'Nasan kaya ako?' Natanong ko sa sarili. Nagising na laman ako at nandoon na ako sa lugar kung saan walang katao-tao. Madilim na at sigurado kong ako na lang ang tao dito. Naglalakad-lakad ako patungo sa bakanteng lote. Sa tapat niyon ay may maliit na bahay na mukhang walang nakatira. Naglalakad ako patungo doon nang biglang bumukas ang pinto. Bigla akong kinabahan at walang ano-ano'y nagtago sa halamanan. Lumabas mula sa pinto ang isang lalaki na may kargang babae. Nagpupumiglas ang babae ngunit hindi ito makagalaw dahil nakatali ito. Nagpunta sa bakanteng lote ang lalaki at inilapag ang babae sa lupa.
"O ano Patricia? Iiwan mo pa ba ako?," anang lalaki.
"Kahit anong gawin mo sa akin Ramon hindi ikaw ang pipiliin ko. Hindi ikaw ang mahal ko," sabi nung babae.
"Ah. Ganun pala ha? So mas gusto mong mamatay kaysa makapiling ako? Pwes. Ibibigay ko sa iyo ang gusto mo," sabi ng lalaki. at may kinuha mula sa likod nito. Isang patalim!
"Ano? Hindi pa ba magbabago ang isip mo ha Patricia?!," sabi nito at pinaglalaruan ang patalim na hawak.
"Hinding hindi. Kung ikaw lang pala ang makakapiling ko habang buhay ay mas pipiliin ko na lang mamatay," sigaw na sabi ng babae.
Dahil sa galit ay pinagsasasaksak ng lalaki ang babae. Napatakip ako ng bibig dahil sa brutal na pagpatay ng lalaki sa babae.
"Iyan. Iyan ang nararapat sa mga taksil na katulad mo. Ipinapangako ko Patricia. Papatayin ko ang lahat ng babaeng kapangalan mo. Inosente man o hindi," Pagkatapos noon ay binuhat ulit ng lalaki ang babae na ngayo'y isa nang malamig na bangkay. May binuksang kung ano ang lalaki sa may lupa at doon, pumanaog ito.
Unti-unti kong ibinaba ang kamay ko mula sa aking bibig. Hindi ako makapaniwalang nakasaksi ako ng isang pagpatay. Unti-unti akong lumabas mula sa halamanan ngunit merong kamay na humila sa akin. Lumingon ako at nakita ko ang babae kanina - puno ng dugo.
"Tulungan mo ako Patricia. Tulungan mo kaming makamit ang hustisya," Sabi nito at mula sa likod nito'y naglabasan ang iba pang babaeng punong-puno ng Dugo. Napaatras ako.
"Patricia! Patricia tulong! Patricia! Tulong. Tulong. Patricia.. Patricia...
"Patricia!!! Patricia, Anak Gising. Gumising ka!," anang kanyang mama
"Ma-mama?,"
"Binabangungot ka anak," ani mama
Napahagulhol ako. Yinakap ako ni mama para payapain ako.
'Anong gagawin ko?!,' tanging natanong ko sa sarili