Chapter 2- The Band
*****
(PART 1)
"hoy best! Grabe ka kumain ahz parang hindi ka pinapakain ni tita ah?" natawa lang ako sa sinabi ni Jasmine. Eh sa nagugutom talaga ako eh! Anong magagawa ko?
"libre mo naman ito eh" sagot ko.
"whatever. Oo nga pala. Sino ang nagdala sayo sa clinic?" nalunon ko bigla iyong sandwich na kinakain ko kaya biglang bumara ang lalamunan ko.
"my gosh! Ano ka ba Gaoccina Sanchez! Anyare sayo?" sabi nya sabay tulong sa akin. Grabe, halos hindi ako makahinga doon.
Naalala ko naman bigla iyong tanung nya. Agad akong umiwas ng tingin.
"hmmm, mukhang may tinatago ka sa akin Ms. Gaoccina Sanchez ah?" argh. Naiinis ako kapag sobra sobra nya akong kilala. Bakit ba hindi ko masagot ang tanung nya kasi? Bakit umiwas agad ako?
"wala ano ka ba! Sumagap lang ako ng hangin kaya tumagilid ako. Iyong nagdala sa akin, hindi ko kilala" oh my, i lied to my bestfriend. Pero may tama naman ah? Hindi ko naman talaga sya kilala. Hayy, conscience is attacking me.
"okay sabi mo eh. Eh ano ba kasi ang nangyari sayo?" tanong nya sa akin.
"p-paakyat kasi ako sa may dulo ng bleachers, tapos biglang nagsalita si Ma'am Hazel" sagot ko.
"Ma'am Hazel?" i nodded.
"tapos bigla akong nagstep backward para matignan sya kaya lang mali iyon kaya natumba ako. May tinawag syang student tapos tinulungan akong pumunta sa clinic. Tinulungan ako ni Ma'am Hazel"
"hmmm. Tinulungan ka pala ni Ma'am Hazel"
"right. Bakit?"
"wala lang. Saka dapat lang iyon noh. Sya ang dahilan kung bakit ka bumagsak! Dapat lang na tulungan ka nya noh!"
"best, teacher iyong sinasabihan mo. Worst professor at adviser pa natin. Iyang warside mo lumalabas na naman ah!" sabi ko.
"sorry naman. Eh sa nag-aalala lang naman ako sayo eh. Kita mo nga ang nangyari sayo! Anong sasabihin sa akin nila Tito at Tita nyan ha?"
"oo na, oo na! Hmp" i said while i am rolling my eyes on her. Naiitindihan ko naman kung bakit sya nagkakaganyan eh. She's just worried.
"oh well, saan mo gustong pumunta?"
"ahm, sa room na lang natin. Malapit naman ng magtime eh"
"okay sige tara"
pagdating namin sa classroom, kakaunti pa lang ang classmates namin na nandoon. Mga pumepwesto sa gilid kasi nga naman hindi ba, hindi pa kami magkakakilala. Sila Edrelle at Joed naman, malay ko. Hindi ko pa nakikita buhat kanina eh.
"best, lalapit lang ako sa kanila ah? Magpapakilala lang" sabi ko sa bestfriend ko.
"okay sige. Bumalik ka rin agad ha?" nagulat ako sa sagot ni Jasmine. Aba himala! Pinayagan ako!
"anong tinitingin tingin mo?"
"wala lang, nagulat lang ako. Pinayagan mo kasi ako" sagot ko.
"eh classmate naman natin kakausapin mo eh pag may ginawa sila sa iyo, tignan lang natin kung makakapasok pa sila kinabukasan" napabuntong hininga ako. Sabi ko nga, iyon ang dahilan nya eh.
BINABASA MO ANG
Million Miles High [On-Going]
Teen Fiction"Sometimes, you need to hide things for you to protect someone." Property of: cerisemiestories.weebly.com