B.I.T.C.H # 11

156K 4.7K 733
                                    

Kinailangan naming bumalik ng siyudad matapos ang dalawang masayang araw na iyon. Sa puso ko, alam ko na nakapasok na muli si Teddy sa buhay ko at hindi ko na naman siya kayang mawala. Ayoko nang mag-isa. Okay lang kahit nasayang ang ilang taong paglayo at pagsusumikap kong makalimot sa sakit na dinulot ni Theodore. Kaya ko na ulit lumimot sa kanya. Mas mahalaga sa akin ngayon ay ang magkasama kami.

Naiintindihan ko naman ang trabahong meron siya. Hindi ko talaga hawak ang oras niya at kung hindi man siya nakasunod sa akin noong mga panahong iyon ay may sapat na dahilan – alam ko. He's needed by the country and it's supposed to be that way. He's a public servant and I should be patient enough for him.

Nasa bahay ako nang araw na iyon. Apat na araw na rin mula nang bumalik kami mula sa Teddy and Nia day. Sa apat na araw na iyon ay tatlong gabi nang natutulog sa akin si Teddy. Hinihintay ko talaga siyang umuwi kahit na alas onse na nang gabi minsan ang uwi niya. Minsan ay naaawa ako sa kanya dahil halata sa mukha niya ang sobrang pagod niya pero ginagawa niya pa rin ang pakikipagkwentuhan sa akin. He would always ask me how my day went.

Kanina ay kausap ko ang mga boss ko sa University of Arizona. Pinababalik na nila ako dahil kailangan ko nang simulan ang experiment tungkol sa research ko sa truth serum. They already gave me the go signal and the funds for me to be able to start pero sa ngayon nagdadalawang isip naman ako. Gusto ko kasi kasama ko siya. Gusto ko na magsimula kami ng bago.

"Ma'am, masyado na yatang kulo itong niluluto mo." Sabi ni Joy sa akin. Napangisi siya nang tumingin ako sa kanya. Alam ko na ngayon na isa siya sa mga sugo ni Teddy. Hindi ko talaga naisip iyon – kaya pala panay siyang efficient sa akin. Hindi na lang ako nagsalita sa kanya, ayos na ako sa alam ko kung sino siya.

Nagluluto ako ng sinigang na spareribs nang gabing iyon. Gusto kasi ni Teddy iyon. I was also watching the TV in the kitchen while cooking sakto naman na nasa balita ang gwapo kong asawa.

I think that it was an ambush interview. Nahagip pa nga ng tv si Ildefonso.

Sir, sir, what can you say about Miss Pina's interview with Boy Abunda? You broke her heart.

Alam kong hindi sasagot si Teddy sa tanong na iyon. He was never comfortable talking about his love life kaya nga nang tumigil siya ay nagulat ako.

Pina and I were not in love with each other. It's just a classic power merge story. My father – the former president wanted me to marry her because the Solinos have the influence I think my father needs but I'm a better man than that. I will only marry a person if I love her and if she loves me.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Napakagat – labi pa ako.

Do you have someone in mind now or by your side, Sir?

Napapailing ako. Pupugpugin ko ng halik si Theodore mamaya.

Actually yes. And this person made me believe in forever. So shout out to the teens and the other Pinoys. Ladies and gentlemen, nakahanap ako ng forever, makakahanap din kayo at kung hindi ninyo mahanap, hindi ko na kasalanan iyon. Thank you.

Napahagalpak ako nang tawa sa huli niyang sinabi.

"Ma'am, palabiro pala iyang asawa ninyo no, Ma'am." Komento pa ni Joy.

"Jurgette daw ang name mo, Joy?" I asked.

"Ay, sinabi po ba ni Ildefonso? Shit iyon! Pinakikilig niya ako pero hindi naman niya ako mahal." Nag-flip hair pa siya sa harapan ko. Habang nag-uusap kami ay naulinigan ko ang pintuan. Parang ang aga naman ni Teddy ngayon. Nine pa lang nang gabi.

"Joy, pakitapos mo na ito tapos maghain ka na nang makakain na si Mr. President." Sabi ko pa. Nagtungo ako sa sala. Hindi nga ako nagkamali. Naroon na si Ildefonso at si Teddy. Kasalukuyang hinuhubad ni Teddy ang polo niyang puti. Lumapit naman ako sa kanya.

Cornelia ChristineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon