༺༺Chapter 5༻༻

628 13 10
                                    

Today is my birthday. Three years ago, bumagsak ang mundo ko. Sa mismong birthday ko namatay ang mga magulang ko. Dahil nagpumilit ako na umalis kami nun kahit ayaw ni Mama dahil mas gusto niyang i-celebrate ang birthday ko bahay namin. Medyo na-spoiled din kasi ako ni Papa kaya siya yung pumayag, wala na din namang nagawa si Mama dahil nga birthday ko naman.

Niyaya ko sila na pumunta sa Enchanted Kingdom pero habang nasa SLEX kami, nangyari ang hindi ko inaasahan na mangyari. May isang truck na nawala sa lane at bumangga sa sinasakyan   naming kotse nila Papa.

Paggising ko nasa hospital na ko, masakit ang ulo at puro sugat. Hindi ko din maigalaw ang kanang paa ko nun. Nagkaron pala ako ng bone fracture dahil naipit ‘to sa kotse.

Binalita sa akin ng mga doctor ang nangyari at nanlambot ako sa narinig ko. Sobrang sakit. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari, dahil sa birthday ko nawalan ako ng magulang.

At simula nun namuhay ako ng mag-isa. Dahil ulila na din si Mama at nag-iisa siyang anak, wala na din akong malapitan na kamag-anak niya. Hindi ko alam kung nasaan sila. Si Papa naman nasa ibang bansa na yung kapatid niya kaso hindi sila in good terms dahil half-brother lang niya si Papa.

Ang saklap di ba?

***

*tok!tok!*

“Birthday girl, gising na.”

Narinig ko ang boses ni Chase. Tiningnan ko yung orasan ko, 5am pa lang.

(Saan ba kami pupunta at napakaaga niya akong ginising?)

“Charrise?” tapos pumasok siya sa kwarto ko. Umupo siya sa kama ko. Umupo lang siya habang ako ay tulog-tulugan. Hehehehe

Nakuryente yata ako sa ginawa niya.

Hinawakan niya kasi yung mukha ko, hindi ko alam kung nakatingin siya dahil kunwaring tulog nga ako pero malamang nakatingin nga siya. Hehehe

Kunwari nag-inat ako at nagising sa ginawa niya kaya inalis niya yung kamay niya sa mukha ko.

“Good morning.” Bati ko sa kanya.

“Good morning panget. Happy birthday. Bangon na!hehe”

 

“Ang aga pa ah. Saan ba tayo pupunta?”                  

 

“Basta. Get up na. Dali.” Excited niyang sinabi sa akin.

Napangiti naman ako dahil mukhang mas excited pa siya kesa sa akin.

Kagabi bago ako matulog, kinausap ko si God. Humingi ako ng sorry sa kanya pati sa din sa magulang ko. Siguro panahon na din para magmove-on ako, kalimutan ang nangyari dahil kahit anong gawin kong pag-mumukmok eh hindi na maiibalik ang buhay nila Mama at Papa.

Learn To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon