Eunha's Note:
Before I go to sleep, mag-uupdate muna ulit ako. I'm not sure kung makaka-update pa ako sa susunod or what. Malapit na kasi magpasukan. Ako'y natatamad. Ohwell. Hope you enjoy reading, everyone!
Sorrreeeh. Si Kang Chin-Mae yung nalagay ko sa una eeh. Dapat pala itong pic ni Joshee na tulog. Epic fail na naman sa soobrang antok. Ge! Amasorry ulit!
Sleepyhead Joshee on the right side~ ♥
Chapter 6
“Sumunod ka na lang.”
Moment of silence.
“ANO NA NAMANG TRIP MO, JAVIER?! AKALA KO PA NAMAN MATATAHIMIK NA ARAW KO NGAYON TAPOS... AAAAAHHH! WAG MO NGA AKONG HILAHIN! TEKA! ANG SAKIT MO HUMAWAK! OUCH!”
Waepek yung pagkalakas-lakas na sigaw ko sa kanya. Para syang natataeng ewan. Parang may tinatakasan pero wala namang humahabol sa amin. Patingin-tingin sya sa paligid. Malala ang tama ng isang ‘to.
Hala! Baka may gawin sya sa aking kakaiba! Iba na ang akbo ng utak nya ngayon kaya baka chop-chop-in nya ako o ibaon sa lupa nang buhay!
“Anong nangyayari sa’yo, Javier? M-may problema ba? P-pwede naman nating s-solusyunan ‘yon. Wag mo lang a-akong p-papatayin. Please? M-marami pa akong p-pangarap sa buhay. G-gusto ko pang maging mangaka, s-sikat na cosplayer, dubber tapos---“
“Pwede ba manahimik ka lang?”
“E-eto na nga. Tatahimik na e.”
Kinakabahan talaga ako sa kanya. Ano bang sapi meron sya ngayon? Grabe nakakatakot yung ganyang side ng personality nya. Tama yung sabi ng mga fangirls nya, masungit na nakakatakot sya. Pero bakit ngayon ko lang nakita sa kanya yung gan’tong personality nya? Tsaka bakit ang dami pa ring taong nagugustuhan sya? May sa-halimaw ata ‘to e.
Tahimik pa rin kaming naglalakad papuntang parking lot. Dito ba nya ako babalatan nang buhay?
*ring.ring.ring*
“Hello...Idiretso nyo ‘yan sa presinto...thanks.”
P-presinto? I-ikukulong ba ako? Teka. Minor pa naman ako kaya hindi pa ako makukulong tsaka wala naman akong ginawang labag sa batas...maliban sa... bullying? Ohgosh.
Habang nangangatog yung tuhod ko at nag-iisip kung paano ako makakatakas sa kamay ng alien na ‘to, hindi ko namalayan na may kotse na palang nakahinto sa tapat namin at nakabukas na ang pinto sa tapat ko.
“Sumakay ka na.” Wagas naman kung maka-command ‘tong alien na ‘to!
“T-teka pero---“
“Sumakay ka na nga!” at ako naman si tanga, pumasok nga sa kotse at umupo sa dulo. Pumasok na rin si Javier sa loob at sinarado na ng driver yung kotse. Malamang driver nila Javier ‘to.
Nakatingin lang ako sa bintana. Inaalam kung saan papunta ‘tong kotse na ‘to.
“Bakit dyan ka nakaupo?” Eeeh. Kinikilabutan talaga ako sa kanya! O, Espiritu ng Kasamaan, multo, mambabarang at engkanto... Lumayo ka sa katawan ng damuhong alien na ‘to! Next time ka na lang bumalik kapag prepared na ako! \(≧o≦)/
“E para kang sinaniban ngayon ng sampung demonyo ngayon e!”
“Umusog ka.” Aishh. Baka may nakatago syang injection na pampatulog!
“Ayoko.”
“Dito ka sa tabi ko. Wala akong nakakahawang sakit.” Sakit wala. Pero deadly weapon meron! Ah, alam ko na. Yung pepper spray ko! Teka...
![](https://img.wattpad.com/cover/5875588-288-k101229.jpg)
BINABASA MO ANG
Bitters and Sweets
Teen FictionShe hates him, but she can't admit to herself that she's falling. She's afraid that he can't reciprocate her feelings. Results? NGANGA. Cliched cat-dog story of Margaux and Joshua.