LEO’S POV
Seriously. Hindi ko alam kung ano ire-reply ko sa bwisit na chat nitong Cindy na to. I don’t know kung ano gusto nya. WHAT THE HECK LANG TALAGA. Stuck. Sobrang stuck. Ayoko ng feeling na ganito. Ako nalalamangan eh.
Leo Cortez: Cindy, ano nanaman ba gusto mo?
Cindy Mercado: I already stated what I wanted. Hindi mo ba nabasa?
Leo Cortez: Look, let’s not kid ourselves. Alam mo kung ano ang ibig sabihin ko. Do not act like a six year old kid, Cindy. It’s not very likely of you.
Cindy Mercado: would you just please response accordingly? Nagpapa-ligoy ligoy lang tayo eh.
Leo Cortez: you’re not even asking a question.
Cindy Mercado: okay, if I would get back the past would you permit me to do so?
Leo Cortez: Past is past, okay? Let’s not bring that up.
Cindy Mercado: What about our old friendship, Leo? Is-set aside ba natin yun dahil lang sa mga bitterness natin?
Leo Cortez: ako ang magde-decide. Hindi ikaw. It’s my feelings, not yours.
Cindy Mercado: ang nagma-matter lang ba ay ang feelings mo? How about my feelings? Ilang beses nang natapak-tapakan pride ko! I swallowed my pride a multiple times yet your heart is still hard like a stone.
Leo Cortez: of course only my feelings matter, ako yung nasaktan, ikaw yung nanakit. End of the story.
*Leo Cortez is offline*
Nakakaistress siya kausap. Pang ilang beses na ba to nangyari? I presume this is not the first time. Nagkakabungguan an gaming nararamdaman, at hindi ito sumasang-ayon sa isa’t isa. Tapos sasabihin niya ako nanaman may kasalanan eh siya nga itong nanakit.
“Open your heart. Forget the past. Forgive anyone who hurt you.” May narinig akong sumingit.
“Sinasabi mo yan kasi wala ka sa posisyon ko.”
“Kilala kita. Based on your thinkings, dama ko nararamdaman mo. Are you forgetting ako ang guide mo, Leo Cortez?” Si Ali pala. Sabagay siya lang naman kasama ko sa kwarto ko, sino pa ba ie-expect ko?
“Alam mo nga kung sino ako, pero that doesn’t mean alam mo nararamdaman mo. Don’t speak so easily.”
“Ang sarado kasi ng puso mo. Feeling mo ikaw na luging-lugi na tao sa mundo. Buti nga ikaw one-sided love lang eh, yung iba dyan niloko na nga, pinerahan pa, kinuha pa ang virginity. Don’t act as if your problem is the worst case on the earth right now.”
“Oo na! Oo na!” binalibag ko yung mouse ko. Ewan ko. Nap-pikon ako tuwing nakakarinig ako ng sermon. Ayoko sa lahat yung may nagsasabi sakin kung ano gagawin ko eh. Alam ko na lahat!
“Hindi mo alam ang lahat. Marami ka pa kelangan malaman. If only hindi matigas ang puso mo, Leo.”
“Wala kang alam. Could you please get out of my room? Gusto ko mapag-isa at this moment. Please.”
Nung nasabi ko yun, agad siyang nag-disappear. Hindi siya naglakad palabas ng kwarto ko. She just disappeared before me. Para bang bula. Hindi parin ako makapaniwala sa mga pangyayari.
BINABASA MO ANG
▶ Instructions & Guide ◀
Teen FictionMinsan sa buhay ng isang tao, may nangyayaring hindi mo inaasahan, at hinding hindi mo paniniwalaan. Ako nga pala si Leo Cortez. Mayaman, kaya siguro ako nagkaron ng babaeng katulong? HAHAHAHA joke lang. Eh? Ewan ko ba at anong klaseng tao ako at na...