B.I.T.C.H # 4

151K 4.4K 672
                                    

Kasalukuyang kong inaayos ang mga pagkaing ihahanda mamaya sa maliit na house warming party na inihanda ko para sa mga kaibigan ko. Minadali ko ang lahat dahil gusto ko na kumpleto kami sa araw na ito. Siniguro kong matutupad ang aking house warming party bago bumyahe si Beanca at Macario papuntang Europe para sa honeymoon nila. Gusto ko kasi kompleto kaming lahat sa pictures na kukunin ngayon.

"Happy birthday house!"

Napangiti ako nang marinig ko ang matinis na boses ni Helena. Lumingon ako sa kanya.

"Hi, H!" Niyakap at hinagkan ko siya sa magkabilang pisngi. May dala siyang fern para sa akin. Iyon daw ang house warming gift niya sa akin.

"Anong pagkain mo, Teh? Wala pa pala sila Ate akala ko nandito na Nagje-jerjer siguro iyon at si Kuya Macario. My god, Teh! Alam mo ba minsan nahuli ko sila, nakakakilabot, hindi ako nakakain ng mga three days!"

Tawa ako nang tawa habang nakikinig kay Helena. Siya ang pinakabata sa aming magkakaibigan at siya din ang baby naming lahat. We love Helena to the bones.

"Dapat hindi mo tinitingnan iyon. Bata ka pa noh."

"Ikaw nga virgin ka pa. At least ako hindi na virgin. Thanks to Judas!" She giggled. Napailing na lang ako. Kilala ko ang Judas na sinasabi niya. Kaibigan ko si Escalona at kung tutusin, matagal na pala kami hindi nagkikita. I made a mental note to call hime later to ask what the hell is going on with him.

Nagpaalam ako sandal kay Helena para magpunta sa kusina para kunin ang mga finger foods na inihanda ko. Pagdating ko doon ay nagulat ako nang makita ko si Irma na nakaupo na sa tapat ng dining table at kumakain na ng kanin at lechon nang nakakamay. She smiled at me. Hindi na naman siya makapagsalita dahil punong-puno ang bibig niya. She drink her water and then smiled.

"Ay, puke, nandoon iyong regalo ko sa kotse. Corelle na plato, o diba ang sosyal! Doon ako kakain tuwing nandito ako, ha!" She even said. I giggled again.

"Irms, uso maghinay-hinay. Bakit nga ba hindi ka nataba. Talo mo pa iyong mga tambay sa Tondo kung kumain ah!" Wika ko. Kinuha ko ang mga pagkain na ilalagay ko sa sala para habang nagkekwentuhan kami ay may makakain din sila.

"Happy house warming!" Sumalubong sa akin si Beanca at Macario nan aka-couples shirt pa at may dalang salad bowl at lamp shade. Si Macario ay may dalang vegan salad with eggs and bacons plus honey mustard sauce. Ginawa ko iyong center ng aking buffet.

"Ate, baka bago kayo makaalis ng Pilipinas eh mabuntis ka na! Jug nang jug unlimited libog?"

"Ulol!" Sigaw ni Macario. "Nasaan na si Irma. Nakita ko iyong kotse niya sa labas.

"Andoon, kumakain nang unlimited." Natatawang sagot.

"Are we late? Are we late?" Napatingin ako sa labas nang marinig ko ang boses ni Tamara.

"Mukhang maaga si First Sister ha." Wika ni Beanca.

"It's good that we're not late! Teddy should really do something about the traffic! Argh!" Pumasok si Tamara sa loob ng bahay ko. "Aww, hi C! This is my house warming gift for you!"

Iminuwestra niya ang pintuan. Naghihintay naman akong nakatingin doon. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok si Theodore sa mismong direksyon kung saan nakaturo ang mga kamay ni Tamara.

"Wow! Mr. President!" Sigaw ni Helena. "Ang bongga ng house warming gift mo!"

"Ano? Of course not! Epal itong si Teddy. Sabi ko 'wag na siyang sumama but he said that he cancelled all his appointments for today just so he can be here."

"Hindi naman siya invited bakit siya nandito?" Inis na wika ko. Kumunot ang noo ni Theodore habang nakatitig sa akin. "I hate gate crashers. Why don't you just go away, Teddy?" I asked. I know that I am being rude at napapanganga ang mga tao sa paligid ko dahil sa sinasabi ko pero wala akong balak magtago ng nararamdaman sa kanila. I need to make Teddy see that I don't need him anymore.

Cornelia ChristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon