Chapter 3- Girlfriend in Disguise

117 17 3
                                    

Chapter 3- Girlfriend in Disguise

*****

Gaoccina's POV

Yes! I made it! Hindi ako kinabahan! Nakakatuwa naman, nakakanta ako ng maayos. Thanks to Edrelle! Pero buti na lang din, favorite song ko iyong ginamit.

"W-w-wala i-iyon." Natawa ako kay Edrelle. Kung kailan tapos na saka kinabahan.

Tumakbo na ako papunta sa upuan ko, nakita ko na kasi si best na dumating. Napanuod niya ako.

"Best! I made it! Yehey!" sabi ko habang lumulundah sa harapan niya. Kaya lang napansin ko na parang tahimik siya.

"B-best, may problema ba?" pagtatanong ko.

"wala best, natameme lang ako. Ang galing-galing mo eh." natuwa naman ako sa sinabi niya.

"Tara na, upo na tayo ulit." pag-aaya ko.

Naupo na ulit kami tapos nanuod. Kaya lang hindi na ako nakapagfocus, iisang tao lang naman ang pinapanuod ko eh. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin. Kahit noong nandoon ako sa stage, halos katabi ko na siya. Ang lakas lakas ulit ng tibok ng puso ng puso ko. Magpacheck-up kaya ako?

Ano kaya name niya? Siya kaya iyong Darwin na sinasabi noong mga babae sa CR? Hayy, hindi bale na lang, malalaman ko rin naman ang name niya eh.

Ang galing galing niya talaga maggitara. Kahit anong kanta ang ibigay sa kanila, nakakaya nilang tugtugin.

Hayy, ano ba itong sinasabi ko. Parang nagmumukha na tuloy akong obsessed sa kanya. Stop na nga.

Nang matapos iyong lahat ng mag-aaudition, nagkaroon ng piece na kakanta iyong tatlong original member ng banda. Tapos may nagsalita.

"Good Afternoon guys, i'm Dash and we're going to sing para naman mag-enjoy kayo lalo..."

"Psh, yabang, akala mo naman may maibubuga." napatawa ako sa sinabi ni best. Halatang asar siya doon sa lalaki ah. Ang lalaking nakita ko na nagpaiyak ng babae, ang namahiya sa amin sa room NILA, tapos ewan ko kung anong ginawa ni best sa kanya, iyong Dash na nakasama ko kanina sa stage, ay iisa lang.

"...I'm going to dedicate this to my girlfriend, Ms. Jasmine Mendoza." biglang naghiyawan ang crowd. Okay na sana eh, medyo nakakakilig, pero teka nga! Naglinis ako ng tenga ko kaya panigurado tama ang narinig ko. Pero b-bakit? Agad akong tumingin kay best at nakita ko ang gulat na reaction niya. Bakit parang may hindi ako alam?

Nagsimula itong kumanta.

(Sa POV ni Dash ko ilalagay ang buong kanta. Sorry.)

Habang kumakanta iyong Dash, bumaba ito sa stage at naglakad papunta sa direksyon namin. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Huwag mong sabihing...

Lalapitan niya si best?

Hindi nga ako nagkamali, lumapit nga ito kay best at pinatayo ito. Hindi pa nakuntento! Hinawakan pa niya sa kamay! Argh! Hindi ko naman malapitan si best dahil baka pati ako ay pagtinginan.

Pero nakakapagtaka lang, bakit ngumiti si best? Nakita ko ngumiti siya kahit nakaside view lang. Para matignan ko kung totoong ngiti ang binibigay niya, unti-unti akong gumilid. Nang makita ko siya, alam ko ang ibig sabihin ng titig na iyon. Asar na asar na ito at panigurado may mangyayari na hindi maganda.

"I love you so much Ms. Jasmine Mendoza." Sabi ulit nung si Dash noong matapos itong kumanta. Biglang naghiyawan ang buong crowd. Hindi sumagot si best, pero nakangiti pa rin ito.

Million Miles High [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon