1

32 0 0
                                    

"Patricia, wag na wag kang pumunta sa bakanteng lote  sa tapat ng bahay natin ha?," sabi ng mama ko.

"Bakit po mama?," tanong ko.

"Kasi anak, may mga masasamang tao daw na namamatyagan jan na eh at kung minsan mga multo. Kaya wag kang pupunta don ha? Mabuti ng maingat,"

"Ok mama," sagot ko at ngumiti.

Nakatira kami noon sa Bagiuo, pero dahil sa trabaho ni Mama ay lumipat kami sa Manila. Ten years old ako nung iniwan kami ng papa ko. Bakit? I don't know. Sabi ni Lola, may sakit daw si papa, Sabi ni mama, nagwowork daw, narinig ko namang sabi nung mga kapitbahay namin ay may kabit daw. Well, ok lang naman na wala siya. I know he has his reason. Kahit si Mama na alam kong nasaktan nong nawala siya ay sinasabihan ako na wag akong magtanim ng galit sa papa ko kaya ganito ako. If ever na magkita kami, I will be happy kahit na iniwan nya kami.. Nabubuhay rin naman kami ng matiwasay at maayos ni mama ng wala siya eh. 

Kasalukuyan kaming nag-aayos ni Mama ng aming mga gamit. Iilan lang naman kasi sabi ni Mama, dito na lang daw kami bibili ng mga furnitures kasi kung dadalhin namin yung mga furnitures galing sa bagiuo, lalaki pa ang gastos namin at saka, mabibigat din yun.

Nasa kwrto ko na ako ngayong. Kasalukuyan kong inilalagay ang mga damit ko sa built-in closet. Inaayos ko yng mga damit ko nang may nakita akong litrato ng isang batang lalaki. Maamo ang mukha nito at halatang palangiti. Tinignan ko ang likod nito at nakita ko ang larawan ng isang mapa. Hindi ko alam kung anong mapa ito pero may nakalagay na mga simbolo.

"Patricia! Anak!," tawag sa akin ni Mama. Nakabukas yung pinto kaya

"Bakit po Ma?," Tanong ko.

"Kain muna tayo," sabi ni mama.

"bababa na po ma," sabi ko.  Inilagay ko sa drawer sa tabi ng kama ko yung litrato at bumaba na.

The secret undergroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon