Chapter 8- Highers
Gaoccina’s POV
“On 11 November 1997, Veronika decided that the moment to kill herself had at last arrived. She carefully cleaned the room that she rented in a convent, turned off the heating, brushed her teeth and lay down. She picked up the four packs of sleeping pills from her bedside table. Instead of crushing them and mixing them with water, she decided to take them one by one, because there is always a gap between intention and action, and she wanted to feel free to turn back half way. However, with each pill she swallowed, she felt more convinced: after five minutes the packs were empty.” – Veronika Decides to Die
“Best, mag-P.E time na. Isoli mo na iyan doon sa librarian.” Napatingin ako kay Jasmine nang sabihin niya ito sa akin. Nakita kong tumayo na siya at inaayos na niya iyong sling bag niya para bitbitin. Kinuha na rin niya iyong raketa niya para sa badminton class namin mamaya.
“Anong oras na ba?” Tumingin naman siya sa relong pambisig niya.
“Ten minutes before 10am. Kaya tara na.” Pag-aaya niya ulit sa akin.
“Alam mo ba itong kwento na ito?” Sabi ko sabay taas noong librong hawak ko, binaba naman niya iyong bag niya sa lamesa at muling umupo para makipag-usap sa akin.
“Hindi. At saka alam mo namang I’m into Nicholas Sparks, not Paolo Coelho.” Napabuntong-hininga ako. “Pero sabi nila, hindi raw ata maganda ang ending niyan.” Kumunot ang noo ko. “I mean, it’s not a happy ending. Iyon ang gusto mo hindi ba?”
“Meron din namang hindi happy ending na sinulat si Paolo Coelho, pero gusto ko pa rin.” Pagde-defend ko.
“Ay, bahala ka nga. Isoli mo na iyan doon. Mala-late tayo niyan, sige ka.”
“Wala ka bang hihiraming libro?” Tanong ko sa kanya.
“Wala. At saka, wala ako sa mood magbasa ngayon.” Tumango na lang ako ulit at sinoli na doon sa librarian iyong libro. Pagkatapos ay lumabas na kami ni Jasmine sa library.
“Pero sa tingin mo best, bakit gusto niyang magpakamatay?”
“Bakit ba napaka-curious mo ata ngayon sa librong iyan?”
“Wala lang ’no.” Sagot ko.
“Hmm, wala akong ideya sa totoo lang. And besides, alam mo namang hindi ko pa nababasa iyan. Pero baka dahil na rin, nagsasawa na siyang mabuhay.What do you think?”
“Oo nga ‘no. Pero, parang ang babaw naman noon.”
“Huwag mo na ngang i-stress ang sarili mo sa bagay na iyan. Kung gusto mo malaman iyong kwento, bumili kang libro niyan.”
“Eh, nakabili na nga ako.” Sagot ko. Bumaba kami ng hagdan mula sa building namin. May sarili kasing library ang bawat College namin and mayroong stand ng Fiction Books doon.
“Eh nasaan iyong libro mo? Bakit hindi mo dala? Bakit nakibasa ka pa sa library kung mayroon ka naman ng libro noon?”
“Bumili ako kahapon, noong nasa ampunan tayo. Lumabas kasi ako dahil may batang umiyak at gusto raw niya ng picture noong Kuya niya. At dahil wala naman akong ginagawa eh nag-volunteer na ako magpa-develop noong picture. Tapos bumili na rin ako ng “Para kay B” dahil sinabi ni Sharlene na na-misplaced daw niya iyong libro.”

BINABASA MO ANG
Million Miles High [On-Going]
Teen Fiction"Sometimes, you need to hide things for you to protect someone." Property of: cerisemiestories.weebly.com