2

32 0 0
                                    

Di ako gaano nakatulog nang gabing yun. iniisp ko pa rin yung litrato. Bakit may mapa sa litratong yun? Anong mapa yun? Para saan? Bakit sa likod ng isang litrato niya ito idrinawing?

Kinaumagahan ay ipinaenrol ako ng aking ina sa isang pampublikong paaralan doon. Mas gusto ko kasing sa pampublikong paaralan mag-aral kaysa sa  pribado. Late enrollee na ako. Pero kahit gano'n ay nakapasok pa rin ako. Pagkaenrol ko ay dumiretso na si mama sa kanyang trabaho habang ako ay naiwan sa opisina ng prinsipal upang kunin ang schedul ko. Upang malibang ako ay tinignan ko yung mga album doon. Habang nag-iiscan ako ay napansin kong may ilang estudyante na may ekis ang larawan.Bakit kaya?

"Ah. Miss Cortez," tawag sa akin ni Mr. Mendoza-ang principal ng paaralang ito.

"Ah, po?," natigil ako sa aking muni-muni. Napansin ko na nakatingin ito sa hawak niya," Aie. Sorry po. Napakialaman ko po itong photo album"

"Ah. Okay lang iha. Nilagay ko talaga yan jan upang makita ng aking mga bisita. Yan ang mga batang nag-aral dito noon. Grumaduate na ang iba sa kanila. At saka, malalagay ka rin jan pagdating ng ating foundation day kasi sa araw na iyon, kinukuhanan namin ng litrato ang mga mag-aaral at inilalagay sa mga photo album"

"Ahhh. Ganun po ba?,"

"Oh. S'ya nga pala. Ito na ang iyong schedule. Maari ka nang pumunta sa iyong classroom," sabi ni Mr. Mendoza.

"Opo. Salamat po," lumabas na ako sa office ng principal. Pumunta ako sa bulleting boar kasi mayroon itong mapa ng school. Nang masaulo ko na ang daan papunta sa room ko ay lumakad na ako.

Walang gaanong tao sa corridor. Marahil, nag-uumpisa na ang mga klasi. Mula sa aking pheriperal vision ay Napansin ko ang school janitor na tinititigan ako. Marahil ay naninibago lang ito kasi bago  ang mukha ko para sa kanya. Hindi ko na lang ito pinansin at dumiretso na sa classroom.

The secret undergroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon