B.I.T.C.H # 5

151K 4.6K 758
                                    

"Hi, Stranger!"

Nagbuga ako ng hangin nang makita kong nakatayo si Agripina sa harapan ko. Kalalabas ko lang ng opisina at hindi ko inaasahang narito siya sa ngayon. Anong ginagawa niya dito? Late na ako para sa charity ball. Kailangan akong magpunta doon dahil ako ang panauhing pandangal. The ball is about the Super Typhoon's victims last year at ang malilikom na pera ay mapupunta sa housing project ng mga nabiktima.

Nagbigay naman ng pera ang America at ang ibang karatig na bansa para sa rekonstruksyon ng mga bahay na iyon, pero kahit na gaano karami ang salapi ay hindi pa rin sasapat kaya gumagawa ng paraan ang ibang pribado at local na NGO's para maparami ang salaping iyon. Tumutulong na rin ang gobyerno para mas maging masinop ang salapi na nalilikom. Sinisiguro kong maibibigay ang lahat ng donasyon sa mga karapat-dapat na tao at hindi sa bulsa nino man.

"I'm you're fiancé. Don't give me that look." Wika niya pa sa akin. Nilagpasan ko siya. Kailangan kong maghanda sa party na iyon.

"I have no time for this, Pina."

"Teddy, mag-usap tayo. Totoo ba iyong sinasabi ni Tamara na post poned na naman ang kasal natin until next year? Paano naman ako? Ang tagal - tagal ko nang naghihintay?! Palagi na lang hindi tuloy! What the hell is wrong?!"

"If you haven't notice, Pina. I'm a very busy man. Im the President of the country and getting married isn't really in my plate right now. If you can't wait anymore, then cancel the wedding or better yet, the engagement and let's just move on with our lives."

"Are... are you breaking up with me? Ayaw mo talagang makasal sa akin?" Parang nanghihinang wika niya. I stared at her. Pina is a beautiful woman but I'm not attracted to her. I don't like her. She gets into my nerves every damn time we talk. Namaywang ako.

"We both know why you're engage to me, Pina. Your family needed power. My father was kind enough to give it to you, but now I am taking it back." Napasinghap siya. "Umalis ka na. I have a ball to attend to." Tinalikuran ko siya. Habang naglalakad ay nasalubong ko si Tamara at si Ildefonso. Nagtanguan kami ni Ildefonso, huminto siya sa harapan ko.

"Everything is settled, Sir."

"What is settled?" Sabad ni Tamara.

"The engagement is off, Tamara. Ildefonso made sure that the Solinos knew about it already bago pa sila magpunta sa charity ball."

Tumaas ang kilay ng kapatid ko. "You left my side? When?" Tila nagtatakang tanong niya.

"Uhm, Miss habang nagpapaayos po kayo kay Rolanda." Ang tinutukoy niya ay ang personal make-up artist ni Tamara. Napatango na lang si Tamara sa PSG niya. Umalis naman na ako at nagtuloy sa silid ko.

Nakaramdam ako ng satisfaction dahil sa ginawa ko kay Pina. Alam kong magagalit ang mga magulang ko sa akin pero naisip ko na baka panahon na para pagbigyan ko ang aking sarili. Na baka ito na ang oras para isipin ko naman ako at hindi ang makakabuti sa pamilya ko.

Matapos akong mag-ayos ay bumaba na ako para sumakay sa kotse. Nauna nang umalis si Tamara. As usual, wala siyang date sa ball na ito. She hates dating or going to parties with date. Ayaw na ayaw niya kasing malalagay siya sa news.

"Sir, aalis na po tayo?"

"Yes, Dolfo. Let's go." Sabi ko sa driver ko. He drove and I just waited. Medyo ma-traffic nga sa bandang EDSA. Napailing ako. Alam kong isinisisi sa akin nga mga Pilipino ang traffic. Hindi ko naman kasalanan kung dumami ang sasakyan sa Pilipinas pero wala naman sapat na daan - kaya nga ginagawa na ng paraan ng DPWH pero ang pinoproblema pa rin nila ay ang traffic. Hindi naman magagawa ang daan overnight. Isa pang problema ay ang LRT at MRT - hindi ko rin kasalanan iyon pero sa akin ang sisi. Nagkataon na pag-upo ko sa pwesto ay luma naman na ang mga pyesa ng mga train. Ginawan namin ng paraan, ibinigay namin sa pribadong korporasyon pero ang iniisip nila ay may kasamang pangungurakot iyon.

Cornelia ChristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon