Chapter Five

19 1 2
                                    

Chapter 5

(1st day of December)

Tss. Nakakakulilig ang mga kanta ngayon sa radio. Puro pang-pasko. Paulit-ulit na lang. Samahan pa ng malamig na simoy ng hangin na galing sa bintana ng sasakyan namin. Pina-off ko muna yung aircon sa driver namin. Gusto ko munang makalanghap ng fresh air. Hindi naman traffic ngayon kaya walang masyadong usok ng sasakyan.

Bigla na lang akong napaisip. Ano na naman bang kaboringan ang naghihintay sa akin sa Pasko? As usual marami na namang magbibigay sa akin ng regalo at busy na naman sa trabaho sina Mama at Papa. Bukod kasi sa real estates, nagma-manage din sila sa iba’t ibang branches ng malls namin, pati na rin sa amusement park. Mukhang masaya na naman ang Christmas sa bahay, at eto na naman ako sa pagiging sarcastic.

“Nandito na po tayo.”

Hindi ko napansin na nandito na pala kami sa school.

“Kuya Larry, ‘wag niyo na muna po ako sunduin mamaya. May pupuntahan po kasi ako.”

“Pero ma’am---“

“Sige na po. Ingat po kayo.” Napakamot na lang si Kuya Larry, driver namin. Gusto ko kasing mag-commute mamaya para naman maranasan ko kung gaano kahirap ang makipagsksikan sa jeep at ang mas masaya pa, may makatabi ka pang may atomic bomb sa kili-kili. Yun kasi ang kadalasang nakikita kong posts sa facebook. >:D

Dire- diretso na akong naglakad papunta sa building namin. Aasahan ko na naman ang pagka-badtrip mamaya.

~*~*~*~

Naupo na agad ako sa upuan ko. Teka... bakit ko ba katabi ‘tong nilalang na ‘to? Tsk. Oo nga pala. Dahil dun sa transferee. Siguro permanent na naman ang upo nya dito. Himala na naman. Hindi sya nag-iinaso ngayon. Nakatulala lang sya out of nowhere. Medyo naninibago ako sa kanya. Baka tinatamad mang-asar? Siguro nga. Magbabasa na lang siguro ako. Tss.

“Margaux...”

Nilingon ko si Javier. Akala ko sya yung tumawag sa akin. Hindi pala. Palinga-linga ako sa paligid. Si Michael lang pala, friend nya.

“Bakit?”

Tinuro nya si Javier. “Anyare?”

“Di ko alam.”

Kaibigan sya ni Javier tapos di nya alam kung anong kaartehan meron ngayon ‘yang sea creature na ‘yan? Tss. Nag-away-away siguro sila. Teka, ano namang pake ko sa kanila? Mabuti ngang tahimik ngayon si Javier e. Mapayapa ang buhay ko.

“Margi-sama?” Afufu. May bago nang papalit sa trono ni Javier. -__-

“Ha?”

“Oh, that’s the alternate for ‘Ali-sama’. Hehe. And wait, may LQ po ba kayo nun?” sabay nguso nya sa katabi kong hanggang ngayon e lutang pa rin ang isip.

“Hindi ko sya b---“ naputol yung pagsasalita ko nang pumasok sa pintuan yung teacher namin sa MAPEH, si Sir Pelagio. Sa bandang hapon pa yung time nya ah? Tumayo naman agad yung mga kaklase ko. Nakitayo na rin ako.

“Good morning, Sir Pelagio.”

“Good morning. I know you all are confused kung bakit nandito ako kaagad. Ms. Marion Nikita is not around. She’s doing some important matters at ibinilin niya kayo sa akin.”

First time lang ding um-absent ng adviser namin. Kaya pala medyo matagal sya dumating. Nilapag na agad ni Sir yung mga gamit nya sa unahan.

“I know you’re aware about ‘Christmas for Christ’, right?” Yun yung tawag sa event bago mag-Christmas party . May ipe-perform yung bawat section mula pre-school hanggang high school.

Bitters and SweetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon