༺༺Chapter 15༻༻

419 8 6
                                    

Alam niyo ba yung feeling na sa paggising mo sa umaga may kulang na agad? Parang lahat ng gawin mo hindi enough kasi hindi ka kumpleto. Six months ko ng nafifeel yun since nawala si Chase. Tama, nawala siya at hindi pa siya patay pero masyado ng matagal ang six months na yun. Madaming nagsasabi na patay na si Chase at hindi na siya makikita pa pero hanggang ngayon umaasa pa din ako at ang family niya na babalik siya.

Malaki ang pinagbago ni Tito Mariano since nawala si Chase even though hindi pa din naaalis ang pagiging mainitin ng ulo niya, pero ngayon ay kahit papaano ay nakakapag-usap na kami. One time nga nagkwentuhan kami at si Chase lagi ang bukambibig niya. Dun ko lang din nalaman na proud siya sa lahat ng achievements ng anak niya.

Six months na siyang nawawala. Susuko na ba ako? Kapag naiisip ko na kailangan ko na bang sumuko, hindi ko mapigilan ang luha ko. Ang sakit eh, sobra.

There's a part of me na nagsasabi na "Oo, give up na. Six months na yun eh. Wala na talaga siya." Pero everytime na naiisip ko yung promise niya sa akin, everytime na nagfaflashback lahat ng good memories namin together nahihirapan akong isuko siya. Kapag naiisip ko lahat ng good memories namin, parang lalo ko siyang minamahal at lalo ko din siyang namimiss at dahil dun lalo akong nagiging eager na gusto ko siyang makikita but until now, he's still missing.

"Ate, tulala ka na naman. Narinig mo ba yung sinabi ko?" Sabi ni Anjela.

"Ay, sorry. May iniisip lang ako."

 

"Si Kuya Chase na naman?"

Tapos hindi ako sumagot.

"Haaaaay. Hindi ako alam ang sasabihin ko Ate Charrise. Alam kong masakit ang pagkawala niya."

 

"Anjela, susuko na ba ako? Iisipin ko na bang patay siya katulad ng iniisip ng iba?" Tapos tumulo na namang ang luha ko.

"Ate, wag ka ng umiyak. Lagi ka na lang umiiyak eh."

Oo nga pala. Kalat sa buong campus ang nangyari sa boyfriend ko kaya parang they all sympathized with me. Naiintidihan nila kung bakit ako umiiyak. Pero I tried to hide my emotions, baka kasi isipin nila papansin ako dahil lagi na lang akong umiiyak.

"Ate, hindi kaya tama naman sila? Na wala na talaga si Kuya Chase?"

Hindi ako nagsalita. Kapag may nagsasabi ng ganun sa akin, automatic na bina-block ng utak ko dahil ayong isipin na patay na siya.

***

Gabi na natapos ang klase namin. Dumeretso muna ako sa 214 Cafè para doon na magdinner. Close na yung cafè pero tinext kasi ako ni Jiro na sabay na daw kaming magdinner.

Learn To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon