4

25 0 0
                                    

The next day, pumasok ako nang maaga . Mag-isa na lang akong pumasok dahil ayaw kong maging dependent kay mama lalo na't high school na ako.. Dumiretso na ako sa amng classroom dahil maaga pa at may kalahating oras pa bago magflag ceremony.  

Kaunti pa lang ang mga estudyante. May ilang room na hindi pa bukas. Malapit na ako sa pintuan ng aming silid-aralan nang may naramdaman akong kakaiba. Parang may nagmamatyag sa akin. Lumingon siya at doon nakita niya ang isang bulto ng tao.

"M-Mr. Mendoza! M-magandang umaga po," bati niya dito.

"Magandang umaga rin Ms. Cortez. Mukhang nagulat yata kita," sabi ni Mr. Mendoza.

"A-ah. Hindi naman po," kaila niya.

"Ah. Mabuti naman. So, Kumusta ang iyong unang araw sa paaralang ito?," tanong nito.

"Okay lang naman po. Madali ko naman pong nakasundo ang mga kaklase ko," sagot ko.

"Ah. Mabuti. Mabuti," sabi nito," O s'ya, pupunta na ako sa aking opisina," sabi nito. Nagulat naman siya nang biglang inilapit  nito ang kamay nito sa kanyang mukha. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na na nakalaylay sa aking mukha," Mag-iingat ka," sabi nito at umalis na.

Tumalikod naman upang pumunta na sa kanyang silid nang may mahagilap ang kanyang mata na isang bulto na taong nakamasid sa kanya. 'Ang Janitor!'

Nang matapos ang kanilang klase ay mag-isang naglakad si Patricia patungo sa gate nang kanilang eskwelahan. Hindi nya pa kasi gaano ka-close ang mga kaklasi niya at hindi naman siya yung tipo na palaging may kasamang mga kaibigan. Mas gusto niyang mapag-isa. Naglalakad siya sa corridor nang may humila sa kanyang braso. Paglingon niya ay nagsitayuan ang kanyang mga balahibo,'A-ang Janitor!,' kahit na natakot siya at nanunuyo ang lalamunan ay pinilit n'ya pa ring magsalita.

"B-bakit po?," tanong niya.

"Umalis ka na dito kong gusto mo pang mamuhay nang payapa," sabi ng Janitor.

"B-Bakit po? M-may na-na gawa po ba akong masama?," tanong niya.

"Wala. pero may ginawa ka mang masama o wala, kailangan mong umalis----,"

"Eduardo!," tawag nang isang tinig na mukhang ang tinutukoy ay ang Janitor.

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na yun at nakita namin si Mr. Mendoza na nakakunot ang noo. Ibinalik naman ni Mang Eduardo ang tingin niya sa akin.

"Tandaan mo. Binalaan na kita. Umalis ka na rito bago pa mahuli ang lahat," sabi nito at unti-unting binitiwan ang kanyang braso. 

Dali-dali namang lumapit si Mr. Mendoza sa amin," Anong nangyayari dito?"

"A-ah. Wala po," sagot  ko. Yumuko ako.

Mukha namang hindi ito naniwala kaya tinignan nito si Mang Eduardo .

"Binalaan ko lamang siya," bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nito," na huwag magtapon nang basura kung saan-saan"

Mukha namang naniwala ang prinsipal namin kaya bumaling sa akin," Ms. Cortez, totoo ba ito?"

Dahil sa takot, tumango na lang ako. 

"Dapat hindi mo ginagawa iyon Ms. Cortez. Dapat mong itapon sa tamang lalagyan ang mga basura mo. O sya. Umuwi ka na at baka gabihin ka pa sa daan. First offense mo pa lang to kaya we'll let you go off the hook. O s'ya. Umuwi ka na"

Pagsabi ni Mr. Mendoza noon ay nag-bow ako na ang ibig sabihin ay aalis na ako at saka dali-daling umabas ng gate. Nagjeep siya pauwi upang mapadali. Pagkadating niya sa bahay ay hindi na siya naghapunan at dumiretso na sa kanyang kwarto. Doon ay kinalma niya ang sarili at ginawa ang mga gawain at takdang aralin upang abalahin ang sarili at nang hindi na niya isipin ang nangyari kanina.

The secret undergroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon