Chapter 7- Another side of the square

48 13 2
                                    

Chapter 7- Another side of the square

Gaoccina’s POV

Tumutulong ako ngayon sa paglilinis sa loob ng ampunan. Hindi kasi pwedeng masyadong marami ang pumapasok doon sa pinakaloob kung saan naroroon ang mga bata. Nag-iingat na rin sila, at nauunawaan ko naman iyon.

“Ah, mother, ilang taon na po itong ampunan?” Pagtatanong ko habang hawak ko ang ilan sa mga muebles na nandoon.

“Mga mahigit tatlumput-taon na rin iha. Ilan nga sa mga nauna naming mga bata rito ay nagsisilbi na rin bilang madre ngayon dito. Dinadahilan nila na napamahal na sila sa ampunan at ayaw na nila umalis dito kaya magsisilbi na lang sila rito hanggang sa mamatay na nga raw sila.” Napangiti ako sa sinabi ni Mother.

“Marami po bang mga magulang ang nag-aampon ditto?”

“Mas nakakalungkot iha na marami ang pumupunta rito para ipaampon ang mga anak nila. Pero para sa amin ay ayos lang iyon, nauunawaan naming ang dahilan nila. Meron namang mga pumupunta rito para mag-ampon, pero sa ngayon ay binubusisi na naming mabuti. Ilan kasi sa mga naunang maampon ditto ay ginamit lang ng mga sindikato para sa illegal na gawain.”

“Alam niyo Mother,” Hinawakan ko iyong isang muebles na ibon. “Pangarap ko pong mag-ampon ng mga batang alam kong maaring mangailangan ng tulong ko.”

“Bakit iha? Wala ka bang balak namag-asawa?”

“Meron naman po Mother. Gusto ko lang po talagang makatulong sa mga bata. Gusto kong maranasan nila na magkaroon ng kumpletong pamilya tulad na rin ng naranasan ko.” Napansin kong napatigil sa paglilinis si Mother, tapos lumapit siya sa kinalalagyan ko.

“Mabait kang bata iha, nararamdaman ko iyon. Naaalala ko sa iyo si Nat, kasing edad mo lang siya ngayon.”

“Nasaan na po siya ngayon?” Curious na tanong ko kay Mother. Kinuha niya ang nasa tabi kong picture frame at marahang pinunasan iyon. Puno pa kasi ng ilang alikabok ito.

“Nakikita mo iyong maliit na batang nandito?” Tinuro ni Mother iyong lalaki sa may harapang bahagi ng litrato.

“Siya po ba si Nat?” Nakangiti kong tanong kay Mother.

“Oo iha, siya nga. Nang bata pa iyan ay siya ang pinakamabait na bata ditto, naampon siya mga sampung taon na rin ang nakararaan. Simula noon, madalang na lang naming siyang Makita. Ayos lang naman sa aming mga andito iyon, naiintindihan naming dahil mas magandang buhay naman iyong makikita niya sa labas ng ampunan. Ngunit nabalitaan namin na pagkatapos ng mahigit tatlong taon, nasa maling kamay pala si Nat. Napunta siya sa mga sindikatong ang balak ay magpagala ng mga bata sa lansangan, nilaban naming ang kaso niya at pagkaraan lamang ng ilang buwan ay nakuha ulit naming si Nat. Ngunit nakakalungkot lamang na sa loob lamang ng halos apat na taon ay nagbago ang ugali niya. Naging mailap siya sa amin, minsan na lang siyang dumalaw ditto. Parang ang dami niyang tinatago sa amin.”

“Siguro po Mother, sa tamang panahon po ay babalik din si Nat.” Nakangiti kong sagot.

“Naniniwala ako diyan iha.”

--

“Motheeeer.” Napalingon ako ng may makita akong tumawag sa pangalan ni Mother, nakita ko ang isang batang umiiyak. Nilapitan ko naman siya agad.

“Uhh, bakit ka umiiyak?” Hinawakan ko yung kamay niya at lumingon naman ito sa akin.Napansin ko namang parang nag-aalangan siya sa akin.

Million Miles High [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon