3

31 0 0
                                    

Nang nakarating na ako sa classroom ipinakilala ako ni Ms. Perez sa aking mga kaklasi. Natuwa naman sila dahil may bago silang kaklasi. Dahil sa isa na lang bakanteng upuan, doon ako pinaupo ni Ms. perez sa tabi ng isang lalaking naktingin sa bintana na parang balewala lang sa kaya na may bago siyang kaklasi na dumating. Tumabi na ako sa kanya pero wala pa rin itong imik.

"Ah, Hi. Ako ng a pala si Patricia, Patricia Cortez," nagpakilala ako at inimotion na makipagshake hands sa kanya kahit hindi ito nakatingin. Bigla itong lumingon na nanlaki yung mata pero nang makita yung mukha ko ay bumalik rin namn ito sa normal..

Tinignan nya yung kamay ko at sinabing," Andrei," at lumingon na pabalik sa bintana.

"Ayy...," namula yung pisngi ko. Hindi dahil sa kilig ah, kundi dahil sa hiya. Nagiging friendly na ng ako eh sinpladuhan pa ako. binawi ko na lang yung kamay ko. 

"Wag mo nang pansinin yan. Bipolar sa lahat ng bipolar yan. Di mo maintindihan ang ugali. Audrey ng pala," sabi nito at inilahad ang kamay.

Kinuha ko naman ito at nakipagshake hands,"Patricia," sabi ko at ngumiti.

Matapos ang ang dalawang subject namin sa umaga ay tanghalian na. Dahil kailangan ko pang maghabol aming mga topic eh nagbaon ako para makapag-aral pagkatapos. Pinili kong umupo dun sa ilalim ng puno at doon kumain at mag-aral. Isinandal ko yung likod ko sa puno. Nang kumakain na ako ay may naramdaman akong nakamasid sa akin kaya nilingon ko ito. Nakita ko yung Janitor kanina na  nakatingin sa akin pero bigla itong umiwas ng tingin.

"Weird," yun lang ang nasabi ko sa aking sarili. 

Pagkatapos ng lunchbreak namin ay bumalik na ako sa classroom namin. Isa pa ang tao doon. Si Andrei pa. Tumabi na ako sa kanya. Dahil sa nangyari kanina ay hindi ko na ito kinibo. Natapos ang huling dalawang subject namin sa araw na iyon nang hindi nagkikibuan. Dumiretso na ako sa bahay. Nagjeep ako kasi hindi ko pa kabisado yung mga pasikot-sikot sa lugar na ito.

Pagkarating ko sa bahay ay nakarating na si mama at naghahanda na ng pagkain. Alas sais na rin kasi at nasanay kami sa Bagiuo na maagang maghapunan at magpahinga.

"O. Nandiyan ka na pala anak. Kumain ka na upang makapag-aral ka na. Alam kong marami ka pang dapat habulin sa klase niyo," sabi nito.

Nagmano ako at umopo na," Opo ma," Kumain na kami. Nag-uusap kami paminsan-minsan tngkol sa school ko. Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na ang mga dapat hugasan at pumunta na sa aking silid. Nag-aral na ako at pagsapit ng alasdiyes ay natulog na..

Naalimpungatan ako. May narinig kasi akong parang nagbubukas na gate. Tumingin ako sa digital clock sa table ko. 12 o'clock. Bumangon ako at pumunta sa bintana na Nakatapat sa bakanteng lote. Maingat kung hinawi ang kurtina ko at doon nakita ko ang isang bulto na pumapasok dito. May hawak itong isang supot. Tinitigan kong mabuti ang bultong ito at dahil may isang sasakyang dumaan, natapatan ng kaunting ilaw ang mukha ng bultong iyon. Napasinghap ako at umalis sa pagkakasilip ko sa bintana.  

"B-bakit sya nandoon? Bakit nandoon A-ang janitor?!"

The secret undergroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon