Eunha's Note:
Hello again! Super short update lang. May pasok na eeh. Enjoy reading! *u*
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Chapter 7
(8th day of December)
Medyo magulo ngayon sa classroom. Yung iba, nagpapaganda pa para mamaya sa MAPEH. Masyadong excited. Buti pinagbigyan kami ng Math teacher namin na mag-prepare tutal naman daw advance kami sa lesson. Ayun, medyo kinakabahan ako, at masama ang pakiramdam. Hindi na naman kasi ako kumain ng lunch kanina. Wala akong gana. Eeeessh~ Tapos ako pa yung vocalist! Nakakainis e hindi naman ako marunong kumanta! Mas maganda nga yung boses ni Abby e!
“Margi-sama! Kinakabahan ako! Eeeehh~”
“Okay lang yan. Lahat naman tayo kinakabahan ngayon e.”
Medyo nakakagaanan ko na rin ng loob si Abby. Sa tingin ko kasi hindi naman sya tulad ni Zy na medyo may attitude, tsaka mabait naman sya kahit sinusungitan ko sya. Hindi talaga sya lumalayo sa akin kahit ano pa yung sinabi sa kanya dati nung guidance councilor. Hindi naman din kasi ako ina-approach nina mama at papa tungkol sa kanya. Ang cute nga e. Kung siguro lalaki sya, mapagkakamalang nililigawan ako nyan. Pero basta ang persistent nyang maging kaibigan ako.
Si Chin-Mae rin. Lagi na nya akong ginugulo kapag nasa garden ako. Tuwing gusto ko magpagabi ng uwi, sya yung nakakausap ko. Favorite place na rin nya yung garden. At yun, nakakasabay ko na silang dalawa sa pagkain. Hindi na ako loner tuwing lunchbreak.
Siguro nga past is past. Sabi nga nila, look forward. Hindi na nga siguro maganda kung ipagpapatuloy ko ang pagiging loner ko. Kailangan ko talaga ng kaibigan. At syempre dahil sa kanila, binabati na ako ng mga tao. Hindi na sila masyadong ilag sa akin. Unti-unti ko na ring natututunan ulit ang pakikipag-socialize. Sa kulit ba naman ni Abby at sa charisma ni Chin-Mae e malamang talaga na marami na ring kakausap sa akin. Maganda ako e. >:D
Balik sa kasalukuyan. Busy kaming lahat at natatarantang ewan nang may kumatok sa pinto. Akala namin si Sir Pelagio na, si Ms. Aira lang pala, yung director sa Theater club.
“Ma’am, excuse po kay Margaux.” Lumapit naman agad ako.
“Bakit po, Miss Ai?”
“Kailangan ko lang kayong i-meeting para sa upcoming performance sa Christmas for Christ, tapos ibibigay ko agad yung script.”
“Ma’am matagal po ba yun? Kasi po may presentation kami sa MAPEH ma---“
“Don’t worry, pinagpaalam na kita kay Sir Pelagio. Excused ka na doon. Sige na, kunin mo na yung mga gamit mo. Baka kasi diretso practice na tayo. Sige, sumunod ka na lang doon.”
“Okay, ma’am.”
HALA?! Paano yun? Tss. Excuse naman ako e. Tsaka nag-participate naman ako nung nagpa-practice kami. So, I”M FREE~~! Hindi na ako kakanta!
Kinuha ko na yung mga gamit ko.
“Yah! Where are you going, huh?” Nakakunot-noong tanong sa akin ni Chin.
“Pinapatawag ako sa Theater club.”
“Paano yan? Sinong vocalist?”
“Gabriel, ayan si Abby o! Tsaka di naman masyadong kailangan ng keyboard sa kanta tsaka nga ‘di ba hindi pa nya masyadong kabisado yung chords? So ayan, magaling naman sya kumanta.” Nung unang practice kasi namin, ako yung nagturo sa kanya mag-piano kasi nga gusto daw nyang matuto. Ayun, tinuro ko sa kanya yung ipe-perform namin, kaso hindi pa nya masyadong saulado yung chords kasi nga ilang araw ko pa lang syang natuturuan.
“Ang daya naman, Margi-samaaa~!”
“Excuse na daw ako e. Sige alis na ako. Good luck sa performance nyo.” Sayang talaga. Gusto ko sanang mapanood yung mga performance ng section namin kaso wala e.
~*~*~*~
Nag-meeting na nga kami about dun sa stage performance namin. As usual, ako na naman yung ginawa nilang bida. Habang hinihintay kong dumating yung mga copy ng script, sumilip muna ako sa bintana. Maraming nakapalibot sa activity hall. Dismissal na kasi ng ibang year. Kanina pa siguro sila nagsimula. Buti pala talaga wala ako doon. Nakakahiya talaga na ako pa yung vocalist e hindi naman ako kumakanta. Pssh.
Malamang marami na namang magtitilian lalo na kung magpe-perform na yung mga ka-groupmates ko. Tatlong mga heartthrobs ng campus nagsama sa iisang band tapos si Abby naman, binabansagan na ring campus princess. Lalong lalo na si alien. Mangingisay na siguro yung mga fans nya kapag napanood syang naggigitara. Kahit nga ako hindi ko alam na marunong palang maggitara yung kupal na ‘yun. Pakialam ko sa kanya? Mas magaling kaya ako. Batuhin ko pa sya ng kamatis e. :P
“Margaux, pwede maiwan ka muna namin dito saglit? May pupuntahan lang kami.” Sabi ni Yeesha, member din sya ng theater club.
“Sige.” At umalis na sila. Iniwan nga ako. Hindi pa naman ako sanay nang walang kasama. Hindi ko rin naman kasi sila close. Ay ewan, uupo na lang ako at magmumuni-muni.
Habang naglalaro ako ng kung anu-ano sa iPhone 5 ko, bigla na lang ako nakaramdam ng hilo. Ano na naman ‘tong nararamdaman ko? Sabagay, paanong hindi ako mahihilo e hindi na naman pala ako kumain ng lunch kanina. Lagi ko na lang tinatamaran. Hays.
Tatayo na sana ako para bumili ng pagkain nang biglang nanlambot yung tuhod ko. Arrgh! Kulang na ata ako sa exercise! Pambihira naman ‘tong mga sakit ko ngayong araw! Ano ‘to, weekend illnesses? May ganun ba o sadyang ako lang ang nakakaranas nun? O nabarang-slash-nakulam na ako?
Naabnormal na talaga ako ngayon. Pati paningin ko dumidilim na.

BINABASA MO ANG
Bitters and Sweets
Teen FictionShe hates him, but she can't admit to herself that she's falling. She's afraid that he can't reciprocate her feelings. Results? NGANGA. Cliched cat-dog story of Margaux and Joshua.