B.I.T.C.H # 2

148K 4.7K 1K
                                    


Two years later...

"Nasaan ka na ba, Teh? Nagpapalitan na ng vows sila Ate! Huy!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng taxi na sinasakyan ko. I am stuck at traffic and it's a very bad thing. Kababalik ko lang galing ng Arizona, this is the first time I had gone home since I left two years ago at habang iginagala ko ang mga mata ko sa paligid ay naisip ko na posible palang maging banyaga para sa isang tao ang lugar na kinalakhan niya.

Naalala ko tuloy iyong kwento sa Filipino noong nag-aaral pa ako noong high school. Ang pamagat noong kwento ay Ang Banyaga. Siguro ganito iyong naramdaman ng pangunahing tauhan sa kwentong iyon. I sighed.

"Teh!"

Muli kong naringgan si Helena sa kabilang linya. Napangiti ako.

"Malapit na ako. Nandito na ko sa Intramuros. See you in a bit." I told her. I ended the call and texted a friend. Sinabi ko sa kanya na nandito na ako at excited akong makita siya.

"Miss, nandito na tayo." Tumingin ako sa driver. Nakangiti akong inabutan siya ng pera para sa bayad ko. Hindi ko na rin kinuha ang sukli ko. Tinulungan niya akong ibaba ang mga bagahe ko tapos ay nagpasalamat ako sa kanya. Dala ang luggage ko ay tumakbo na ako papasok sa simbahan. Naabutan ko nang palabas ng simbahan si Beanca at Macario. I tear up when I saw them. Beanca looked so beautiful in her dress. Si Macario naman ay parang ililibing na sa kanyang tux. I smiled.

"B!" I called out. Tumakbo ako papunta sa kanya. Wala na akong pakialam sa iba basta kailangan kong mayakap ang kaibigan ko.

"C! Welcome back!?" Sigaw niya. I kissed her cheeks tapos ay niyakap ko siya ng napakahigpit.

"Congratulations! Sorry, late ako! Ang traffic dito eh!" Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pinakatitigan siya. Si Macario naman ang binalingan ko.

"Was it all worth it, Mac?" I asked.

"Very worth it, Nia. Welcome back!" He hugged me. Matapos ang yakapan sa bagong kasal ay isa-isa kong binalikan ang mga kaibigan ko. Tami was there and she was looking at me. Dalawang taon ko siyang iniwasan. Alam kong wala siyang kasalanan but I didn't know how to deal with anything that has to do with Theodore ao I avoided her dahil ayoko rin naman na malaman niya kung anong nangyari sa amin ng kapatid niya – that I am actually not just her friend but her secret sister – in – law. Huli ko siyang hinarap.

I smiled. She pouted her lips. I rolled my eyes.

"I missed you..." I said.

"Funny thing of showing it. No calls, no text, no vibing, no nothing!" She hissed pero lumambot din ang ekspresyon ng mukha niya at saka niyakap ako. "H'wag mo nang uulitin iyon! Miss na miss kita, C!" Napapatawang hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Miss, we have to leave. We have to get you to the reception area."

"Oh, hello, Ildefonso." Matabang na wika ko. Magalang naman na tinanguan niya ako.

"Sumabay ka na sa akin. Si Helena sasabay sa parents niya. Si Irma naman kasama iyong kapatid niya. Let's go."

Ayoko man ay napilitan akong sumama sa kanya. Si Ildefonso ang nagbuhat ng mga gamit ko tapos ay siya na rin ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan ni Tami para makapasok kaming dalawa. Hindi ako makapaniwala na sa tagal ng panahon na wala ako ay nagtatrabaho pa rin si Ildefonso sa unang pamilya. Oo, sila pa rin ang unang pamilya. Apparently, Teddy won the Presidential Elections last year. Sa dami ng intriga sa kanya, pambabato at kung ano-anong usap na ibinabato sa kanya, he managed to win. Natupad na ang pangarap ni Theodore, siya na ang nagpapalakad sa bansang ito. Tamara became the first sister – Kris Aquino lang ang peg niya.

Cornelia ChristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon