Chapter 5- Hello Saturday!

71 17 8
                                    

Chapter 5- Hello Saturday!

*****

Kristoffer's POV

"Pre, anong nangyari kay Darwin?", untag ko kay Dash habang naglalakad kami palabas ng auditorium. Katatapos lang naming ligpitin ang mga gitara namin sa auditorium.

"Malay ko sa kanya, desisyon niya iyon. Siya naman ang leader ng banda natin hindi ba?"

"Oo nga, kaya lang hindi ba, dapat isa lamang ang kukuhanin natin? Napag-usapan na nga iyon eh. Tapos bigla niyang babaguhin. Minsan nagtataka na nga ako kay Darwin, baka bakla siya eh. Pabago-bago ng isip, parang babae." naramdaman kong gumalawa ang isang kamay ni Dash, akmang susuntukin ako. Buti na lamang at bigla akong nakaiwas. Phew! That was close!

"Bakit bigla kang nanununtok diyan ha?" angil ko sa kanya. Isa pa ito eh, parang bakla rin. Napakamoody kasi. Ako na lang yata ang natitirang tunay na lalaki sa banda namin. Ang gwapo ko eh. *wink*

"Ang daldal mo kasi pre eh. Hindi ka ba napapagod mula pa kanina? Para kang babae, napakadaldal." grabe ha, supalpal ako doon.

"Ewan ko sa iyo Dash."

"Huwag mo na lamang kasing pansinin si Darwin, may mga desisyon iyong hindi mo maintindihan pero iyon pala ay mahalaga."

"Ha? Hindi ko--" tingnan mo ito, pinutol ang sasabihin ko.

"Sige Kristoff, babalikan kita dyan. Pinapatawag lang ako ni Dean."

"Oo na. Lumayas ka na."

Naupo na lamang ako sa isa sa mga bleachers na nandoon. Abang-abang din ng mga babae na lalapit sa akin. Hahahahaha!

At dahil walang lumalapit sa aking babae(kawawa naman ako) nag-isip-isip na lamang ako.

Alam ko na iniisip niyo! Oo, may utak ako no!

Iniisip ko lang iyong mga nangyari kanina sa auditorium. That was really unbelievable. Indeed, Dash was right, Darwin is really unpredictable sometimes.

May napili na kasi kami between Gaoccina and Edrelle. Pareho kami ng sinabing pangalan ni Dash, tapos si Darwin naman ay iyong isa ang pinili.

Dahil 2-1 ang score, siguro naman alam niyo na kung sino ang makukuha, syempre iyong isa. Tapos, itong si Darwin kinuha iyong dalawa bigla. Hindi ko naman sineryoso ang sinabi ko kanina na kay Darwin nakasalalay ang matatanggap sa banda. Parang script lang naman iyong sinabi ko para lalong mag-enjoy ang nasa auditorium. *tampal sa noo.*

*FLASHBACK* (Before magsama-sama sila Kristoff, Gaoccina at Edrelle sa stage)

Place: Room kung saan nagpractice si Gaoccina.

Nakaupo kaming dalawa ni Dash sa lapag, hawak namin iyong mga gitara namin. Samantalanag si Darwin naman ay ikot nang ikot. After a minute or so, sa wakas natahimik din si Darwin sa sofa.

"Okay para matapos na ito, may papel ako na inilagay sa lamesang iyon. Isusulat niyo doon ang napili niyo. Lagyan niyo ng pangalan niyo para alam niyo kung kanino ang sa inyo kapag nagpaliwanang na kayo mamaya." mahabang sabi ni Darwin.

"Bakit pa ipapaliwanag?" pagtatanong ko.

"Para majustify niyo ang napili niyo. Let's start with you Dash, followed by Kristoff, panghuli ako."

*After 5 minutes.*

"Bakit mo pinili si Gaoccina, Dash?" -Darwin.

Million Miles High [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon