༺༺Chapter 12༻༻

493 9 6
                                    

Mahirap talaga kung may tutol sa relasyon niyo. May part na nakakaguilty kasi iisipin mo kasalanan mo kung bakit hindi ka nila gusto at iisipin nila na selfish ka kasi pinipilit mo yung hindi naman pala tama.

Pero ano nga ba ang tama? Ang hiwalayan ko si Chase? Hindi ko yun kaya.

Almost one year na kaming nagsasama, next month anniversary na namin. Masyado ko na siyang mahal para iwan ko. May mga times pa din na kinakausap ako ng parents niya lalo na ang Mama niya. Akala ko tutol siya sa amin, hindi naman pala. Malayo ang ugali ni Tita Kristine kay Aunt Kristy pero mali ang inisip ko na masama din siya tulad ng Papa ni Chase. Medyo strict siya pero hindi siya tutol sa amin.

Nung nakausap ko siya, sobrang kabado talaga ako kasi nga ang sungit ng dating niya at bihirang ngumiti pero ganun pala talaga siya. Mahal ni Tita Kristine si Chase at gusto din niyang sumaya ang anak niya kaya sinabi niya na kung anong magiging desisyon ni Chase ay susuportahan niya.

(Oh! Edi isa na lang ang kontrabida! Hehehe)

Oo nga pala, hindi na ako nagtatrabaho ngayon. Isa na ulit akong estudyante. Si Aunt Kristy ang nagpapa-aral sa akin. Sabi niya kasi sayang naman kung hindi ako makakapagtapos at eto ako nangangarap ulit na maging isang teacher. Gusto ko kasi talagang magturo lalo na sa mga bata.

Lumipat na din nga pala kami ng apartment ni Chase. Sa iisang apartment pa din kami nakatira pero dalawa na ang kwarto. Nasa subdivision ang apartment namin kaya na malayo sa mga tambay at basagulero. Si Tita Kristine ang nagpumilit na lumipat kami since pumayag siya sa relationship namin ni Chase, pumayag na din kaming lumipat.

Madami na ding nangyari since naging kami. Madami na ring nagbago. Na-promote na si Chase sa trabaho niya at ako naman ay nag-aaral na ulit. Hindi naman namin masyadong naging problema ang Papa niya dahil nanjan si Aunt Kristy and Tita Kristine para sa amin. Pati pala si Kuya Vince na ikakasal na kay Celine next year. Hindi tutol si Tito Mariano kay Celine kasi mayaman siya so kailangan yumaman din ako para magustuhan na niya ako. Hahahaha!

"Good morning mhine, gising na. Baka ma-late tayo."

"Hmmm? 5 minutes."

"Ayan na naman yang 5 minutes mo! Gusto mo kilitiin kita? Hehe"

"Kiss mo na lang ako. Hehe" Tapos bigla niya akong hinila, napahiga tuloy ako sa kanya. "I love you forever."

Ayeeeee! Umagang umaga, kinikilig ako. Hehe

"I love you forever more." Then I kissed his forehead. "Bangon na kasi. Nakapagluto na ko."

"Ayoko." Tapos niyakap niya ko tas nakapout na naman yung lips niya.

"Oh sige, wag ka na magtrabaho, hindi na din ako papasok sa school."

"Oo, dito na lang tayo. Magcuddle na lang tayo maghapon!hehe"

"Ay ang harot!hehe"

"Oh sige, iba na lang."

"Anong iba na lang?"

"Iba na lang haharutin ko. Hehe"

"Suntok gusto mo?"

"Joke lang. May asawa na kaya ako. Hehe"

"Subukan mo. Sisipain kita palabas ng bahay. Hehe"

"Eeh, nman eehhhh!" Tapos lalo niya kong niyakap ng mahigpit. Hehe minsan talaga pa-baby siya. Ang cute! Hehe

Learn To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon