Chapter Eight

13 1 1
                                    

Chapter 8

“...stressed, madalas sigurong pagod...malnourished.. pahinga muna sya ng two days...fruits and vegetables..blah blah...”

“....Thank you.”

 “Nnngh...”Sino ba yung nag-uusap na ‘yun? At dito pa habang natutulog ako? Tsk. Medyo mabigat yung ulo ko. Tsaka masyadong maliwanag..

(-__o)

(o__-)

(O__O)

\(≧O≦)/

EEH?! Nasaan ako? Teka... hindi ‘to clinic! Hindi ‘to ospital.. at lalong hindi ko kwarto ‘to!

“Gising ka na pala, Greeny.” E-eehh?! S-si...

“Javier? Nasaan---“

“Nandito ka sa bahay namin. ‘Wag kang mag-alala, alam nina Mr. Monteverde na nandito ka.”

“Pumunta ba sila rito?” Matagal-tagal bago sya nakasagot.

“Dito ka daw muna. Mas makakabuti raw na nandito ka atleast hindi ka raw nabo-boring.” Medyo natuwa naman ako sa sinabi ni Javier. 

“A-anong nangyari sa akin? Bakit ako nandito?”

“Nahimatay ka. Bakit nga pala hindi ka kumakain, ha? ‘Wag mo ngang paandarin ‘yang katamaran mo sa pagkain! Tsaka anong oras ka ba natutulog? Nasobrahan ka na sa stress!”

“E bakit hindi mo ako inuwi sa bahay?”

“Nawala na yun sa isip ko! Tsaka mas malapit dito kaya dito agad kita diniretso. Nataranta ako nun e! Ano bang malay ko kung napaano ka na pala e.”

“Tss. Salamat.” Labas sa ilong yung ‘salamat’ na yun.  Pero.. nagmalasakit kasi sya eeh.

“May kailangan ka ba? Gusto mo ng tubig? Ano?”

“Wala. Okay lang ako.” Eeeh. Nakaka-boring naman dito. Anong gagawin ko dito?

“Hoy. Bakit di mo na lang ako diniretso sa clinic?” Tumalikod sya sa akin at di sinagot yung tanong ko. Aba!

“Di ba nasa school pa tayo nung mahimatay ako? Dapat doon mo na lang ako diniretso! Gusto mo bang may utang na loob ako sa’yo?”

 “E bakit ang dami mong tanong?” Naiirita nyang tanong sa akin.

“E ba’t ayaw mong sagutin yung tanong ko para hindi na dumami yung tanong ko?”

“Bakit pinagpipilitan mo yang tanong mo e wala nga ako sa mood sumagot?”

“Bakit wala ka sa mood sumagot e ang simple lang naman ng tanong ko sa’yo?”

“E bakit di mo sinasabing magaling ka palang mag-drawing? Ha?”

“Bakit-----BAKIT MO TINITIGNAN SI SKECHIIIIII????!!!!!!” doomed. Yung tinitignan nyang sketch pad... si Skechii.. Meron pa namang mas maganda sa mga drawing ko doon pero... EEEEH! Wala pang nakakakita nun! Bakit ko pa kasi dinala si Skechii?! Bukod pa kasi ‘to sa sketch pad na pinakita ko kay Chin. Ito yung kasali sa mga tinatago-tago ko sa mahiwagang baul ko. Kasali ‘to sa best artwork ko e tsaka...

“Bakit nandito yung mukha ko?”

Pfffhh~ Yun nga, din-rowing ko sya isang beses. Last year ko pa naman na-drawing yun. Yun kasi yung time na hindi ko pa sya inaaway (away talaga yung term >.<) Medyo nagtitimpi pa ako nun kahit inis na inis na ako sa kanya at parang lalamangan pa ako sa lahat ng bagay.

“He’s so exasperating... Nakahanap na ata ako ng katapat ko... Just wait for my revenge, Mr. Girlish guy. OY ABA ANG SAMA MO NAMAN! ANONG GIRLISH?!” Ahaha! Ayun kasi yung caption nun. E sa nainis na ako sa kanya nun e! Kaka-transfer pa lang nya nun, ang dami agad mga clubs na kumukuha sa kanya kesyo lagi syang pinupuri na magaling. (Oo. Na-insecure ako okay?)

Bitters and SweetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon