Sa sumunod na mga araw, pilit kong iniwasan na magkasalubong kami ng landas ng Janitor. Hindi ko hinahayaang magkasama kami sa iisang lugar lalo na kung kami lang dalawa. Palagi na akong sumamsama sa aking mga kakaklasi lalo na kay Audrey na una kong naging kaibigan sa aming klase.
Lumipas ang mga araw at naging normal na ang takbo ng aking buhay. Hindi na lumapit ang janitor sa akin. Mukhang napagalitan ni Mr. Mendoza ang Janitor.
Nasa library ako ngayon. Naghahanap ako ng reference material para sa isang project ko. Nang makuha ko na ang mga kakailanganin ko, naghanap na ako ng mauupuan sa loob ng library. Dahil halos puno ng mga estudyante ang library, naghanap ako ng lamesang mayro'n pa bakanteng upuan.
"Ayun," napalakas ang sabi ko kaya sinita ako ng librarian,"Sorry po"
Pumunta na ako do'on sa nakita kong bakanteng upuan. Ang estudyanteng nakaupo do'n ay engrose na engrose sa binabasa nito kaya mukhang hindi ako nakita,"Ahm, pwede makishare?"
Lumingon sa akin yung pinagtanungan ko,"A-andrei?"
Tutimitig lang to sa kanya tapos ibinabalik na ang tingin sa binabasa.
'Napakasuplado talaga nito,' nasaisip ko. Aalis na sana ako nang may narinig akong nagsalita.
'Ok,'
Napalingon ako kay Andrei. Shock ako. First time niyang sumagot sa tanong koat first time ko ring narinig ang boses nito .
"Oh. Ba't mo ko tinitigan? Hindi ka ba uupo?," tanong nito.
Napahiya ako. Umupo ako sa upuan sa harap nito.
"Cool," wala sa sariling nasambit ko.
"Ano?," tanong nito.
"A-ah. Wala," sabi ko at binuksan ang librong kinuha ko sa bookshelves kanina.
"Anong wala? Meron eh," hindi naniniwalang sabi nito.
Itinaasa ko ang ulo ko. Sasagutin ko na lang ito para matahimik na baka mapalabas pa kami dito eh,"Ang sabi ko ang cool ng boses mo. Bakit ba palagi ka na lang walang imik?"
Seryoso ang mukha nito hanggang may sumilay na ngiti sa labi nito
"Oh. Bakit ka ngumingiti jan?," tanong ko
"You two are very much alike," sabi nito.
'"Alike? Me and who?," tanong ko.
"Pat---," huminto ito at saka bumuntong hining," Nevermind"
Yumuko na ito ulit at nagbasa.
"Bipolar nga," sabi niya at nag-umpisa ng magbasa