Epilogue: Aking Cornelia

205K 5.7K 541
                                    

"Do you really need to resign?"

Nakatingin ako kay Teddy habang nage-empake siya ng mga damit na dadalhin niya sa Arizona. Masaya ako sa ginawa niya para sa akin. Tomorrow, both of us will be all over the news but we won't be here to witness that. Naayos na lahat ng mga tauhan ni Teddy ang pag-alis naming dalawa. Kinakabahan pa ako dahil sa ginawa ni Teddy. Hindi ko talaga alam ang gagawin.

Teddy smiled at me. Tumayo siya at niyakap ako. Para bang ipinaparamdam niya sa akin na magiging maayos na ang lahat pagkatapos nito. Naniniwala naman ako sa kanya, alam ko na kaya niyang gawin ang lahat ng sinabi niya, alam ko na tototohanin niya ang pag-alis naming dalawa pero ayoko naman na masira ang lahat sa kanila ng kanyang pamilya. I can share him, I can be patient.

Pinaupo niya ako sa bed at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ngumiti siya.

"May sasabihin ako sa'yo. But you have to listen to me and understand everything that I'll tell you." Marahan ang pagbitaw niya sa mga salitang iyon. Kinakabahan ako. Hindi pa ba tapos ang mga supresa niya? Hindi na yata talaga matatapos ang kabang nararamdaman ko.

"Do you remember that night you went to the palace to confront me because of Pina's engagement?" Tumango ako. "That night, I told my parents about our marriage but my father disapproved."

"Kaya ba hindi ka nakapunta?" Tanong ko.

"Hindi. I packed my things that same night and left – but my mom had heart attack and we had to rush her to the hospital." My mouth parted a bit. Humihigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Ngayon mas naiintindihan ko na ang mga naganap noon. He had a valid reason. Napaluha ako.

"Hinintay kong gumaling si Ma, matapos iyon ay umalis akong muli, tumakas ako, and that was when I met my fate." Sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko. May ibang nangyari pa maliban sa sinabi na niya sa akin?

"I was ambushed." Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko naman maintindihan kung anong gagawin ko. "I was shot." Itinuro niya ang balikat niya, ang tagiliran niya pati na rin ang likuran niya. Ipinaliwanag niya sa akin na naapektuhan ang spinal cord niya. Na kinailangan niyang mag-therapy nang matagal na panahon he lost his ability to walk and even speak.

Iyak lang naman ako nang iyak. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang yakapin siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala ako sa tabi niya nang mga panahong kailangan niya ako. I'm crying, hindi na ako makahinga. Hinahaplos naman niya ang likuran ko.

"And then, when I got better, the first thing I did was to fly to Ari and chase you..."

"But I blew you off." Humihikbing wika ko. "I told you bad things. I made you leave. Bakit hindi mo agad sinabi?"

"Hindi ko sinabi dahil hindi ko naman kailangan ng awa mo. Kailangan ko iyong pagmamahal mo sa akin. Hindi ko gustong bumalik ka sa akin dahil lang sa nagkasakit ako. Fuck, Nia, I am the President of the Republic of the Philippines and as cheesy as it may sound, I want you to love me."

Napapatango na lang ako. Niyakap ko siya nang napakahigpit tapos ay pinugpog ko siya ng halik sa mukha. Hindi ko na siya pakakawalan. Hindi ko na hahayaang umalis siya. Gusto ko siyang makasama. Hindi ako nagkamali sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanya dahil iyon talaga ang pinakatamang gawin ko.

"Don't cry, Aking Cornelia. I am better now, we just have to get out of this place and live our happy ever after. So, what do you say?" He asked me. Pinapahid niya ang mga luha ko. I was smiling while crying.

"Forever..." Wika ko.

"And Always..."

Sabay kaming tumayo para umalis na. Nasa labas si Ildefonso at ang iba pa. Isa-isa silang kinamayan ni Teddy. Si Ildefonso lang ang sasama sa amin sa airport ang iba ay maiiwan na dahil kasabay ng pagbaba ni Teddy sa pagkapangulo ay dadalhin na sila sa magiging susunod na mamununo ng bansa.

Cornelia ChristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon