Chapter 7: "Aliya-The transferee."

15 0 0
                                    

LEO'S POV:

Packing tape. Panaginip lang pala ang lahat. Salamat naman. Hinding hindi ko gagawin yun no. Oo, cold at arrogant ako pero di ako gangster. May pangalan at pinag-aralan naman ako kaya imposibleng walk-outan ko si Ma'am. Kaya nga lang, may isang problema. Hindi nga ako nag-walk out, nakatulog naman ako.

"Next time, kung matutulog ka, gawin mo sa bahay niyo ha. Do you understand, Mr. Cortez?" pagkagising ko, yun agad ang narinig ko kay Ma'am Dona.

"Yes, Ma'am." pagkasabi ko nun, naghikab ako, at nagtawanan silang lahat.

"QUIET!" nagulat ako nang napasigaw si Ma'am, napatahimik naman lahat.

"Hindi porke matalino ka, tutulog tulog ka nalang sa klase, ha Leonardo." rinig kong may bumulong sakin sa likod, si Esther.

"Ikaw na perfect." balik kong bulong.

Habang nagle-lecture si donya dona, nag-creak yung pinto. Dinig ko no? Pano di naman ako nakikinig. Nakatingin lang ako sa pinto na nakabukas ng kaunti. Wait lang, di ba napansin ni donya dona yun? Sabagay medyo bingengot at focused na focused kahit walang focused sa tinuturo niya. Sa pinto ay may nakasilip na kolehiyala. Late siguro. Nako lagot ka kay Donya Dona, ipagdadasal ko nalang na sumalangit ang kaluluwa mong tadtad ng sabon.

"Yari siya kay demonyita dona." bulungan ng dalawa kong katabi na si Lester at Jake.

"Ma'am sorry I'm la-- tita dona?" pumasok ang babae, nagsorry siya pero nagulat ako kakilala niya si Donya Dona.

"Aliya? Ikaw na ba yan?" gulat din siya eh. HAHAHAHA

At nagkaron pa sila ng akap akap moment sa gitna ng klase. Wow, perstaym ko ata makita si Donya na mabait ah. HAHAHAHA 

"Sorry tita, este Ma'am, late ako. Bago lang po kasi ako." paliwanag ng babae.

Wait lang, naka-side view siya pero pamilyar yung mukha niya. Nakasalamin siya at nakaharang yung buhok niya sa mukha niya. Could it be, siya yung nasa panaginip ko? Deja vu ba ito? 

"Sige hija, umupo ka na. Tumabi ka kay Jake Lucio. Jake, raise your hand please." utos ng isang mataray na donya na naging pusang mabait. 

nung naglakad siya papunta sa upuan, NAMUMUKHAAN KO SIYA! SI ALI SI ALI SI ALI!

"Ali." tawag ko sakanya. Tinignan nya lang ako na para bang nagtataka siya, at umupo na siya.

"Ako nga pala si Jake. Jake Lucio. Ang number ko ay--" natigil sa pagsasalita si Jake nung sumingit si Lester.

"Kalalaking tao, malandi. Itigil mo nga yang kalokohan mo Jake! May girlfriend ka na! Babaero." pangbubuko ni Lester. Tinignan siya ng masama ni Jake kaya natigil na siya. Di na nagsalita si Jake dahil nahiya. At si.. Ali naman ay natawa lang.

"Psst ali." tawag ko sakanya, pilit kong binubulong pero lumalakas lang boses ko.

"Magkakilala kayo?" tanong saakin ni Lester.

"Hindi." mataray na sagot ni Ali.

"Oo, gu-- I mean, pinsan ko siya." sagot ko.

"Mr. Cortez, Mr. Samonte, and Mr. Salazar. Naririnig ko kayo. Pili, makikinig kayo o lalabas kayo?" balik nanaman sa taray mode si Donya.

"Lalab--" sumagot si Jake pero pinigilan siya ni Lester.

"Titigil na po, Ma'am. We're sorry." 

▶ Instructions & Guide ◀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon