Chapter 4- Who's going to be at the band?
*****
Darwin's POV
"Tapos ka na ba sa pag-arte mo?" bungad ko kay Dash pagkapasok ko ng auditorium. Napatingin ako sa paligid, napakagulo nito.
Tumingin naman siya sa akin at binigyan niya ako ng napakasamang tingin. Ang tinging nagpapakita kung sino talaga siya, kung sino talaga ang isang Dash Aguilar.
"Ayusin mo na ang sarili mo, kailangan pa nating pagdesisyunan kung sino ang mapipili para makapasok sa banda." muli kong sabi sa kanya, pagkaraan tinalikuran ko na siya.
"Kanina ka pa nandito Darwin hindi ba?" narinig kong tanong niya sa akin.
"It doens't make sense kung nandito man ako o hindi." sagot ko sa kanya.
"Bakit ba kailangan ko pang pumunta diyan para lamang sabihin kung sino ang gusto kong makapasok sa banda?"
"Basta, pumunta ka na lang."
Sometimes, you need to hide things for you to protect someone.
End of Darwin's POV (A/N: Pasensya kung maikli, wala siya sa mood eh. Halata naman hindi ba? Haha! P.S hindi talaga ako marunong gumawa ng POV ng lalaki, namumukha silang bakla XD)
*****
Gaoccina's POV
"Oh.My.God."
"Bakit best?" narinig kong tanong sa akin ni Jasmine pagkatapos kong makita ang resulta sa audition.
Hindi ko siya sinagot, tinuro ko lang iyong bulletin board kung saan makikita kung sino ang natanggap.
"IMPORTANT ANNOUNCEMENT REGARDING TO THE AUDITION FROM THE BAND, PLEASE PROCEED TO THE AUDITORIUM MS. GAOCCINA SANCHEZ AND MR. EDRELLE GALVEZ FOR THE FINAL SHOWDOWN, BOTH TOURISM 1-A, 5pm SHARP. BE READY FOR YOUR SONG PIECE." napatingin ako kay best pagkatapos nyang basahin iyong announcement. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o i-react sa nakita at nabasa ko.
"Anong plano mo?" tanong niya sa akin. Nakakatuwa na malamang kilalang-kilala na niya talaga ako. Kung iba siguro iyan, magtatatalon sila at i-cocongrats ako pero itong bestfriend ko, iba, kakaiba. What i mean is, pareho lang naman kami eh. Kasi ako pagkatapos kong mabasa iyong announcement, naguluhan na ako.
Oo gusto kong makapasok sa banda nila. Pero ang tanong kasi, handa ba ako? Kaya tama ang tanong ni best, kaya lang, ano ba talaga ang plano ko?
Umalis na kami doon at naglakad-lakad muna sa campus. Gusto ko muna kasi mag-isip. Siguro nga padalos-dalos ako sa pagdedesisyon minsan pero sinisigurado kong muna na pagkatapos noon ay kaya ko na itong panindigan.
"Matagal mo ng gusto ito hindi ba?" tanong sa akin ni Jasmine.
"Oo, kaya lang, hindi ko alam ang gagawin eh."
"Alam mo best, go for it. Kilala kita, hindi ka magdadalawang-isip kung hindi mo gusto ang isang bagay. Dati rati, kapag may ganito, hihindi ka agad eh. Pero ngayon, iba." napatingin ako sa kanya. "Kahit ani pa ang desisyon mo best, susuportahan kita."
As if on cue na narinig ko ang sinabing ito ng bestfriend ko, bigla kong sinabi...
"Tara best, magpa-practice pa ako ng kakantahin ko." tumingin sa akin si best at nginitian ako.

BINABASA MO ANG
Million Miles High [On-Going]
Fiksi Remaja"Sometimes, you need to hide things for you to protect someone." Property of: cerisemiestories.weebly.com