Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina ay hindi na ito nagsalita uli. Okay lang din naman kasi busy din ako. Busy ako nang kakascan ng libro hanggang makarating ako sa isang pahina na maraming sulat kamay na nakasulat. Mga numero at letra. Mayroon din doong mga simbolo.
"Hhhmmm... Parang pamilyar to ah," mahinang sabi niya at trinitrace ang simbolo gamit ang hintuturo.
Nagulat siya nang may biglang humablot ng libro. Tiningnan niya si Andrei na ngayo'y namimilog ang mata na nakatingin sa pahinang ito.
"A-andrei?," tawag niya dito.
"San mo - sabi mo kanina nakita mo na ang simbolong ito. Sabihin mo sa akin, Saan mo nakita ang simbolong iyon," tanong nito
Nag-isip ako. Saan nga ba? ," Ahh! Yung litrato"
Pagkasabi ko no'n ay napatingin ang lalaki sa kanya.
"Litrato?"
"Oo. Nung nag-aayos ako ng mga gamit ko sa kabinet ay may nakita akong kakaibang litrato," sabi ko.
"Kakaiba?," tanong nito," Ba't kakaiba?
"Kasi, ma'y nakaguhi na isang mapa sa likod nito eh," sagot ko.
"Mapa saan?,"
"Hindi ako sure pero mukhang mapa do'n sa bago linipatan naming bahay,"
"Bagong linipatang bahay? Kayo ba ang lumipat do'n sa bahay sa tapat ng bakanteng lote na pinaghihinalaang may multo daw?," tanong nito.
Tumango ako.
"Nga pala, bakit ba nila sinasabing may multo do'n? Tao lang naman ang pumupunta doon ah," tanong ko.
"May taong pumupunta do'n?," tanong nito.
Tumango ulit ako.
"Sino?," Tanong nito
Tumingin ako sa mukha nitong sabik na sabik na masagutan ang mga tanong nit.
"Ba't ka ba interesado?," tanong ko.
Natigilan naman ito.
"Kasi-," ikinuyom nito ang kamao nito. Tumayo ito bigla at hinila siya. dala ang libro na may kakaibang pahina.
"Sa-saan mo ako dadalhin?," tanong ko. Mabuti na lang pala't hindi niya dala ang bag niya kung hindi naiwan na ito.
"Sumama ka na lang," sabi nito.
"Baliw ka ba? Ba't naman ako sasama kung hindi ko alam ang pupuntahan di ba?At saka bakit mo ba ako dadalhin, ha?!," ako
"Okay" Huminto ito pagkalabas ng library. Mabuti na lang ay walang nakapansin o pumansin sa amin Kundi lagot kami kasi dala nito ang isa sa mga libro sa library," May Sasabihin ako sa iyo tungkol sa paaralang ito at sa mga estudyanteng babae na nawawala nang sila ay nag-aral dito na pawang ang mga pangalan ay 'Patricia'" sabi nito at muli'y hinila niya ako papunta sa isang silid kung saan malalaman ko ang isang bagay na maaaring makapagbago sa aking normal na buhay.