"Does... uhm Teddy know I'm in town?"
Tumayo si Tamara sa harapan ko at isa-isa nang nagpaalam sa mga kaibiga namin. Apparently, kailangan na siya ng daddy nila para sa isang announcement. I guess this is the informal announcement of President Teodoro about Teddy's presidential candidacy. Alam kong matagal na niyang pinaplano ang pagtakbo sa halalan bilang Presidente. Iiwan niya ang Senado para sa Malacanang pero hindi ko lang alam na ngayon na pala.
"I don't know... why?" Tamara asked me. Umiling ako.
"Why would the future president of the country cares if you're in town Cornelia?" Beanca asked me. Nasa restaurant kami ng best friend ni Beanca - si Macario. Beanca was upset about her ex - lover - si Lala. Lesbian si Beanca and she's open about it. Hindi nga lang siya katulad ng ibang mga lesbian na nagdadamit - lalaki. Feminine pa rin ang dating ng kaibigan ko.
"Siya, aalis na ako. Bye, bitches!" Tamara waved at us. Tumalikod na siya kasama si Ildefonso. Naiwan naman kami sa Vegan Bar na kung ano-ano lang ang pinag-uusapan. I found this talk very boring. I have other things in my mind, like how I want to make love with my husband, or when am I going to see him again, or when am I going to have him at the other side of my bed...
Ang hirap-hirap na iniwan ng asawa.
I sighed.
"Nia, may problema ka ba?" Tinapik ni Irma ang balikat ko. Ngumiti lang ako.
"Pagod lang ako. Uuwi na nga ako eh." Tulad ng ginawa ni Tamara ay isa-isa na akong nagpaalam sa kanila. Nag-taxi na lang ako pauwi sa apartment ko. Kumakabog pa ang dibdib ko habang naglalakad ako papasok doon. Iniisip ko na baka nasa loob na ang asawa ko, o baka may surpresa siya sa akin pero nalugkot akong lalo nang pagbukas ko ng pinto ay katahimikan ang sumalubong sa akin.
I sighed. Pabagsaka akong naupo sa sofa at binuksan ang tv. Sakto, pagbukas ko ay si Teddy at ang daddy niya ang nasa screen.
I am informing the public that I'll be endorsing my son Teddy Calimbao for President. Sino ba ang magpapatuloy ng magandang sinimulan ko kung di ang sarili kong anak.
Sa lahat ng ito ay nakangiti siya. Hindi talaga palasalita itong kapatid ni Tamara. He looked so good on tv.
- You'll be the first single president, if ever, Senator Teddy.
That's not a question. Magalang na sabi niya.
Magagawan ng paraan iyan, hindi ba anak! Tumawa ang presidente pagkatapos noon ay sabay na silang tumalikod. Hinabol pa sila ng media pero hindi na sila nagpaunlak na magpa-interview pa. Pinatay ko ang tv pagkatapos noon. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Tamara para itanong kung nasaan siya.
"Pauwi na kami nila Dad sa Malacanang. May dinner pa doon, may kailangan ka ba, Nia?" She asked me. I twitched my lip.
"Wala. Friday night kasi. Wala akong kasama." Clearly my husband is not here so I have nothing else to do.
"Ask Irma, baka walang taping iyon ngayon."
"Hindi, ayos na ako. I have to go. Matutulog na lang ako." Ngumiti ako sa sarili ko. Ibinaba ko ang phone at saka nagbuntong - hininga na lang. Hindi na ako gumalaw sa couch na kinahihigaan ko. Wala akong makausap, wala akong magawa. Saan ako pupunta? Ayokong mag-isa.
I stood up and went to the kitchen. Kinuha ko doon ang binili kong red wine. Kumuha din ako ng wine glass at pumasok ako sa silid ko para magpunta sa bathroom. Inilapag ko ang bottle ng wine at wine glass saka naghubad. I prepared myself a relaxing bubble bath. Doon ako nahiga at doon ko ininom ang wine ko. I was sighing. Hanggang kailan ba ako ganito?
BINABASA MO ANG
Cornelia Christine
General FictionSi Cornelia Christine Pagompatong ang First Lady ng Republika ng Pilipinas. Ang problema ay siya lang ang nakakaalam nito at ang dati niyang asawa na siyang Presidente naman ng bansa na si Theodore Calimbao. Alam niya na matagal nang pangrap ni Th...