Unang pagkikita

180 9 0
                                    

Vice POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay na sinabi ni billy na naghahanap daw ng house boy.bago ako pumunta dito nag dalawang isip muna ako kasi hindi daw bagay sakin ang ganitong trabaho pero ano naman mapapala ko kung makikinig lang ako sa sabi sabi atsaka siguro try ko muna kung sasapat yung sasahudin ko dito sa ganitong trabaho at kung Hindi naman siguro maghahanap pako ako ng trabaho medyo mataas taas na sweldo basta marangal papasukin ko pero sa itsura palang ng bahay mukang bigtime ang mga may ari nito kaya possible na medyo mataas taas itong mga toh mag pasweldo.

Nag doorbell na si vice sa gate ng bahay at bumungad naman sakanya ang body guard.

"Yes boss ano pong kailangan nila"tanong ng guard sakanya habang tinitignan ito mula ulo hanggang paa.

"Uhm dito po ba yung bahay ni miss karylle tatlonghari"mahinhin na sabi ni vice.

"Opo ser bakit ser boyfriend po ba kayo ni ma'am karylle"sabi naman ng guard kay vice kaya naman medyo natawa lang si vice.

"Ay hindi po kuya mag aaply po kasi sana akong houseboy"tumatawang sabi ni vice sa guard

"Ah ganon ba boss pasensya na ah parang wala po kasi sa itsura nyong mag aply bilang houseboy eh kagandang lalake mo kasi eh"sabi ng guard Kay vice na medyo nahihiya.pero agad namang naputol ang usapan nila ng dumating na ang assistant ni karylle na si jayzel.

"Hey boy anong kailangan mo"tanong naman ni jayzel na nakatingin Kay vice na may halong pagnanasa.

"Ahm mag aaply po sana akong houseboy"medyo naiilang na sabi vice dahil nga sa tingin sakanya ng babae.

"Ah Ok Tara follow me dadalhin kita sa mini office ng boss ko"sabi nito sabay kindat Kay vice.

"Ok po"sumunod na lang si vice pero sabi nya sa isip nya "ang lande naman Neto"

Nang makarating naman sila sa mini office ni karylle ay agad namang tinawagan ni jayzel ang amo nya para sabihing mayroong mag aaply ng matapos naman itong makipag usap sa telepono ay agad naman syang tumingin Kay vice na may kasamang seduce look

"Hey dear medyo matatagalan daw si ma'am karylle kaya tayo muna ang mag uusap BTW anong nga pala pangalan mo"sabi ni jayzel na medyo nangaakit at pinaupo naman nya muna si vice sa upuan at sya naman ay naupo sa table ni karylle.

" Vice po ah O..okay ppoo"kinakabahan na sabi ni vice dahil sa inaasta ng babae.

"Alam mo ang swerte ni karylle pag natanggap kana sa trabaho biruin mo may house boy na nga may papa pa pero pede kapa namang umatras eh kung gusto mo sakin ka mag aply bilang boyfriend ko"sabi ni jayzel na seductive at unti unting kumalong sa lap ni vice.samantalang si vice naman ay napalunok na lang.

Pawis na pawis naman na si vice sa mga nangyayare"juice colored ilayo nyo po ako sa tukso"sabi ni vice sa kanyang isip pero nagulat naman sya ng bigla syang halikan ni jayzel ndi naman sya agad nakapalag dahil parang tuko naman si jayzel dahil sa sobrang higpit ng yakap sakanyan nagulat na lang silang dalawa ng biglang bumukas ang pintuan bigla namang napatayo si jayzel.

"Sana kumuha na lang kayo ng motel hindi yung dito nyo pa ginagawa sa office ko"masungit na sabi ni karylle sa dalawa.

"Uhhmm sorry po ma'am karylle ah sya nga po pala si vice po nag aaply bilang houseboy "nahihiyang sabi ni jayzel.

"Okay pwede mo na kaming maiwan "sabi ni karylle kaya naman agad na lumabas."hey bakit kanina kapa nakatulala sakin btw ano nga palang pangalan mo"tanong ni karylle na masungit parin ang muna.

"Jose Marie Borja Viceral po ma'am pero vice na lang po para ndi masyadong mahaba"pagpapaliwanag ni vice na medyo kinakabahan parin at naiilang dahil nalulutang sya sa kagandahan ni karylle."deymm ang ganda naman netong amo ko " sabi ni vice sa isip nya.

Nagsimula naman si karylle sa pagtingin ng mga papeles ni vice at ayos naman ang mga record nito kaya nag decide si karylle na tanggapin na tutal kailangan na kailangan na nila atsaka katiwa tiwala naman ang muka nito.

"Okay tanggap kana pero ito ang mga gagawin mo magdidilig ng halaman tutulong tulong sa mga gawaing mabibigat ,magiging driver ko pag kinakailangan ,magiging guwardya minsan pag absent si manong ,at magiging body guard ko rin paminsan minsan pag tinatamad ako wag kang mag alala 50,000 a month naman yan ano ayos naba sayo yan baka may reklamo ka sabihin mo lang "pagpapaliwanag naman nya Kay vice habang masungit parin ang muka.

"Ay wala po akong reklamo salamat po"natutuwang sabi ni vice.

"Pwede ka ng mag start bukas congrats"sabi ni karylle at nakipag kamay Kay vice

Nakatulala naman si vice sakanya habangnakikipagkamay nahalata naman ni karylle na kanina pa sila nagkakamayan at ayaw pading bitawan ni vice ang kamay ni karylle kaya naman agad nya itong binawi.

"Aba kumukota kana ah maaari ka ng makalabas"sabi naman ni karylle .

"Ay sorry po ma'am salamat po ulit bye"nahihiyang sabi ni vice agad naman itong lumabas "ang tanga mo talaga vice nakakahiya ka "sabi ni vice sa sarili nya at tuluyan ng lumabas.
.

.
.
.
.
Abangan..........



My HouseBOY- FRIEND??? (VICERYLLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon