business administration."
"Hindi ko po forte ang business. I like law."
"Yun ang ikabubuti ng ating pamilya at kumpanya. Mag-business administration ka nalang for your lolo's sake, okay?"
Umoo nalang si Matt dahil wala siyang magagawa, kontrolado ng tatay niya ang buhay niya. Kahit man gusto nya ang law, kinuha niyang kurso ay Business Administration, habang si Leo naman ay engineering. Natuwa si Rodulfo nung nalaman niyang hindi related sa business ang kinuha ni Leo, at naisip nito na ang magmamana na talaga ng kumpanya ay si Matt.
BINABASA MO ANG
▶ Instructions & Guide ◀
Teen FictionMinsan sa buhay ng isang tao, may nangyayaring hindi mo inaasahan, at hinding hindi mo paniniwalaan. Ako nga pala si Leo Cortez. Mayaman, kaya siguro ako nagkaron ng babaeng katulong? HAHAHAHA joke lang. Eh? Ewan ko ba at anong klaseng tao ako at na...