(A/N: Haha, may maikling video dyan si Gaoccina, kaEK-EK-AN lang nya!)
Jasmine's POV
Ano ba iyan! Ang tagal ng bestfriend ko! Nagugutom pa rin ako eh. Hayy. Teka nga pala, nakapagpakilala na ba ako ng maayos sa inyo? Parang hindi pa no? Kasi may nangyari noon. Ako nga pala si Jasmine Mendoza. Iyon lang para simple. Panigurado naman na pinakilala na ako ng bestfriend ko eh. Huwag kayong magkakamali na awayin ang bestfriend ko dahil humanda kayo sa akin.
Tinignan ko ang phone ko at nakita ko ang message ng besyfriend ko. Agad ko itong binasa.
---------------------
INBOX: Best Gao
best, nandito ako ngayon sa auditorium. Puntahan mo ako. Mag aaudition ako. Hihintayin kita.
---------------------
POTEEEEK!
Ito agad agad ang reaction ko pagkatapos kong mabasa ang text ng bestfriend ko. Bakit sya tumuloy? Ano ang nagpabago ng desisyon nya?
Agad akong tumayo sa upuan ko at tumatakbong pumunta sa department namin. Kaya lang may nadaanan akong girl na umiiyak. Argh! Bakit ngayon pa. May kaasama syang lalaki. Siguro nakipagbreak sa kanya. Hindi ako lesbian kung iyon ang iniisip nyo. Sadyang may lahi lang ako na "mapagkawanggawa". Yuck ang pangit ng term. Wala akong maisip eh! Ah basta!
Nilapitan ko iyong babae. Lapit lang, makikinig ako sa usapan nila eh!
"b-bakit ka ba makikipagbreak sa akin? Ayaw mo na ba sa akin? May mali ba? Magbabago ako. Huwag mo lang akong iiwan" Argh. What a word. Mukhang mahal na mahal nya iyong lalaki.
"Hindi.Na.Kita.Mahal. At saka hindi naman talaga kita minahal. Ikaw lang naman ang nagpumilit na makipagrelasyon sa akin ah?"
"kahit na! Pumayag ka eh! Ibig sabihin mahal mo ako!"
"ang kulit mo rin ano? Eh sa hindi nga kita mahal eh"
"dahil ba ito nung isang gabi?"
"hindi rin. Nagsawa lang naman talaga ako eh. Saka pustahan ka lang namin ng barkada ko eh!"
"how dare y--.." bago pa masampal nung girl iyong hampaslupang lalaki, ako na ang gumawa. Suntok nga lang ang ginawa ko. Nangati na kasi ang kamay ko. Napakayabang na lalaki.
"...ahhhhhh!" sigaw bigla nung babae nung umentra ako.
"ouch! What's that for?" hindi ko sya pinansin. Binalingan ko lang iyong babae.
"alam mo ate, maganda ka eh saka mukhang matalino pa. Uubusin mo ang oras mo sa isang kagaya nya? Nako huwag! May mas deserving pa na tao para sayo. Sige, hindi pa kami tapos nitong ex-boyfriend mo eh"
Sabi ko sabay kaladkad doon sa Kuya hanggang sa tumapat kami ng auditorium. Doon ko na lang sya ulit susuntukin ulit. Kailangan ko habulin ang bestfriend ko.
"t-teka nga! Hoy ikaw sino ka ba?" agad akong humarap sa kanya. Tumawa naman sya. Kumunot bigla ang noo ko. Anong nakakatawa?
"bakit ha?" singhal ko sa kanya.
"hindi ko alam na may hidden desire ka pala sa akin"
"kapal din ng mukha mo eh no?"

BINABASA MO ANG
Million Miles High [On-Going]
Teen Fiction"Sometimes, you need to hide things for you to protect someone." Property of: cerisemiestories.weebly.com