Chapter 5: "Where do broken hearts go?"

11 0 0
                                    

LEO'S POV:

Nakatingin lang ako sa nakalagay sa table sa harap ko. Hindi ko sure kung tatanggapin ko to. Was I too harsh? It shouldn't have ended this way. I'm really sorry, Cindy. 

"Sir, o-order po ba kayo?" Tanong sakin ng waiter.

"No." I coldly said then left the place.

Bubuksan ko ba? Hiyang hiya ako sa sarili ko. I could never hurt her. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Si Cindy lang talaga ang nakakapagpa-ganito sakin. She took my everything for granted, stupid of me to believe so.

Gusto kong umiyak, kaso ilang beses ko na ginawa yun. Wala na kong dignidad kung sakaling uulitin ko pa, at lalong lalo na sa iisang bagay lamang. Naalala ko nga palang hawak ko padin regalo niya sakin. I have to be cold, so that I won't get hurt again.

Tinapon ko sa tabi-tabi yung regalo without hesitation, and without seeing what's inside. I don't even care anymore, and it's not my fault. Okay lang sakin kung yun nalang ang huli kong matatanggap na regalo, who gives a damn, I don't, especially sakanya.

Pero something deep inside me ang nag-udyok sakin na balikan at kunin ang regalo, sinilip ko ng kaunti, at nagulat akong nawala na. Hinanap ko sa pali-paligid pero wala talaga eh! Ano ba naman yan! Panigurado naman walang lamang pera yun! Mga tao talaga dito sa Pilipinas, mga PG! Bullsh-

"Is this what you're looking for?" May narinig akong pamilyar na boses. Pagkalingon ko, si Esther. Ang aking best friend slash sister. Silang dalawa talaga ni cindy ang pinaka-close kong babae sa school. Ibang iba siya kay Cindy. NBSB si Esther kaya walang pinoproblema sa pag-ibig, pusong bato din 'tong babaeng to kaya ni minsan walang nagsubok na umibig o paibigan siya. Bread winner siya ng family niya, matalino, puro aral, pero maganda din siya. Minsan nga naisip-isip ko, bakit di nalang sakanya ako na-inlove? Tutal ako lang naman ang lalaki niyang kaibigan, for sure ako lang gusto niya makasama na lalaki. Hehe, pero joke lang.

"Oh, pano napunta sayo yan?" tanong ko sakaniya, habang kinukuha pabalik ang regalo, subalit ayaw niyang ibigay.

"Nagtataka ka pa ba? Kahit sino pwede tong makuha. Kanino naman galing to?" Tanong niya habang inilalayo sakin ang regalo.

"Kay Cindy, now give that back, Esther!" napasigaw ako sa sobrang galit.

"Alam mo, Leo, ang gulo gulo gulo at komplikado mo! Iniwan iwan mo ngayon gusto mo nanaman uli? Tapos magagalit ka pag di nabigay sayo? The moment you leave something, don't expect it to be there once you come back. I'm not giving it back to you unless ikwento mo kung ano nangyari at mag-apologize ka kay Cindy sa nangyari kanina." she demanded.

"Aba! Ako nanaman ang mali, Esther? Eh di wag! I don't want it anyways. It yours! Hinding hindi ko ilalaan ang huli kong dignidad para sa babaeng 'yon!" I scoffed at umalis papunta kung san man.

"I know you well, hindi mo matitiis ang kaisa-isang babaeng minahal mo, Leo."

BOOM. 

One of the most precise sentences about me, stated by one of the persons who knew me the most. It hit me like a bullet, and pierced through my vains, although it's intangible.

"Stop." I weakly said.

"Leo." Nilapitan niya ako, napa-upo ako sa malapit na bench. Ayoko siyang harapin. Ayoko marinig ang katotohanan tungkol sa sarili ko. Mahigit isang buwan ko na binubulag at niloloko ang sarili ko sa kasinungalingan. Gawain ba yun ng isang matalino at edukadong tao? Pag broken-hearted, oo.

"Leo, mahal na mahal kita. Ilang taon na tayo magkasama. Kapatid kita. Wag na wag mong lolokohin ang sarili mo dahil mukha ka lang tanga, kasi ikaw din nasasaktan. At dahil kapatid kita, ayokong nakikita kang ganyan. Hindi ko man alam yung feeling ng isang broken hearted, pero sa itsura at kilos mo palang halata ko na eh." Inakbayan niya ako.

Si Esther naman eh! Pinapaiyak nanaman ako.

"Ayoko na. Ayoko na. AYOKO NA!!!!" Sumigaw ako sa sobrang galit at inis.

"Alam ko na! Uminom nalang tayo." bigla niyang aya.

"Ayoko, ayoko nanaman mapuruhan. Ge, kaw nalang."

"Hatid na nga lang kita. Baka kung ano pa gawin mo sa buhay mo, kilala kita Leo! HAHA" pabiro niyang sinabi at naglakad kami pauwi.

___________________________________________________________________________

Broken heart - despair; disillutionment; devastating sorrow

wala akong magawa, kaya ni-search ko nalang meaning.  Meh, ang corny corny. Bakit ko ba to sine-search. Ang saya saya naman ng birthday ko, kung ano ano pinag-gagawa ko.

"Bakit mo sinesearch yan? May broken heart ka no." Biglang nagsalita si Ali.

"Hindi ah! Masama ba maging curious." Sinungitan ko.

"Hindi mo naman is-search yan kung hindi mo nararanasan. Tulad ng sakit, syempre pag di mo alam gagawin mo, ssearch mo. Symptoms."

"Except hindi to sakit."

"Sakit yan. Hindi nga lang physical, emotional and mental."

"Kahit papaano physical din."

"Kita mo, ikaw na din nagsabi. Self-denial lang ampeg mo, Leo."

"Oo na oo na." I rolled my eyes. She's annoying kasi she's pointing out the truth I never wanted to hear.

"Gusto mo ng kape?" Aya niya habang nagtitimpla.

"Ayoko nga."

"Ano gusto mo?"

"Mapag-isa."

"Okay, sabi mo eh."

Umalis siya sa living room at umakyat. Psh, buti naman nilubayan na ako ng nilalang na yun.

"Happy birthday dearest!" May narinig akong sumigaw, mommy ko pala, with my dad, may hawak silang cake na blueberry cheesecake flavored.

"Hi mom, Hi dad." Bati ko sakanila without even moving an inch.

"Happy birthday to you?" Kanta ng daddy ko, I bet he's expecting me to move.

"Oh? Ano na? Lagay niyo na sa ref baka malusaw pa. Sayang."

"Leo."

"Ano?"

"I'll take care of this." Mukhang fatigued si mama, at si papa na ang kumausap sakin habang umaakyatn si mom.

"Pasensya na wala kami buong araw." Umupo siya sa tabi ko, at tinabi ang laptop na nasa lap ko.

"Dad, okay lang. I've been hearing that for the past ten years." I ignored what he said, hindi ako na-apektuhan since sanay na ako.

"You're grown up already. I think naiintindihan mo na ang dahilan kung bakit parati kaming wala."

"Wag kang mag-alala, dad, naintindihan ko na, matagal na matagal na, kaya wala nalang sakin. I'v grown independent already! I can live on my own. Wait! I already am. Ha! Excuse me pa, I still have a lot of things to take care of."

Umakyat na ako sa room bitbit ang aking laptop. Tsss, thinking they would win me back. What were they thinking? Mayaman nga kami at halos lahat sa Pilipinas kaya naming bilhin, eh para nga lang wala akong magulang.

Pumasok na ko sa kwarto ko at humilata. Sheesh. Enrollment na pala para sa next sem. Isang sem nalang, senior student na ako! And then one year nalang, magma-masteral ako, tapos I can finally live on my own.

Binuksan kong muli ang laptop at nag-log in sa facebook.

173 friend requests; 60 messages; 200 notifications

WHAT THE HELL

Syempre messages muna inuna ko. WHAAAT? Bungad agad mukha ni Cindy. Ano nanaman ba gusto niya?

Cindy: "Leo, I want the old us back."

[[[[[End of chapter five]]]]]

(A/N: Teehee, nakakamiss mag-update. Sorry maiksi. HUEHUEHUE. Enjoy. Nga pala, si Esther yung nasa gilid. Hehehe. comment comment comment :D)

▶ Instructions & Guide ◀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon